Nako naman. Nabuhay na naman akong katawang lupa 'ko! Hahaha. Binuhay ako muli ng author ng story na 'to ang ng TRUTH. Kaya heto, andito na naman ako para dumaldal. :)
Sa mga hindi pa nakakabasa nun, don't worry. Wala naman yatang connect ito doon. Pero kasi, dapat matagal na 'tong nasulat. Nagkaroon lang ng ibang idea yung writer doon sa nauna kaya naiba na yung flow. Pero eto, kaya nga 'The real story' kasi eto na yun, walang labis, walang kulang!
Oh well, eto na!
Ako nga pala si Isabella Alexis Javier. Alex is my nickname. Big time boyish ng barkada, kaya naman lagi akong napagti-tripan at nali-link sa kung kani-kaninong lalaki!! Ang kulit kasi nila. Sobrang dami ko na kasing tinanggihan na manliligaw. Hindi naman sa tomboy ako or what, ayoko lang kasi ng love love na yan sa ngayon! Hanggang crush lang muna at MU MU. Pero yung serious relationships? Yikes! Di ata kaya ng konsensya ko na itago sa parents ko yun 'no. Bawal pa yata kasi ako. Bakit yata? Eh kasi wala namang stated sa rules ng bahay na bawal talaga. Kaso bilang makalumang way sila magpatakbo ng isang pamilya, generalized naman na siguro sa'ming magkakapatid yun na bawal pa muna. Books before boys ang peg! WAHAHAHA
"Asaan ba sila Rica?! Anak naman ng tokwa't baboy. Nagugutom na 'koooo!" sabi sa'min ni Pat. Short for Patricia. Siya yung pinaka close ko sa buong barkada. Kami rin yung pinakamatagal ng magkakilala dito. Since 2nd year high school palang, friends na kami. Dumami lang ng dumami kasi lagi kaming open for recruitment! HAHAHA Kaya ayun, nagbbranch out. Chos.
"Ewan ko. Sabi kanina, sasamahan lang si Jasper bumili eh. Tapos bigla na nawala. Ikaw Alex, alam mo kung asan?" tanong sa'kin ni Ja. Jirah naman buong name niya. Best friend ko rin. Naging friends kami nung 3rd year at 4th year na kami ngayon.
"Aba, malay ko." tipid kong sagot. Eh sa naglalaro akong Temple Run sa phone ni Kristel eh! Baka ma-deads pa ko pag inabala ko pa yung sarili kong hanapin yung mag-jowang yun!
"Alex, charge mo yan mamaya habang nagppractice ah! Baka kasi ma-dead batt, tapos tumawag si lola o kaya si Matt." sabi ni Kristel.
"Yep, yep. AY SHIIIIIIIIIIIIIIT!" naman oh! Loser na naman ako. -3- Eh kasi, kinausap pa ko ni Kristel eh!
"Hahahaha! Run again!" sabi ni Kylie.
"Yoko na nga. Tshhhh. Antagal naman! Di pa ba tayo kakain?! Pangit lasa ng pancit canton pag malamig!" sabi ko sa kanila. Nasa isang table kami ngayon. Actually, tatlong square na table 'to na pinagtabi tabi para magkasaya kami. Aba, ikaw ba naman biyayaan ng barkada with 13 members eh!
Hmm. Dami namin 'no? Aksaya sa panahon kung ipakikilala ko pa isa-isa..
Pero joke lang yon. Sige na nga. Ipapakilala ko na sila TT___TT
Yung order ng pagpapakilala ko sa kanila ay counter clock wise din na arrangement namin sa table. Okay? Okay! Sakto naman at nagsimula na kaming kumain at magdaldalan, kumpleto na rin kasi. Jasper included. Kasama na rin kasi yan halos samin dahil sanggang dikit sila ng jowa niyang si Rica.
So ako muna..
Tapos si Pat. Maria Patricia Angeli A. Mendez. Haba ng name. Naaawa nga ako dito sa twing naiimagine ko siya nung kinder at nag-uumpisa palang siyang matuto magsulat! Isipin mo yun, parang buong alphabet nasa pangalan na niya. Huhu. =)) Yun nga, sa intro ko kanina nung nagsalita siya, makikita mo na kung gaano siya katakaw. Pero nagda-diet na yan ngayon! Mas mataba kasi siya dati. Ay oh well, chubby pala. Ngayon chubexy na. WAHAHAHAHA What a term. Basta mas pumayat na siya kesa sa dati! Pinaka-close ko rin siya kahit na total opoostite kami. Maarte yan eh, saka poise kung poise. Eh ako? Let's not talk about ME. =))