The real story behind TRUTH Part 4

26 2 0
                                    

Ready na 'ko para sa casual wear na photo shoot. Mauuna na 'ko sa "set" kasi kasama ako sa mag-aayos ng equipments. Hiyang hiya kasi ako doon sa photographer! Ang mahal ng inambag namin dito tapos parang mas magaling pa akong kumuha ng picture, sa totoo lang! Hayszxttt -.- =))

Kasama ko si Ja dito sa parang tent for staff. Mukha talagang may shooting. Akala mo artista kami eh. HAHAHA.

Lumabas si Ja saglit at nagpatuloy ako sa pagkalikot ng mga kailangang gawin. Yung totoo, ako ba ang binayaran dito?! Hahaha. Pawis na yung noo at ilong ko! Bihis na bihis pa naman ako kasi casual yung favorite part ko -______-" Ayoko kasi magdress... Ayoko din ng toga please lang.

"Hoy Javier! Labas na! Kanina pa tinatawag pangalan mo. Kayo na!" sigaw sa'kin nung isa kong kaklase. Tapos na siguro sila. Malamang Alexis, kaya nga kayo na diba? DIBA?

Lumabas ako sa tent at hinanap yung mga kasama ko. Alphabetical kasi yung order. So ayan pumila na 'ko. Nag retouch retouch lang ako saglit sa compact mirror ko ng lip tint -- ang tanging nilalagay ko sa mukha ko.

"PULBOS TANGA! ANG OILY MO NA!" sigaw ni Pat mula sa malayong lugar. -_____________-

"ASAAN?! PENGE AKO!" sagot ko.

Nakapag-ayos na ko ng mukha at konting suklay suklay ng buhok tapos ako na yung susunod..

"Uy ang sweet niyo naman ng boyfriend mo!" sabi sa'kin nung photographer.

Nagulat ako sa sinabi niya. Tinuro ko pa nga yung sarili ko at umastang nagtataka kung ako ba yung kausap niya o baka naman sobrang friendly niya kaya pati hangin kinakausap na niya..

"Oo, ikaw nga! Yung boyfriend mo kasi, ganyan din ang suot. Magkaiba lang kayo ng kulay! Pero parehong parehooo!" sabi niya tapos kinilig kilig pa. Yung totoo? May sapak ata sa utak tong nakuha naming photog!

"H-ha? B-boyfriend?" Okay ka lang? Gusto ko idagdag yan -.-

"Oo! Yun oh! Siya!" sabay turo sa may open space..

Sinundan ko yung daliri niya kung saan nakaturo..

SI SPADE.

SI SPADE NAKASUOT DIN NG BASEBALL SHIRT?????!!!!!???!!!

Spade's POV:

HEHEHEHE. Photo shoot na ngayon! Excited na 'ko!

Bakit? >:)

* conversation with Alexis last night..

Alexis Javier: Huy Spade! Paki remind yung mga kaibigan mo na wag kalimutan yung mga susuotin nila for tomorrow's photo shoot ha! And sana 9 AM sharp nasa school na! Thanks!

Spade Yap: Sure. Sabihin ko nalang sa kanila :) Ice ah, responsibleeee! Naks!

Alexis Javier: Hahaha! Eh kami may gusto neto eh, kaya kinarir ko na.

Spade Yap: Oo nga 'no. Sa bagay. :)

Alexis Javier: Hehe ayun. May susuotin ka na? :>

Spade Yap: Wala nga ako maisip eh! Ang dami naman kasing kailangang dalhin na damit. -.-

Alexis Javier: Oo nga eh, hindi ako may gusto nun haaa! =))

Spade Yap: Eh ikaw ba? May naisip ka ng susuotin? Haha bat ko ba natanong eh, babae ka. So malamang meron na yan!

Alexis Javier: Wala nga. Siguro susuotin ko nalang unang makita ko sa closet ko. Hahaha.

TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon