Halos himatayin sa kilig si Julia habang pinagmamasdan si Francis, magkakasalubong sila sa hallway ng school. Hindi nya alam kung mag iiba na lang ba sya ng daan o hahayaan nyang magkasalubong silang dalawa. High school pa lang sila ay may gusto na sya rito hanggang ngayong nasa kolehiyo sya ay patay na patay pa rin sya sa binata.
Lalakad na sana sya pabalik pero naalala nya na baka ito yung hinihintay nya ngayong araw na to. baka ito yung itinadhana.
Naglakad sya palapit kay Francis, halos isang dipa na lang ang layo nila sa isa't isa ng biglang may bumungo sa kanya mula sa kaliwa. Natumba sya at tumilapon lahat ng bitbit nya.
"Ay miss sorry!" paghingi ng tawad ng lalaking nakabunggo sa kanya.
Pero walang pakialam si Julia, agad na hinanap ng mga mata nya si Francis pero wala na ito sa paligid.
Tinitigan nya ang lalaking nasa harapan nya. "OK lang kuya, ako na pupulot."
Pero tumulong pa ring pumulot ng mga gamit ang lalaki.
Itinayo sya nito at iniabot ang ilan sa mga gamit nya sa kanya.
"Next time mag iingat," nakataas ang kilay nya habang nakatingin dito.
"Sorry talaga," pagkamot sa ulo ng lalaki.
Maglalakad na sana si Julia ng biglang magsalita ang lalaki.
"Anong pangalan mo miss?"
Nilingon nya ito. "Wala akong pangalan."
"Ang sungit mo naman, ako nga pala si -"
"Ayokong malaman."
At naglakad na sya palayo.
-----
Kunot na kunot ang noo ni Michael habang iniisip yung babae sa hallway kanina. Napansin sya ng kabigan nyang si Gary.
"Pare, malaki ba problema mo?
"Hindi. Maliit lang."
"Oh? E ano naman nyang maliit na problema na yan? Kunut na kunot noo mo oh."
"May nakabunggo akong babae kanina, ang sungit."
"Talaga? Maganda ba?"
"Maganda, pero maliit at ubod talaga ng sungit."
"Anong pangalan?"
"Hindi ko nga alam e, yun nga ang pinoproblema ko. Diba sa mga pelikula pag may ganung scene nagpapakilala sa isa't isa yung mga character, pero tong babaeng to, ubod ng damot."
Tumawa si Gary. "Baka naman ayaw sayo."
"Sa gwapo kong to pare? Lugi pa sya?"
Tumawa lalo si Gary. Maya maya pa ay sinabayan na sya ni Michael.
"Makita ko lang talaga ulit yung babaeng yun, magsusuplado ako."
"Ewan ko sayo pare, ikain mo na lang yan dun sa canteen."
-----
Nakaupo sa loob ng canteen si Julia, lumapit sa kanya si Patricia, kaibigan nya.
"Hoy!" pang gugulat nito kay Julia.
BINABASA MO ANG
Ayokong Mahulog Sa'yo (Wag kang maiinlove sakin)
Short StoryItinakda na raw ng tadhana ang pagtatagpo nila. Sya ang para sa kanya, at ang para sa kanya naman ay s'ya.