Ikalawang araw

11 0 0
                                    

Naglalakad si Michael papunta sa Library ng makasalubong nya sa daan si Julia.

"Ay naku naman, bakit nandito to?" mahinang tanong nya sa sarili.

Nilapitan sya ni Julia. "Sinusundan mo ba ko? Stalker ka ba?"

Tinitigan nya ito ng masama. "Hindi kita sinusundan, feeling mo ka-is-stalk stalk ka?"

"Hoy!" dinuro sya nito. "Hinalikan mo ko kahapon tapos yan ang sasabihin mo sakin?"

"Excuse me lang miss Julia,"

Hinawi ni Julia pakaliwa ang buhok nya. "Yes?"

Inirapan sya ni Michael. "Hindi ko nagustuhan yung halik."

Natulala si Julia sa narinig. Ganun na ganun din yung sinabi nya rito kahapon. Ginagamit nito sa kanya ang mga sinabi nya.

Nag umpisa ng maglakad si Michael pero lumingon muna sya sa dalaga bago makalayo. "At mag move on ka na dun sa halik, ok? Wag mong masyadong isipin, baka bigla mo na naman akong halikan pag nakita mo ko. Ikaw nauna diba?"

Pinagmasdan lang sya ni Julia habang naglalakad na palayo.



-----



"Bwisit sya! Bwisit!" paulit ulit na sambit ni Julia habang kumakain ng tanghalian sa canteen.

"Ano yan bes? Dasal ba yan ng pasasalamat sa nilalantakan mong half cooked tocino?" pamumuna sa kanya ni Patricia.

Tumigil sya sa pagkain. "Alam mo bes, makita ko lang ulit yung lalaking yun, pipilipitin ko na yung leeg nya."

"Ano ba kasing problema?"

"Pagkatapos nya kong halikan sasabihin nya na hindi nya nagustuhan? Ang kapal!"

Napanganga si Patricia sa mga narinig. "Hinalikan ka nya? Ang kapal ng mukha nya! Gusto mo sugurin ko? Bakit ka hinalikan? Pano ka nahalikan? Ha?"

"Hinalikan ko kasi sya sa clinic just to check if sya nga yung the one e hindi ko naman a-" natigilan si Julia ng biglang sumabat si Patricia.

"Hinalikan mo sya?!"

"Oo, but that's not the point, ang point dito ay yung sinabi nyang hindi nya nagustuhan yung halik like-"

Natigilan sya muli ng biglang tumayo sa pagkakaupo si Patricia.

"Oy, ano bang nagyayari sayo?"

"Baka anong nangyayari sayo? Sabi mo ayaw mo sa kanya, tapos sa loob ng isang araw e naka-dalawang halikan na kayo. Sabi mo hindi mo sya gusto pero nagagalit ka nung sinabi nyang hindi nya nagustuhan."

"Umupo ka nga lang muna," paanyaya nya kay Patricia.

Naupo na ito.

"Hindi ko rin alam, siguro dahil sa may ego ako? At pakiramdam ko gusto nya ko kaya nainsulto ako sa mga sinabi nya? Hindi ko alam pero alam ko na hindi ito dahil sa gusto ko sya o may gusto ako sa kanya."

"Mukha mo!" tumayo ito ulit.

"Oy, ano ka ba, bakit ka ba tayo nang tayo?"

"Kasi mali-late na tayo sa klase natin," sabay irap sa kaibigan.

"Hindi ko talaga sya gusto, utang na loob Trish," pagpapaliwanag ni Julia habang naglalakad na sila papunta sa susunod nilang klase.

"Talaga lang ha?"

Ayokong Mahulog Sa'yo (Wag kang maiinlove sakin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon