Nakatulala lang si Julia habang inaabot sa kanya ni Gary ang isang bungkos ng pulang mga rosas.
"Pinapaabot ni-"
"Shhh!" bigla nyang sigaw. "Ayokong malaman ang pangalan nya, ok?"
"OK, pinapaabot ng kaibigan ko."
"Pakisabi sa kanya, hindi ko matatanggap yan."
"OK, sasabihin ko."
Nagtinginan lang silang dalawa.
"Yun lang? Di mo ipipilit yung bulaklak?"
"Hindi, ayaw mo e."
Biglang natawa si Julia. "Alam mo, pasalamat yang kaibigan mo nakakatawa ka, kundi, di ko to tatanggapin." Tinanggap na nya ang mga bulaklak.
"Ayan, sige alis na ko," naka-full smile ito.
Ngumiti rin si Julia. "Thank you."
Nakalayo na si Gary ng dumating si Patricia. Nakasimangot ito.
"Bakit nakasimangot ka?" pag aalala ni Julia. "Tignan mo oh, may flowers ako, galing dun sa kaibigan ni ano ngang pangalan nun?" tumawa sya.
"Bulaklak lang masaya ka na?"
"Ay bakit? Oo naman syempre. Ibig sabihin nun maganda ako," nakanguso ito at nagpapa-cute.
"Hoy bespren, magkaiba ang maganda sa malandi. Wag kang malito."
Nabigla sya sa sinagot ng kaibigan. "Adik to! Nag away ba kayo ng boyfriend mong magaling?"
Umirap ito sa sobrang pagkainis. "Nakakainis kasi! Bakit na kasi mag communication pa sila ng ex nya?"
"Ewan ko, tanong mo kaya sa kanya. Ano ba ginawa?"
Naupo sya sa may silong malapit sa kinatatayuan nila. Inilapag nya ang bitbit na bulaklak. "Umupo ka nga at ng makapagkwentuhan tayo."
Umupo sa tabi nya si Patricia.
"Ano? Kwento na."
"Ito kasing ex nya na to, feeling present. Nakakasora. Laging nagtetext, laging nagcha-chat at minsan pumupunta pa sa kanila. Gusto ko syang iwasiwas e."
"Iwasiwas mo."
"Talaga? OK sayo?"
"Ha?"
Bigla syang hinatak ni Patricia.
"Anong gagawin mo? Teka, yung roses ko!"
Hinahatak pa rin sya ni Patricia kaya napapaiyak na sya. "Yung roses ko."
May nag abot sa kanya ng roses. Napatingala sya. Ngumiti sya, yung ngiting pilit, hindi yung ngiting masaya. Dismayado sya sa lalaking nasa harap nya. Si Francis.
Napatigil din si Patricia sa nangyari.
"Binigay ba yan sayo ng boyfriend mo?" tanong ni Francis.
Tumango sya.
"Magpakilala ka na," bulong ni Patricia sa kanya.
"Kaya pala umiiyak ka e."
"Oo," sagot nya.
Tumalikod na si Julia at saka hinatak si Patricia.
"Oy, bakit di ka nagpakilala?"
"Ha? Ewan ko, ayoko na e."
"Anong ayaw mo na? Ayaw mo na sa kanya?"
Tumango sya. "Pakiramdam ko sinasayang ko oras ko sa pakikipag usap ko sa kanya. Alam mo yun? Pakiramdam ko isa syang nakapalaking kasayangan sa oras ko."
BINABASA MO ANG
Ayokong Mahulog Sa'yo (Wag kang maiinlove sakin)
Short StoryItinakda na raw ng tadhana ang pagtatagpo nila. Sya ang para sa kanya, at ang para sa kanya naman ay s'ya.