Written Secret (part 3)

47 7 2
                                    

"Nakiusap pa nga ako doon sa kaklase ko noon na paunahin na niya ako kasi gusto kitang katabi." medyo natawa si Kael habang inaalala ang nakaraan. "Tapos nang magkatabi na tayo sa pila naisipan kong kantahin yung ipiniplay nung cellphone ko, medyo nilakasan ko para marinig mo. Tuwang-tuwa ako noong nalaman ko yung pangalan mo... Tara lipat tayo ng lugar!" hinila niya sa kamay ang dalaga at dinala sa hallway.
" Naaalala mo pa ba ito? Ito yung hallway na tinakbuhan mo makaabot ka lang sa klase na sinasabi mo na sa totoo lang e wala. Kaya hinabol kita at sinabi ko na yung buong linggong yun ay orientation tapos nag-attendance lang tayo at pumunta sa quantum. Masaya ako kasi akala ko kinausap mo lang ako noong nasa pila tayo kasi bored ka, pero hindi pala. Alam mo ikaw lang yung babaeng nakakapagbigay ngiti sa akin kahit na kaway lang yung action na ginagawa mo. Halika, sunod ka ulit sa akin. Bilis."
pagkatapos sa hallway e pumunta naman sila sa gymnasium kung saan taon-taon ginaganap ang acquiantance party. Pumasok muna sila. "Naaalala mo pa ba kung anong nangyari dito? Acquiantance party, nung third year tayo. Noong una nag-aalangan pa akong lumapit sa'yo at yayain kang sumayaw kasi baka ireject mo yung offer ko na makipagsayaw sayo. Noong nasa may buffet table ka kumakain ng marshmallow e nakahanap ako ng tyempo na yayain ka. Pero..." napakamot ang binata sa kanyang batok.
"pero hindi ko alam kung paano ka yayayain. Nag-umpisa ako sa compliment noon pero binabawi ko rin agad kaya nabadtrip ka sa akin. Kahit di mo sabihin e ramdam ko. Tinatawag pa nga kita noon e kaso hindi mo ako pinapansin kahit nung tumawag ako sa cellphone mo. Pero noong malapit na mag-eleven I decided na isayaw ka. Sa totoo lang Jhae. Kinilig ako noong sinayaw kita kasi ang sweet nung background music natin." napangiti si Jhae sa narinig niya pero hanggang ngayon hindi pa rin siya makaimik.
"Tara sa labas Jhae" hinatak niya papalabas ang dalaga. "Jhae?" niyakap ni Kael si Jhae kasi kanina pa nakakaramdam ng pagbagsak ng luha ang binata. "Kael? ok ka lang ba? At kanina ka pa kwento ng kwento tungkol sa pagkikita natin." bago pa man makapagsalita muli ang binata e nagtanong ulit si Jhae. "Yung babaeng mahal mo ba ... at ako... ay iisa? " ito na ang tamang panahon upang sabihin ang kanyang nararamdaman.
"Oo Jhae. You are the girl that I'm looking for how many years. You are the girl that I loved and I will love for the rest of my life." napayakap ang dalaga sa binata. Narinig na ni Jhae ang matagal niyang hinintay na marinig mula sa labi ng kanyang mahal. "Wait, hindi pa tapos ang kwento ko" naputol ang moment nila noong naalala ni Kael kung bakit sila lumabas.
"Jhae naaalala mo pa ba yung fireworks display that same night? --- Ako ang nagsuggest ng firework display na yun. --- Bago magfirework display e hawak hawak ko kamay mo.--- Ang sarap talaga manuod ng firework display lalo na kung kasama mo yung mahal mo. --- Di ba tinanong mo ako dati kung ano yung sinabi ko? Ang sabi ko lang naman e,,,, ma-m-ma-mahal na ata ki-kit-kita." napakamot ulit siya sa batok. "Kaso hindi mo narinig kasi nakafocus ka sa display.--- Medyo na-hurt ako ---- Pero noong hinatid kita sa bahay niyo, noong nakatulog ka sa kotse ko eeeee---- eee--- umm- wag kang magagalit ah--- kasi, kasi hinalikan kita sa noo at pisngi." Medyo namula si Kael sa sinabi niya kaya natawa naman itong si Jhae. "Bago kita tuluyang iwanan sa kwarto mo e sinabihan kita ng 'i love you', kinabukasan e niyaya kita sa quantum hindi dahil gusto kong maglaro kundi --- para umamin sayo"
"aamin na kasi ako sa'yo na mahal kita.. (nakatingin si Kael sa mata ni Jhae habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.) Tara.. may pupuntahan pa tayo" nakakaramdam na ng pagod si Jhae pero ayaw niyang sabihin, baka kasi konting galaw lang niya e, pagbawalan siya. After 5 minutes ng paglalakad e nakarating na sila sa teacher's hall. Sa teacher's hall laging ginaganap ang seminars ng CE students at Cultural Events ng School. Nakasara yung hall kaya nagtaka si Jhae kung bakit siya pinunta doon.
At wala rin naman siyang maalala na nagkita sila doon/memories. "Jhae (inakbayan ni Kael si Jhae/pasimpleng pag-alalay niya kasi ramdam niyang napapagod na ang dalaga), alam kong nagtataka ka kung bakit dinala kita dito. ---- Ewan ko kung naaalala mo pa. (tumingin siya sa dalaga at ngumiti) ---- Dito kita unang nakita. ---- Haaaay! --- Do you believe at love at first sight?" Napatingin ang dalaga na may halong pagtataka.
"E?" Yun lang ang kayang isagot ni Jhae sa tanong ng binata na nagbigay ng dahilan upang mapa-smirk si Kael. Sinulyapan ni Kael si Jhae. "Palabas na ako noon nang nagkabanggaan tayo sa pintuan nitong teacher's hall. Nagmamadali ka noon, kasi participant ka sa Vocal Solo. --- Halata pa ngang kabado ka e. --- but then --- (tumingin siya sa dalaga) I found you cute." napa-smile siya habang inaalala niya ang nakaraan.
"Uy! Anong nginingiti-ngiti mo jan Kael?" naputol ang pagbabalik tanaw ni Kael ng tanongin siya ng dalaga. "A-ah? W-wala, wala. --- tara sa loob." pagyayaya nito sa dalaga. "Ha? buang ka ba??!! Sarado o." sabay turo sa may pinto ng hall. Nilabas ng binata ang kopya ng susi ng hall at pinakita sa dalaga sabay sabing "I have my connections :)". Kung nakakamatay lang ang ngiti e siguro dedbol na itong si Jhae ngayon. "E di, ikaw na! Ikaw na ang may connections" wika ng dalaga na may halong biro.
Binuksan ni Kael ang pinto. "Ang dilim Kael. Tara na!" Aalis na sana ang dalaga ngunit napigilan ito ng binata. "Wait lang. Please!" with matching pa-cute face. "Ooowkey fine!". Nag-step forward sila at pumalakpak si Kael ng tatlong beses. Pagkatapos pumalakpak ng binata ay nagplay na ang music at ang slideshow ng mga litrato ni Jhae noong College pa siya [with or without friends] . Nag-start ang slideshow sa solo pictures ni Jhae mula baby pa siya at ang background music ay 'Just the way you are' at 'Ngiti. Ang sumunod ay puro group pictures na meron siyang mukha, ang background music ay 'True Friends', 'Summer Song', at 'Party Rock'. Ang sumunod naman ay ang mga pictures nila Jhae at Kael mula noong first year pa si Kael. Mahilig magselfie si Kael kapag natatanaw niya si Jhae noong first year pa sila, kaya may picture sila ni Jhae together pero laging bad shot si Jhae.
Hanggang pasulyap sulyap lang si Kael dati, bago pa man sila nagkakilala ni Jhae. Ang background music nila ay 'Pangarap lang kita' at 'Born for you'. Ang sumunod naman ay ang mga messages ng college friends at family ni Jhae na noong nagtapos pa sila ng college kinunan. At ang huli ay ang mensahe ni Kael sa kanya na parang kelan lang kinunan. Nang natapos na ang slideshow ay medyo nangingilid na ang luha ni Jhae.
Niyakap siya ni Kael sabay bulong sa dalaga ng "Jhae, I Love You! Hindi ko alam kung bakit pero mahal kita. I love you more than a friend. Please! Please don't leave me." ramdam ng dalaga na umiiyak na ang binatang kanina pang nakayakap sa kanya. "Jhae alam mo ba na plinano ko lahat to para iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal simula noong nakilala kita." lumumuluha na rin ang mga mata ni Jhae at napayakap na rin siya kay Kael.
"Hinanap ko kung saan ka nakaconfine at pinakiusapan ko ang doctor mo na kung pupwede kong gawin lahat ng ito. --- Jhae I LOVE YOU!!!" lalong humigpit ang yakap ng binata. "Ka-Kael? A-I can't ... I can't breathe." napabitaw naman si Kael sa pagkakayakap niya kay Jhae. "I'm so sorry Jhae." tugon niya with a soft sorry voice. "No it's okay . ---- Hmmm---- Kael? " napatingin ang binata dahil sa pagtawag sa kanya ng dalaga.
"Kael, bakit ako? --- alam mo namang konti na lang ang oras ko dito sa mundo diba. Pe-pero bakit ako pa ang napili mong mahalin? Bakit?" medyo maluha luhang tanong ni Jhae.
"Jhae hindi ko alam. Ang alam ko lang e, simula nang grumaduate tayo e hinahanap hanap ko na yung presence mo. Nung nawala ka e parang there is a missing puzzle piece in my heart. Until I've heard a heart breaking news about you. That's why I looked for you to tell you what I feel. That I love you. And remember that a health condition of a person you loved will not be a barrier in showing her how much you love her".

Written SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon