Blent's POV :
"bakit mo sya binalik dto ?" Kuya
Dinala ko na c Shine sa kwarto ko para mabigyan ng gamot. Lagi nlng kasi yung hinihimatay.
"Kuya eh nakakaawa yung tao eh" Ako.
Nasa may kusina kami.
"Anong nakakaawa ?! Eh pano kung magnanakaw pala yan ?!" Kuya
"Kuya hindi"
"Blent anong hindi eh hindi mo nmn kilala yang taong yan eh" Kuya
"Yan ba talaga yung rason mo kuya ? oh kaya dahil ayaw mo sya rito kasi naaalala mo si Ate ----" *Bogsh*
"Wag na wag mong iniiba ang usapan Blent" Kuya
Ang sakit ng suntok nya. Dahilan para madapa ako.
"Wala kang alam sa buhay ko. Ako ang matanda dto kaya ako ang masusunod" umakyat na c Kuya.
Ano bang problema non ?!
Bryle's POV :
umakyat na ako matapos sa nangyaring deskusyon namin ni Blent.
"sorry blent" bulong ko.
Pumasok ako sa loob ng silid ng babaeng baliw.
Mahimbing syang natutulog sa kama ni blent.
"Ang kapal ng mukha"
Hindi ko alam pro may pumipigil sakin na makipaginteract sa kanya
Nilapitan ko sya at tinitigan.
"magkamukha nga kayo"
Bakit may mga taong magkakamukha ?!
Umupo ako sa tabi nya at hinawi ang ibang hibla ng buhok na tumatakip sa kabuuan ng mukha nya.
"Bakit mo ako iniwan ?" di ko na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak.
"Nangako ka sakin"
Biglang gumalaw ang higaan.
Babangon na cguro sya.
"hmmm" Shine
Onti-onti niyang minulat ang mga mata nya at ...
Umiyak ?
"hoy bat ka umiiyak ?" May kirot akong naramdaman sa bawat pagpatak ng luha nya
"Ho----" bigla syang tumayo at inakap ako
"Wag kang aalis please" nakasobsob parin yung mukha nya sa dibdib ko
"Ssssshhhhh hindi" Onti-onti ng humina ang pag-iyak nya
Hinarap ko ang mukha nya sakin.
Namiss ko ang mukha mo.
Tinitigan ko ang buong mukha nya. Ang labi nya.
Onti-onti kong nilapit ang mukha ko sakanya.
*Tsup*
"Matulog ka na ulit. Mahal ko." Inihiga ko sya ulit.
Anong ginawa mo Bryle ?! Hindi sya yung babaeng mahal mo !!!
"Gago ka Bryle !!!!" pinagsasapak ko ang sarili ko para matauhan
"Hoy nababaliw ka na ba?"
Gumising na palang sya.
"Wala cge alis nko" lalabas na sana ako....
"Bryle ang pangalan mo dba ?" hindi ko na sya hinarap at sumagot
