Chapter 1

33 3 3
                                    

Kringgggg.... Kringgggg

Ano ba! Ang aga aga naman gumising ng taong ito. Kung makapambulabog, daig pa ang armalyt na bibig ng kapitbahay.

"HELLO! ANG AGA AGA PA KUNG SINO KA MANG DUMUHO KA. KUNG TRIP MONG MAMBULABOG, DUN KA SA MALACANANG PARA MAGISING NAMAN YUNG MGA TAO DUN SA MGA PROBLEMANG PANGKALAHATAN DITO SA PILIPINAS!" Pasigaw kong sinagot yung tawag. Ang aga pa kasi. Galing pa akong trabaho kagabi kasi pinag overtime kami ng boss kong daig pa si Lola Nidora kung makapagbigay ng utos.

["Girl, Ano ba. Hindi ka pa ba gising?! First day mo kaya sa trabaho at Girl, di ka dapat ma late kasi bilang secretary ng CEO, eh dapat bago pa siya dumating, natapos mo ng ma organize yung schedule niya."] Sagot ng nasa kabilang linya na yung pinakadakilang bestfriend ko pala.

"Oo na! Eto na nga oh. Maliligo na. Sus, kung di ko lang kailangan ng trabaho na malaki ang sahod ngayon at syempre kung hindi lang kita mahal, hindi hindi ko talaga tatanggapin to." sagot ko naman.

["Sorry talaga friend, hindi ko naman kasi alam na minamadali pala itong kasal ko kay Jude, edi sana hindi ka mapupunta sa sitwasyong ito. Sorry talaga friend."]

"Oo na. Alam ko naman yun. Nagpapasalamat na nga ako sayo dahil binigyan mo ako ng trabaho dahil gipit na gipit na talaga ako ngayon. Cge na. Babuussshh. Ingat ka palagi."

[Sus, pasasaan rin bang naturingan na bestfriend mo ako kung hindi kita tutulungan. Cge friend. Maligo kana, abot hanggang dito yung baho mo eh. hahaha. Joke lng. Cge. Ciao!]

Pagkatapos kong ibaba yung tawag, pumunta agad ako sa banyo at naligo.

Habang nakatingin ako sa salamin, napagtanto ko na hindi pa pala ako nagpapakilala. ✌. Ako nga pala si Adelythe Macalam. Alam kong weird yung pangalan ko pero sabi ng napakaganda kong mudra, binase daw niya yan sa salitang daylight dahil yun raw yung unang nakita niya pagkatapos akong ipanganak. Oh dba, bonga! Harhar.

Eto na nga, I'm 26 years of age, standing 5'4", nakapagtapos ng Bachelor of Science in BusinessAdministration, Major in Marketing Management. AT ito talaga yung pinaka importante, MAGANDA AKO kahit na 32-24-36 lang ang vital statistics ko, bawi naman ako sa mukha.

Ayyy oo nga pala. Dapat maaga ako ngayon sa trabaho. Kaya pass muna tayo sa introduction.

Habang nakapila sa sakayan ng jeep, naalala ko yung pag describe ni Beatriz sa bago kong boss. Matangkad, morenon at gwapo, in short, Tall, dark and handsome. Omygeee, eggzoited na talaga akong makita yung bago kong boss.

"MISS GANDA, SASAKAY KA BA O HINDI? HINDI LANG KASI IKAW YUNG NAKAPILA OH. KAYA TUMABI KA NALANG KUNG HINDI KA SASAKAY." Ani nung barker ng jeep.

"Oho kuya. Sasakay na po, hindi naman po ako bingi -_-. Uso naman yung toothbrush at yung colgate na closeup ngayon ah. Tsss." Sumagot ako na may halong pagkainis dahil na distorbo yung pag dedaydream sa bago kong boss. Pero siyempre, hindi ko na nilakasan yung sinabi kong huli, sakit kaya sa heart pag sinabihan ka ng ganun.

Pagkarating ko sa building, pinapasok namn ako ni kuyang guard kasi binigyan naman ako ni bestfriend ng temporary id.

"Uhm, hi po. Ano po ba yung floor ng CEO dito? Ako po pala yung bago niyang secretary." Tanong ko dun sa babaeng naka upo sa parang reception area nila.

Tinignan ako ng babae mula ulo hanggang paa. "Oh, so ikaw pala si Ms. Macalam. Kanina pa naghihintay sa boss sa 25th floor. At kanina pa siya galit dahil late yung bagong secretary niya"

"Po?! Cge po, Salamat." Nagmamadali akong sumakay sa lift tas pinindot yung 25th floor ng pawisan at nangingig yung kamay. Ganito kasi ako pag natataranta at kinakabahan. Pagkatunog nung bell. Lumabas agad ako at pinalitan yung kaba ng Grace, Poise at Dignity. Ganito daw dapat kasi yun pag humaharap ka sa mga kagalang-galang na tao.

*Hingang malalim, at bukas pintuan*

"Good morn..."

"WHAT'S GOOD IN THE MORNING MISS ESPECIALLY IF MY SECRETARY DIDN'T EVEN PREPARE MY SCHEDULE TODAY WHICH WASTED 28 MINUTES AND 43 SECONDS OF MY MONDAY?! TELL ME!" Sigaw nung boss kung kalahi ni Aslan ng Narnia

"Uhm, pasensya na po Sir. Hindi ko po kasi namalayan yung oras." Nakatunto kong sagot.

"YOU DIDN'T KEEP TRACK OF TIME?! WHAT A LAME EXCUSE. NEXT TIME, ACT PROFESSIONALY AND BE PUNCTUAL. UNDERSTOOD?!"

"Opo sir."

Awkward silence...

"Uhm sir, pwede na po ba akong lumabas para ma prepare po yung schedule ng meetings mo for today?" Basag ko sa katahimikan.

"No. No need. I have another task for you today since it's your first day here at McGreene Publishing."

Nagulat ako nung nilabas niya yung isang ream ng bondpaper.

"Read and review all these files and make a powerpoint presentation out of these and give that report to me first thing in the morning tomorrow." Utos ni boss

"B-but sir, hindi ko po ito matatapos ng isang araw lang. Andami kaya nito. Baka po pwedeng sa Thursday nalang or kahit sa Wednesday."

"Excuse me Miss Macalam, Let me emphasize to you two of the principles of Management in case you forgot. Centralization and Direction of Command. And as far as I remember, I am the boss here and as an employee, you should follow my orders. Now go."

"Ok po sir" at agad akong lumabas ng kanyang opisina.

Ano ba naman to, unang araw ko pa dito, tambak na agad yung trabaho. Hindi ba uso dito yung getting to know each other on the first day? Grabe ha. Nakaka imbyerna. Stressed na yung beauty ni aketch, maaga pa lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meeting my ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon