Bitaw Na

2K 42 12
                                    

Ang laki ng aking pagsi-sisi
kung bakit iniwan kita sa eri
May mga bagay lang talaga na sadyang bitawan na
Hindi sa dahil hindi na kita mahal
Yun lamang ay para sa 'ting dalawa

Sanay mapatawad mo ako sinta
Sa mga panahon na aking sinayang
Noong tayo'y magkasama pa
Non sanay tayo'y napakasaya
Sa piling ng bawat isa

Baon ko noon ang kalungkutan
Sa twing nai-isip ko ang ating nakaraan
Ang hirap nga pala mawalay
Sa taong iyong minahal na

Oo! Iniwan kita
Oo! Bumitaw ako sa ating mga pangako
Ni kailan ba inisip mo kung paano na ako?
Ni kailan ba inisip mo ang kalayagan ko?

Lumipad ako kasama ang mga masasayang ala-ala
Iniisip, "paano na kaya kaming dalawa"
Kailangan ko din hanapin ang aking sarili
Nang sa ganun kaligayahan ko'y aking makamit.

Kaya ako ay nagbalik umaasang makapiling ka muli
Ang sakit sakit ng aking narinig
Ito ay mawala kana saking piling

Ikaw ay may mahal na palang iba

Nakikita ko sa iyong mga mata
Napakasaya mo na sa piling niya

Kaya ngayon ako ay masaya na rin
Masaya dahil nakita kitang muli

Sinabi mo na parang may kulang sa piling niya
Ngunit may kulang din pag ako ang 'yong kasama

Kaya naman minsa'y napatanong nalang ako sa itaas
Itutuloy pa ba natin itong pagtataksil sa kanya
Na kahit masakit na
Gusto ko pa din na makapiling ka

Na kahit alam ko sa bandang huli
Ako pa rin ay mag i-isa
At pag gising ko ay wala ka na

Ayoko na yata ng ganito
Kaya oras na siguro na bitawan na kita
Nang sa ganun,
Hindi na tayo magkasakitan pa.

Kaya salamat sa mga masayang alaala sinta
Dahil sayo ako ay muling lumigaya.
Ang ngiting binuo mo ay aking dadalhin
Kahit san man ako mapunta

Sa huling pagkakataon
Isa lang naman ang hiling ko
Na sanay mayakap ka aking sinta
At nang malaya na tayo sa isat-isa.

Bitaw NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon