"Kung saan man humantong ang lahat"

98 0 0
                                    

Kahit mahirap ang buhay na tinahak ko
Kahit may masasaktan man akong tao
Kahit karapatan ko ay mawala
Kahit maiwan man akong mag-isa

Lahat ng itoy titiisin ko
Mapaglingkuran ko lang ang bayan ko.

Saan man mahahantong ang lahat
Pamilya
Kaibigan
Anak
Asawa at
Bayan
Para sa inyo itong aking laban.

Nais ko lang malaman niyo
Buhay ko ang kapalit dito
Karunungan at kapurihan ko man ay makakamtan
Nawa'y pagbalik ko tapos na ang laban.

Ngunit kung hindi man ako papalarin
Ng ating diyos na may likha
Sana'y mapatawad niyo ako sa aking mga nagawa

Huwag niyo akong iyakan sa saking pagkabigo
Dahil sa pag uwi ko hindi lamang kabaong ang dala ko
Kundi tagumpay at karangalan para sa bayan'g ito.

Hanggang dito na lamang
Tatapusin ko na ang aking laban
Kayat Ingat kayo aking kaibigan!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bitaw NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon