"Congrats Matt Valedictorian ka pala ngayong taon" sabi ng kaibigan kong si Earl. "Ah salamat Earl, hindi ko to maabot kung wala mga suporta at tulong niyo" sagot ko. "GUMISING KA NA ANAK, MALELATE KA SA UNANG ARAW NG PASOK", bigla akong baon at narealize ko na panaginip lang pala na naging Valedictorian ako. "HOY TUMAYO KA NA DYAN SA KAMA AT MALIGO KA NA!" sigaw ng nanay ko, "Opo eto na po tatayo na" sagot ko. Habang naliligo ako pumasok sa isip ko kung makikita ko na ang 'The One' dahil unang araw ng school at syempre may mga bagong enroll. "Pre sabay na tayo pagpunta sa school daan ka muna dito" yan ang text na natanggap ko mula sa bestfriend kong si Khalel habang naglalakad na ako. Nakarating na ako sa bahay nila Khalel at nakabihis na siya kaya di ko na kailangang maghintay. "Matt ano mga dinala mo ngayon?" tanong niya, "Tatlong notebook, isang ballpen, earphones at syempre cellphone" sagot ko, "Ah ok, tara pasok na tayo" sabi niya sakin, at naglakad na kami papunta sa school. Nang makarating na kami sa school ay nag tingin tingin agad ako kung may makikitang magandang babae, "Huy mga mata mo nanaman Matt" sabi sakin ni Khalel na parang nang aasar, "Oh bakit, masama ba tumingin tingin sa paligid?" sagot ko, "Sus mga dahilan mo, tara punta na tayo sa room natin" sabi niya, "Tara" sagot ko. Nang pumasok na kami sa room ay medyo madami nadin ang tao at umupo ako malapit sa aircon habang si Khalel ay umupo katabi ng iba pa naming kaibigan. Nag ring ang bell, hudyat para bumaba na dahil gagawin ang flag ceremony. "Hay sa wakas natapos din ang flag ceremony, tagal tayong nakabilad sa araw sa baba ah" sabi ng isa namin kaklaseng babae na ubod ng arte. Pumasok na kami ulit sa room at lumipat ng upuan si Khalel sa tabi ni Elleira na girl bestfriend niya. Mabait, friendly, cute, mistisa, maganda at masipag si Elleira. Tuwing walang teacher ay tumatabi ako sa tabi ni Khalel at doon ay nag uusap kaming tatlo nila Elleira, Khalel at ako. First time kong makausap si Elleira at para sa akin nun ay parang wala lang, isang simpleng get to knkw each other lang, at tuwing may pumapasok na teacher ay bumabalik na ako sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
Wasted Effort
Non-FictionMy name is Matt Damon who lives a simple life with no worries about anything and everything changed when I fell inlove