Lumipas ang ilang linggo ay alam ko na halos lahat tungkol sakanya dahil sa stalking skills ko. Nangolekta din ako ng mga litrato niya sa aking tablet at cellphone at sa tuwing namimiss ko siya ay tinititigan ko ang mga litrato niya at ngumingiti na parang baliw. Sinabi ko sa sarili ko na
"Baka may gusto din siya sakin pero di niya lang sinasabi kasi nahihiya"
Mula nung sinabi ko yun sa sarili ko ay nadagdagan ang self confidence ko pero kinausap ko padin ang mga bestfriend niya upang humingi ng tulong sakanila at di kalaunan ay naging kaclose ko silang dalawa na sina Mariane at Nicole. Mabuti silang kaibigan dahil tinutulungan nila ako at nilalakad nila ako kay Elleira. Dumating ang aming retreat, binigyan ko siya ng retreat letter at sinabi ko sa sarili ko na
"Magpapa picture ako na kasama siya at kaming dalawa lang ang laman ng picture na yun"
Pero natapos ang aming retreat nang hindi ko man lang siya nakausap
"Pero para sa akin, parang may gusto talaga sakin si Elleira, Ahh alam ko na gagawin ko, tutal malapit nadin ang valentine's day tatanungin ko siya kung pwede akong manligaw pero tatanungin ko siya pagkalipas ng dalawang linggo pagtalos ng valentine's day"
Ang sabi ko sarili ko bago matulog.
Nagulat nalang ako nung isang araw na pagpasok ko ay halos buong klase namin ay alam na gusto ko si Elleira, at simula nun ay lagi na kaming inaasar pero tuwing inaasar kami ay hindi naiinis si Elleira kundi ngumingiti siya at sinasabi niya lagi sakin na
"Matt tabi tayo"
At sa tuwing sinasabi niya yun ay kinikilig ako at bumibilis ang tibok ng puso ko.
Dumating na ang araw na tatanungjn ko siya. Sinabi ko sa sarili ko pagkagising ay
"Sa school ko siya tatanungin"
Pero mula pagpasok at hanggang uwian ay di ko natanong sakanya kaya sinabi ko kay Kobe
"Kobe samahan ko kila Elleira, tatanungin ko siya kung pwede ba akong manligaw"
Tumawa si Kobe at sumagot ng "Oo sige sasamahan kita". Naglakad kaming dalawa mula sa tambayan namin hanggang sa bahay nila Elleira. Nang makarating na kami ay medyo tumigil muna ako saglit upang mag ipon ng lakas ng loob. Lumapit na ako sa bahay nila at sinigaw ang napaka ganda niyang pangalan na "Elleira", pero iba ang lumabas ng bahay at sinabi "Natutulog siya, teka lang gisingin ko", lumabas na si Elleira ng bahay nila at tinanong niya ako
"Bakit?"
"May itatanong ako sayo"
"Ano?"
"Pwede ba akong manligaw?"
"Hindi eh, sorry"
"Bakit?"
"Ayaw ko lang kasi, sorry ah ayos lang ba?"
"Ah ok, ayos lang sige bye"
Umalis na kaming dalawa ni Kobe nang siya ay nakangiti habang ako naman ay nakangiti kahit nasasaktan na.
BINABASA MO ANG
Wasted Effort
Phi Hư CấuMy name is Matt Damon who lives a simple life with no worries about anything and everything changed when I fell inlove