"Being Optimistic is the only way I'm good at"--
------
Archilles POV
Takashima's Mansion (5:08 am)
Nagising ako ng maaga ngayon. This is our first day of school
After kong maligo ay pinatuyo ko na ang buhok ko and sinuot ang uniform ko.
Nasa harap ako ng salamin dito sa walk in closet ko.
"Hmm, Kailangan ko ng konting make over sa Uniform namin."
Tinupi ko ang long sleeves niya medyo loose ang necktie and I wore a black socks and black Vans Shoes.
Muli kong tinignan ang aking sarili sa salamin.
Lumabas na ako ng kwarto ko at chineck ang kwarto ni Breanna.
Pumasok ako ng walang katok katok at nakitang nakahiga parin siya sa kanyang kama. Tulog mantika talaga to kahit kailan.
"BREAAAAAAAAAAAAAA!" Sigaw ko sa tenga niya. Napabangon naman siya bigla sa ginawa ko. Ang sarap inisin.
"6 na. Dalian mo. Kakain ka pa" Nung sinabi kong 6am na ay nanlaki ang mata niya at biglaang tumayo para pumunta sa banyo. Natawa nalang ako sa reaksyon niya at inayos ang mga papel na nagkalat sa table niya.
Matapos kong ayusin gamit namin ay bumaba na ako at dumeretso sa kusina
"Good Morning, Bebe Girl. Halika na at kumain ka na. Sabi ni Lolo dito muna ako para may taga-luto daw" Paliwanag niya
"Wow, Bahay-bahayan lang ba? Ikaw tatay at si Brea ang nanay" Pangaasar ko sakanya na ikinamula niya
"Hindi ah! Baliw" Depensa niya. Nagkibit balikat lang ako sa sinabi niya.
Kumain na ako ng mabilis upang maabutan ko pa ang next bus pagkatapos ko kumain ay bumaba na rin si Breanna na suot ang uniform niya. Hindi niya tinupi ang manggas niya at naka knee socks and Black Shoes. Forever Good Girl talaga si Breanna.
"Ang Hoooot mo naman Aki" Sabi niya sa akin
"Tss. Kumain ka na nga" Sabi ko nalang sakanya
"Hindi mo man lang ako hinintay, Aki." Sabi niya sakin na naka-pout
"Ang tagal mo eh. Mauuna na ako ha." sabi ko at tumayo
"Hindi ka mag kokotse?" Tanong sa akin ni Breanna
"Nope. Sumabay ka nalang kay Monggoloid. Text me pag nandoon na kayo" Walang ganang sabi ko sakanila
Kinuha ko ang skateboard and bag ko. Lumabas na ako ng Mansion at naglakad muna.
Hindi mo mahahalata na ako ang pinaka sikat na Business tycoon sa get up ko ngayon. Makikita ko ang paghanga sa mga mata ng taong nadadaanan ko. Napabuntong hininga na lamang ako
I really don't like attentions. Naalala ko nanaman sabi ni Papu "Be an Inspiration to others"
Kaya ko ginagalingan sa School ay gusto ko talagang may mga tao na ma-inspire at gawin akong role model. Hindi naman sa pagmamayabang. Ang gaan lang sa feeling dahil doon ay nakakatulong ka narin sa iba
Nag skateboard lang ako hanggang sa Waiting Shed. Konti palang ang tao ngayon dahil maaga pa naman
Naghintay ako ng ilang minuto at may dumating na Bus. Sumakay na ako at may nakitang bakante.
Umupo ako sa tabi ng lalaking naka headphones. Inilapag ko ang skateboard ko.
Kuniha ko naman ang phone at sinalpak ang earphones sa tenga ko.
