Chapter 6: Vendetta

10 3 1
                                    

"I wanted nothing more than to be loved" - Shen

~

Anesthesia Sotiriou's POV

Philippines (8:35a.m.)

Anong oras na nakauwi si Aki, Nagalala ako sakanya. Ang taas kasi ng lagnat niya nung umuwi siya

Ako ang pinakamatanda kailangan kong alagaan ang mga nakakabata sa akin. Parang kapatid ko na kasi itong si Achilles 

Siya ang tumulong sa amin ng pamilya ko noong ipinapatay ang lolo ko kasi kaibigan ni Lolo ang Lolo ni Aki. Kaya gagawin ko ang lahat para maprotektahan sila.

"A-ate Tesia, Kailangan kong pumasok" Sabi niya sa akin

"Hindi nga pwede. Magpahinga ka muna dyan. Papasok na kami ha?" Paalam ko sakanya

Hindi na siya umangal at lumabas na kami ng kwarto

"Iiwan lang natin si Ate Aki dito?" Tanong ni Coleen na nagaalala

"Medyo bumaba naman na yung lagnat niya kaya okay lang siguro" Sabi ko sakanya

"Pasok na kayo sa kotse. May kukunin lang ako" Sabi ni Eric. Tumango lang kami at sumakay na

----

Achilles POV

Sh*t. Mabigat parin ang pakiramdam ko.

Tinignan ko ang orasan at 10:52 am na. Malapit na maglunch time.

Pinilit kong tumayo at nag tungo sa banyo

naligo ako at nagsuot ng uniform ko. Bahala na kung mamatay ako. Jk. Author, Wag mo muna akong patayin

Hindi ko hahayaan na matalo ako nung assh*le na iyon. Ayokong manalo siya at mas lalong ayokong maging Boyfriend yun!

Yeah, That's our bet. Ang swerte naman niya.

Lumabas na ako ng Mansion at sumakay sa kotse ko

Hindi ko na kayang mag commute ngayon. Mas nakakahilo. Pinaharurot ko na ang Bugatti ko papunta sa University

Exactly 11:57 ng makarating ako sa school. Patakbong nagtungo ako sa Gym

Nagkanda bunggo bunggo na ako pero hindi ko iyon pinansin at patuloy parin ako sa pagtakbo

Napalakas ang pagbukas ko ng Pinto ng Gym kaya halos lahat ng nasa loob ay napatingin sa akin

At nakita ko na ang grupo nila Aireen na kausap si Shen

"Akala ko hindi ka na makakapunta Loser, Masyado ka na atang natakot sa amin" Nakangiting sambit ni Aireen

Ngumisi lang ako

"Hindi kita uurungan ngayon Aireen" Ito na ang chance para maka-bawi ako sa pambubully niyo sa akin

"Simulan niyo na" Iritang sambit ni Shen

"Pag napatumba niyo ako kayo na ang panalo" Sabi ko sakanila at ngumisi. Nagalit naman si Aireen sa inasal ko

"Wag kang mayabang Takashima. I will kill you right now" She said while glaring at me

Sampung babae ang nakapalibot sa akin. Ramdam na ramdam ko na ang susunod nilang gagawin sa akin

Gaya nga ng naisip ko ay sabay sabay silang sumugod sa akin. Umiwas lang ako ng umiwas sa mga suntok nila. Sumasablay nga si Aireen at mas lalong naiinis sa akin

"B*tch!" Sigaw niya

Kinuha ko ang braso ng isang member sa kanila at inihagis sa babaeng akmang susuntukin ako

My Girlfriend is an AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon