Chapter 6

215 81 53
                                    

Kath's POV

Nakaramdam ako ng dalawang pares ng kamay na humawak sa magkabilang balikat ko pero hindi yon naging dahilan para tumigil ako sa pag-iyak. Naramdaman kong umupo siya nang sa gayon ay magka-level na kami.

"Tahan na" panimula niya. Hindi ako umimik, hindi ko nga siya nilingon eh.

"Kung ayaw niya sayo, wag mo na ipilit pa!" sabi niya pa. Doon lang ako lumingon. May bahid ng inis sa boses niya ng sabihin niya yon pero hindi yon isyu dito. Ano bang alam niya? Alam niya ba pinagdadaanan ko at ganon na lang siya magsalita sakin.

"WALA KANG ALAM!" ngayon nakasigaw na ako sa kanya. Sobrang pagkainis at galit ang nararamdaman ko sa kanya ngayon. Nakita kong naikuyom niya ang kanyang kamao.

"Siguro nga wala akong alam, concern lang naman ako sayo eh" nakatungo niyang sabi sakin.
Ngayon ang inis niyang mukha ay napalitan ito ng nag-aalalang titig.

"Umalis kana, iwan mo na ako dito" mahinahon pero inis parin na sabi ko sa kanya. Imbis na sundin niya na lang ang gusto ko ay nagulat ako sa ginawa niya.

Ni-niyakap niya ako mula sa likod. Natigil na rin ako sa pag-iyak dahil sa ginawa niya.

"I'm so sorry, ok? Iiyak mo lang yan. Nandito lang ako, hindi kita iiwan, hindi gaya ng ginawa sayo ng lalaking yon" dahil sa sinabi niyang yon, hindi ko na napigilan at napahagulhol na lang ako ng iyak. Ano ba ang mali sakin? May pagkukulang ba ako? Nakulangan na ba ako ng ganda kaya nakakita na agad siya ng iba? Pero ang tanong na tumatak sa isipan ko ngayon. Minahal niya ba ako?

Siguro kung walang Lance na dumating sa buhay ko, siguradong miserable na ang buhay ko. Hindi ko na alam kung pati siya ay mawawala pa sa akin. Hindi ko na ata kakayanin pa, kapag dumating ang araw na yon. Sana hindi siya magsawang intindihin at alagaan ang isang katulad kong babaeng walang ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak.

"Tara na? Uwi na tayo" aya niya sakin. Tinignan ko lang siya. At ang loko, nakangiti pa. Tsk bipolar ba ang lalaking ito. Kita ng umiiyak ako dito tapos siya nakangiti. Tumango na lamang ako para hindi na kami magkasagutan pa. Mahirap na baka kung ano pang masakit na salita ang masabi ko sa kanya. At pag nagkaganon, eh baka makita ko na lang ang sarili ko na palaboy-laboy sa kalsada.

Tahimik lang kaming naglalakad papuntang parking lot. Nagulat ba lang ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Ang bagal mo kasi eh" huling sabi niya bago ako pinagbuksan ng pinto ng kotse niya at pumasok na roon.

Tahimik lang kami buong biyahe. Hindi siya kumikibo, siguro ayaw niyang malingat ng kahit isang segundo sa daang tinatahak namin. Kaya ako na lang ang bumasag ng nakakabinging katahimikan.

"Sorry" yon na lang ang tanging masasabi ko sa kanya.

"Huh? Bakit? Para saan? Tanong niyang tila naguluhan sa sinabi ko kanina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The heiress (Edited) on-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon