Kath's POV
Kahit na mugtong mugto ang aking mata ay pinilit ko parin bumangon. Kailangan kong gawin ito para hindi madissapoint sakin si Daddy.
Pagkatapos kong magprepare ay bumaba na ako, tumingin muna ako sa oras, 7 am ang alis namin papuntang batangas at 5:30 palang. Sinadya ko talagang agahan para isipin ni Dad na interesadong interesado ako sa pupuntahan namin.
Habang hinihintay ko si Dad, hindi ko maiwasang hindi malungkot. Pano ba naman kasi, nakipagbreak ang boyfriend ko kahapon ng walang dahilan, hindi kaya kayo magtataka kung bakit! Huhuhu ang sakit sa puso kaya nun. Siya na nga lang ang buhay ko mawawala pa tsk!
"Good morning Dad" bati ko kay Dad habang siya naman ang papasok sa dining area namin.
"Oh aga mo ata nagising Princess" sabay halik sa cheeks niya. Himala ata, for almost years ngayon niya lang ako ulit tinawag na princess before that day happened.
"Siyempre naman Dad, excited ako sa pupuntahan at gusto ko din magenjoy dun" i smiled sweetly. Pagkakataon ko na ito para makalimutan siya.
"Tara na Kath aalis na tayo" pagyayang umalis ni Dad.
Pumunta kami sa isang building na kami ang nagmamay ari. Lahat ng nakakasalubong namin ay yumuyuko bilang paggalang. Nasa tuktok siguro nito ang private jet na sasakyan namin.
Teka nasabi ko na bang sobrang yaman namin?
But not totally, pang 2nd lang kami at ang pang 1st ay yung mga Padilla.
Nakasakay na kami sa private jet ni Daddy.
Astig noh? Naka-private jet pa kami!
Kaya habang hinihintay ang paglapag at pagdating namin sa batangas. Ay natulog muna ako. Antok na antok pa kasi ako eh. Nilagay ko muna yung headset bago ako natulog.
Nagising na lamang ako sa isang hindi pamilyar na kwarto, malamang ipinabuhat na ako sa mga tauhan ni Daddy.
Inayos ko na muna ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto, sayang naman kasi kapag hindi ko susulitin ang pagpunta namin dito.
"Balae papayag kaya si Kath kung malaman niya na ipapakasal mo siya sa anak ko"
Natigilan ako sa pagpihit na sana ng doorknob ng marinig ko ang isang hindi pamilyar na tinig na yun.
At ang mas nakakagulat ay kung bakit nabanggit ang pangalan ko!
Anong ipapakasal?
Kanino?
Unti-Unti akong sumilip sa pinto kung saan ako naroroon.
Nanlaki ang mata ko at kumabog ang dibdib ko ng malaman kung sino ang mga nag-uusapan.
Si Daddy at si----
Mr. Padilla.
Oh my ghad.
Sila yung no.1 na may ari sa mga business.
At dahil kami ang no. 2, siguro ito na yung sinasabi nila na nakatakda na talaga.
Pero hindi ako pwedeng tumunganga na lamang at maghintay kung kailan magbabago ang isip ni Daddy.
Hindi ba niya inaalala ang nararamdaman ko!
Nag-iisa nga akong anak pero bakit hindi ko maramdaman ang pagmamahal nila para sakin.
Nang makita kong papunta sila sa direksyon kung nasaan ako, agad naman akong tumakbo pabalik ng kama at nagpretend na tulog ako.
Habang nakahiga ako patalikod kung nasaan ang pinto. Naramdaman ko na lang na umupo si daddy sa tabi ko.
"Mamaya magset ka ng dinner" sabi nito Kay Mr. Padilla. "At nang maipakilala na natin siya sa anak mo" dagdag pa nito.
No! Hindi pwede!
Isip Kathryn! Kailangan mong makaalis agad sa lugar na ito!
Nang makaalis na sila agad agad naman akong kumilos. Nagimpake ng ilang damit. Buti na lang lagi akong may dalang pera, hindi na ako mahihirapan nito.
Para akong spy sa pagkukubli at paglinga-linga ko habang nakasandal sa pader at nagkukubli kapag may nakita akong tauhan ni Dad.
Ayoko pang makasal!
Masiyado pa akong bata para sa mga ganyan at isa pa marami pa akong pangarap na hindi ko pa nagagawa kahit na ang yaman yaman namin, may mga bagay din na wala sakin.
Nakarating ako sa may pang-pang kung saan pwedeng mag-arkila ng mga bangka papunta kung saang isla mo gusto.
"Manong pasakay naman po ako please. Kailangan ko talaga makaalis sa lugar na ito, kahit na saang isla Basta malayo dito pero syempre dun sa may resort, ayoko naman na mapunta sa isla na may wild animals no" mahabang litanya kong sabi kay manong.
"Oh siya, Sige sakay na. Dami pang sinasabi eh sasakay ka lang rin."
Hindi ko na siya pinasin at sumakay na. Echoserang Manong ito ah! Hmp! Nagsagwan na rin siya paalis.
Mukang hindi umaayon sakin ang panahon ngayon dahil hindi pa man kami nakakarating sa pangpang na dapat pupuntahan ko.
Umulan ng sobrang lakas buti na lang nakarating kami ng safe. Sa di kalayuan ay may nakita akong medyo kalakihang bahay at mukang matagal na ito dahil na rin sa kalumaan na itsura nito. Ancestral house ata tawag ng karamihan dito.
Patakbo akong pumunta at kumatok sa pintuang iyon.
Mukang wala pa atang tao sa loob.
Hindi ko inalintana ang bugso ng ulan. May bagyo ata!
Nanginginig na ako at yakap yakap ko ang sarili ko.
Please, Someone help! Yan ang bulong ko sa sarili ko.
Halos hindi na ako makagalaw at naninigas na rin ako. Nanlalabo na rin ang paningin ko. At medyo hindi ko na rin maaninag ang dagat na animo galit na galit dahil sa lakas na alon nito.
"Shit!" Bago pa ako mawalan ng malay, narinig ko pang sambit ng bagong dating na lalaki at patakbo siyang pumunta sa gawi ko.