Letizia's Pov
Nagising ako. Pero paglabas ko wala pa rin si Zeke. Asan kaya yun? Galit pa ba siya sa'akin? Sana hindi na.
Pumunta nalang ako sa kusina at nagluto. Para naman pag andito na si Zeke kakain na kami agad. At siguro para mabawasan ang galit niya sa'kin dahil ipinagluto ko siya."Maam. May naghahanap mo sa inyo."
May naghahanap na naman? Sino na naman kaya yun? Haaaay. Akala ko si Zeke. Hindi pala. Nasaan na ba kasi siya? Nag aalala na ako eh.
Pinuntahan ko yung naghahanap sa'kin.
Si Brix.
Nakaupo sa sofa."Huy. Gago."
Napatingin agad siya sa'kin at ngumiti. Kung sana si Zeke ang ngumiti sasaya ako.
"Heeey! Wassup girl?!"
Gago pa rin talaga. Haaay! Walang pinagbago.
"Okay lang. Ikaw?"
Umupo na rin ako sa tabi niya. Namiss ko siya. Agad ko siyang niyakap at hindi ko mapigilang hindi maiyak.
"Oyy. Girl ah? Bakit iyak agad? Alam ko namang na miss mo ako eh. Namiss din kita. Awwwwe :') ang sweet mo talaga." Sabay hawak sa pisngi ko at aakmang hahalikan ako.
"HUY BAKLA KA! WAG MO AKONG MAGANYAN GANYAN AH! BADTRIP AKO!"
Oo. Bakla to. Matagal na.
Pero siya lang ang baklang nakilala kong hindi nagpapagamit ng lalaki. Ang bait niya."Ayyy. Bakit ba? Chika kana. Bilis."
Umupo kami ng maayos at nagsimula na akong magkwento tungkol sa lahat ng nangyari pati yung una naming pagkikita ni Zeke. Lahat ng ginawa niya para sa'kin. Nakwento ko yung sa amin ni Alexander pero konti lang. Nakikinig lang siya. Eto yung na miss ko eh. Yung may nakikinig sa mga problema ko at may dumadamay. Habang nagkukwento ako naiyak na rin ako. Kasi naman eh nag'aalala na ako kay Zeke.
"Mahal mo na nga yang asawa mo."
Hindi ako sumagot. Niyakap niya nalang ako. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Mabuti nalang at pinuntahan ako ng baklang to dito.
"Aherm"
Napatingin ako sa nagsalita.
Si Zeke.
Agad akong bumitaw sa pagkayakap ko kay Brix. Eto yung ikinagalit niya sa'kin eh. Yung hindi ko pagsabi sa kanya. Kasi naman eh. Nag inarte pa ako. Pero bakla naman si Brix eh."Z-zeke."
Hinawakan ni Brix ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Alis na ako. Bye. Kita tayo soon."
Tumango nalang ako at inihatid siya sa labas ng gate. Si Zeke nakaupo na sa sofa pagkapasok ko.
Ano na ang gagawin ko?! HUHUHUHUHUHU. T_TKaya mo yan Letizia! Magsalita ka.
"Z-zeke. Kumain kana?"
Tiningnan niya ako. Uh-oh.
Paano na to?"Hindi pa."
Sinagot niya tanong ko. Kaya medyo napangiti ako.
"Nagluto ako. Sabay na tayong kumain. Hinintay kasi kita."
Tumayo siya. At tumingin ulit sa akin.
"Bakit ka pa nakatayo diyan? Lets go."
Agad akong naglakad papalapit sa kanya at nagsabay kaming naglakad papunta sa kusina. Medyo okay na siguro kami.
Pagdating namin sa kusina ay agad kaming umupo sa upuan. Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kami. Madali akong natapos kumain. Pero siya halatang gutom. Pinabayaan ko nalang siya kasi baka magalit na naman sa'kin.
---
Tapos na akong maghugas sa pinagkainan namin.
Si Zeke umakyat agad sa taas. Akala ko okay na kami eh. Hindi pa pala. Inayos ko muna ang pinag upuan namin kanina. Si manang na ang nagwalis.
Pagbukas ko ng pinto, agad kong nakita si Zeke. Nakaupo siya sa upuan at nakatingin lamang sa cellphone niya. Ano ba tinitingnan niya? May iba na agad siya? Ouch naman.
"Z-zeke. Saan ka nanggaling? "
Tiningnan niya ako.
"Anong paki mo?"Aray ah! Nabalik sa akin yung mga sinabi ko sa kanya kanina. Masakit.
"Sorry nga pala kanina Zeke ah? Kasi ginalit kita. Sorry talaga. Tsaka nagtanong ako kasi."
Tiningnan ko siya pero siya sa cellphone lang nakatingin. Nasasaktan ako ngayon. Sobra.
Naiiyak na talaga ako.
"Kasi nag-aalala ako sayo."Matapos kung sabihin yun agad akong lumabas at pumunta sa park. Gusto ko munang mapag-isa.
Habang naglalakad ako. Yung luha ko tulo parin ng tulo.
Stephen's Pov
"Kasi nag-aalala ako sayo."
Pagkatapos niyang sabihin yun agad siyang lumabas. Kitang kita ko ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa ginawa ko sa kanya. Bakit ko ba kasi sinabi pa yun? Tch.
---
Lumabas ako ng bahay at agad akong tumakbo patungo sa park. Alam ko na doon siya pupunta dahil sabi ng mommy niya kanina dun lang ang puntahan niya kapag malungkot siya.
Oo. Sa bahay nila ako nagpunta kanina.
Pagdating ko sa park agad ko siyang nasilayan na nakaupo sa may damo. Nakatalikod siya pero halata na umiiyak siya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap mula sa likod.
Letizia's Pov
Nang dumating ako dito agad akong umupo sa damuhan. Iyak pa rin ako ng iyak. Bwesit naman eh! Nag-aalala lang yung tao.
Biglang may yumakap sakin.
T-teka sino to?"Im sorry wife."
Si Zeke?!
Bakit alam niya na andito ako? Si mommy lang ang nakakaalam na dito ako pumupunta."I love you."
A-ano daw?! Mahal ako ni Zeke? Kailan pa? Paano? Gusto kong magtanong pero wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Natutuwa ako. Mahal ako ng taong mahal ko. Ang saya sa pakiramdam. Bigla akong napangiti. Magsasalita na sana ako ng bigla siyang nagsalita.
"Hindi mo kailangang magsalita dahil alam kong hindi ka pa handa. Kakabreak niyo lang ng Ex mo. Pero handa akong maghintay wife. Wag mo na tanungin kung bakit kita minahal dahil hindi ka mahirap mahalin."
Napapikit ako. Bakit niya sinasabi ito? Ayaw niya bang maging masaya kami.
"Zeke---"
Pinaharap niya ako sa kanya."Ssshhhh. Masakit sa akin na hindi mo pa ako masasabihan ng I love you pero naiintindihan ko. Handa akong maghintay sa araw na mabibigkas mo yang mga salitang yan sa harap ko."
Niyakap niya ako ng mahigpit.
Zeke naman eh! Mahal kita! Gago ka ba?! T___T"I love you wife."
Pagkatapos niyang sabihin iyon gusto ko sanang magsalita pero alam ko sa sarili ko na hindi pa ito ang tamang oras.
Mas niyakap ko siya ng mahigpit at naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo. Lihim akong napangiti sa ginawa niya.