CHAPTER ONE
***
JAMES' POV ,
Nandito ako ngayon sa bahay nina Andre , as usual , tumatambay , wala kasi kaming magawa eh .
Halos 5 taon narin kaming naghahanap kay Nadine , pero , Hindi parin namin alam kung nasaan siya .
Miss ko na siya , maraming nag-bago , naging mag-on sina Shy at AJ . Si Donnalyn , pumuntang Canada . Si Bret , arranged marriage pala kay Andi , si MJ , nasa Cebu , manganganak daw ulit ang Ate niya . si Yassi , laging busy , si Andre , naging playboy , nung na-basted ni Yassi last 2 years , ako ? Eto umaasa paring mahahanap namin si Nadine .
" James ! Inom tayo mamaya sa Lickers , I'm sure , maraming sexy dun " sabi ni Andre
" Tsss , next time nalang ako sasama , at tsaka , hindi ka ba nagsasawa na laging may nakapulupot at sumusunod sa'yong mga babae , na parang coloring book ang mga muka ? " tanong ko at uminom ng juice
" Eh , masarap naman " sabi ni Andre
Naibuga ko yung juice na iniinom ko , lintek na Andre na 'to !
" Hoy ! Andre ! Nakipag-ano kana ba ? " tanong ko at kumuha ng panyo at pinahiran ang bibig ko
" Kadiri ka naman Pre ! Syempre hindo noh ! " sabi niya at tinungga ang baso niya na may juice
" Sir Andre , may bisita po kayo " sabi nung katulong niya
" Sino raw ? " tanong ni Andre
" Devon Seron daw po " sagot ng katulong niya
" Anak ng ! Paano nalaman ng lintang yon ang bahay ko ?! James ! Sabihin mo , hindi ako dito nakatira " sabi niya at umakyat sa kwarto niya
" GAG* KA ! IDADAMAY MO PA AKO ! " sigaw ko
No choice ! Puntahan raw eh , sabihin ko na lang , ako may ari ng bahay
*
" Ah Yes Miss ? " tanong ko
" Nandyan ba si Andre ?! " galit niyang tanong
" Sinong Andre ? Wala akong kakilalang Andre " pagsisinungaling ko
" Eh anong ibig sabihin nun ? " tanong niya at may tinuro sa may likuran ko
Pagtingin ko , PAKSHET !
Pininturahan niya nga pala yung pintuan niya ng pangalan niya .
Gago ka talaga Andre .
" Ah eh , wala kasi siya rito eh " sabi ko
" Eh kaninong sasakyan 'to ? " tanong niya at tinuro yung sasakyan ni Andre
Ay ! Pahamak ka talaga Andre ! Humanda ka sa akin
" Sorry Miss , pero wala talaga si Andre dito " sabi ko at sinarado ang gate at nanakbo sa loob ng bahay ni Andre
" TARANT*DO KA ANDRE ! LUMABAS KA DYAN ! " sigaw ko at kinalampag ang pinto ng kwarto niya
***
A/N : How's Chapter 1 ?
Maganda o Pangit ? Feel free to comment !!
Dedicated To : ailalaine
^_^
YOU ARE READING
MSA 2 : Finding Her and Lies [JaDine]
FanfictionMy Secret Admirer 2 : Finding Her and Lies A JaDine Fan Fiction Written By : CHHixx ^_^ • 10 • 29 • 15 •