Skye's POV
Were so busy son,mahal ka naman namin ehh,dapat dito ka nalang tumira sa bahay, Next week pupunta pala kami sa New York
"Blahh !!Blahh!!! Blahh!! " yan naman ang parati nilang sinasabi ehh
Simula bata pa ako ganito ganyan, dapat ganito dapat ganyan, nakaka inis na pano naman ako kung parati nalang silang walang oras sakin,Tapos sasabihin nilang "para sayo naman ang ginagawa naming ito anak "
BULSHIT!! para malaman nila I don't need their damn money oras at attention ang gusto ko hindi ang pera nila
Mahirap bang ibigay yun? Pagmamahal lang nila ok na ako,pero kahit yun hindi mn lang nila kayang ibigayPapunta na ako sa bahay ko sa Laguna ng biglang "BOGSSHH!!!"
OH SHITT!! Ano yung nasagasaan ko
Dali dali akong lumabas sa kotse ko at tiningnan kung ano ang nasagasaan ko
"Naku po " isang babae ang nasagasaan ko ,dali dali ko siyang binuhat at isinakay sa sasakyan ko, ang rami na nang dugo sa katawan niya, sana naman buhay pa siya
Dinala ko siya sa malapit na hospital sa laguna, agad naman akong sinalubong ng mga nurses doon, agad naman siyang dinala sa OR ng mga doctor at nurses .
Hindi ako mapakali habang naghihintay ako sa labas,pano pag grabe pala ang pagkabanga ko sa kanya
Ilang sandali Lang at lumabas na ang doctor agad naman lumapit ako sa kanya sa kanya at nag tanong
"Doc is she ok? " tanong ko sa kanya na may halong kaba
"Yes, but she need to take a rest first , pero bukas pwede na siyang lumabas " para ata akong nabunutan ng tinik sa sinabi ni Doc, mabuti naman pala at ok na siya
Agad naman akong pumasok at umupo ako sa tabi ng kamang hinihigaan niya, ano ba naman kasi ang ginagawa niya sa gitna ng daan sa ganoong oras ayan tuloy nasagasaan ko siya.
Mayamaya din ay idinilat na niya ang kanyang mata, pero hindi siya tumingin sakin bagkus ay diretso lang ang tingin niya iwinagayway ko naman ang kamay ko sa harap niya pero hindi mn lang siya kumurap teka!!!!!
Agad akong lumabas sa kwartong yun na may kaba ang aking dibdib hindi ko alam pero ngayon palang ako nakaramdam ng ganito
Lumapit ako sa isang nurse at nagtanong kung saan ang room ni Dr.Sanchez, tinutuan naman niya ako kung saan at pagkarating ko don hingal na hingal akong umupo sa harap niya
"Yes? Mr.Paige how can I help you? ""Doc yung babaeng ginamot mo kanina bat siya bulag? Kasalanan ko po ba yun? Dahil po ba yun sa pagkabangga ko sa kanya? Diba doc kapag nabangga ang isang tao nag kaka amnesia eh bat siya? Nabulag?" Sabi ko habang hinahabol parin ang hininga ko
"Ok here!! Drink this water first and then enhale——exhale ——enhale——exhale then relax, there's no need to worry Mr.Paige the girl is fine, before you bring her here she's already blind " I was shocked on what Dr.Sanchez said but at the same time I feel relieved because it's not my fault why she is blind
"Doc ano pong dahi--" naputol nalang ako sa sasabihin ko dahil sa nurse na dumating
"Doc may nagwawala pong isang babae sa room 143 " room 143?? Teka room niya yun ha?
Agad akong tumayo at tumakbo patungo sa kwarto niya, wala na nga akong pakialam kahit may mabangga man ako basta kaylangan ko siyang puntahan
Hanggang sa nakarating na ako sa kwarto niya pag dating ko don hawak hawak siya ng dalawang nurse habang nagpupumiglas siyang makawala, yumuko siya at don na siya nag simulang umiyak
Linapitan ko siya at yinakap, hindi ko alam kung bat ko yun ginawa pero sa lahat ng mga nalaman ko kanina siguro yun lang din ang dapat kung gawin
Hindi padin siya tumitigil sa pag iyak "shhh tahan na haggat nandito ako sa tabi mo magiging okay ang lahat " at sa sinabi kung yun unti unti na siyang kumalma
"Si--no k-a?? " sabi niya sa pagitan ng kanyang mga hikbi, teka sasabihin ko ba sa kanya na ako ang naka bangga sa kanya?
"Ako ang nagdala sayo dito sa Hospital, Teka bat ka pala umiiyak kanina? " tanong ko sa kanya
"Wala!! Pwede na ba akong maka alis? " paano kaya siya makakaalis sa kalagayan niya ngayon?
"Sabi ng doctor bukas daw pwede kanang umalis, pero sa ngayon kaylangan mo munang mag pahinga"
"Ayaw ko gusto ko nang umalis ngayon, wala naman akong ipambabayad kapag nag tagal pa ako dito " bilib din ako sa babaeng to ehh mas poproblemahin pa ba niya ang mga bayarin dito kaysa sa kalusugan niya?
"Kung yan lang ang pinoproblema mo wag kanang mag alala ako na ang mag babayad sa nga gastusin dito "
"Ayaw ko, hindi ko gustong magkaroon ng utang sa mga taong hindi ko naman kilala " ang rami pang sat sat, bat hindi nalang kaya siya mag pahinga?
"Hay!! Naku syempre responsable kita kasi ako ang nakabangga sayo kanina, kaya dapat lang ako ang magbayad sa mga hospital bills dito, kaya ikaw wag nang matigas ang ulo at magpahinga kana "
"Oh sige na nga, pero wag kang mag alala babayaran din kita " talaga pano naman kaya sa kalagayan niya ngayon, hindi pa nga siya masyadong makatayo.?
"Paano mo naman ako mababayaran sa kalagayan mong yan? "
"Kahit bulag ako, makakagawa padin ako ng paraan para mabayaran ka, kaya ikaw wag mo akong minamaliit porket bulag ang tao!! " napa sapo nalang ako sa ulo ko hindi naman yun ang ibig kung sabihin ehh
"nag kakamali ka hindi naman kita minamaliit ang ibig ko lang sabihin ay, paano mo naman ako mababayaran niyan eh hindi ka pa nga fully recovered? " yun naman talaga ang ibig kung sabihin
"Ay basta, yun na din yun basta mababayaran din kita, tandaan mo yan " talaga lang ha?? Paano naman kaya?
"Oh sige na ikaw ang bahala? Mag pahinga kana jan para makalabas kana dito bukas " tumango naman siya at pinikit na niya ang kanyang mga mata
Siguro napakahirap para sa kanya ang malagay sa ganitong sitwasyon, yung wala siyang nakikita kundi puro itim lang walang liwanag, naranasan na kaya niyang makita ang pag sikat at pag lubog ng araw? O kaya naman kaylan kaya niya huling nasilayan ang pag sikat at ang pag lubog ng araw
Ilang sandali lang ay pinatay ko na ang ilaw at pumunta ako sa sofa para humiga ipipikit ko na sana ang mata ko pero muli siyang nag salita
"Psssstt!! Gising ka pa ba? " hindi ako umimik bagkos ay pinapakinggan ko lang siya habang nag sasalita siya
"Siguro tulog kana? Di bali nalang gusto ko paring magpasalamat sayo dahil tinulungan mo parin ako kahit nabangga mo ako ang iba kaya kapag may nagawang kasalanan tatakbo nalang mabuti nalang hindi mo ginawa yun salamat talaga, hindi mn kita kilala at hindi man kita nakikita ngayon pero nararamdan kong mabait ka ....."
Huminto siya saglit at muling nag salita, pero hindi ko alam na ang huli pala niyang sasabihin ang magpapatibok pala ng puso ko ....
"Nakakahiya mang sabihin to pero thank you for making me feel secured i'm not really into fairytales but thank you for being a prince, and a night and shinning armor good night mr.stranger "
°°°°°•°°°°°
BINABASA MO ANG
My So Called Love (ONHOLD)
RomanceSa pag tulong ni Skye kay Alesha ay ang dahilan pala ng pagbabago ng buhay niya .Ang kanyang ugaling pagiging malayo sa panginoon at sa kanyang magulang ay mababago nalang sa isang iglap.Paano nga ba mababago ng isang Alesha Gomez ang isang Skye P...