ZOMBIE APOCALYPSE PART 1

8.4K 167 15
                                    

CHARACTERS:

Princess Paula Beca Hari-on

Jurenz Adams

Saeko Gomez

Angelyn Aceron Mopas

Shegfred MacShot

Sammantha Louise Marisonn

Kesha Lay Mentura

******

Paula's POV

Ang boring naman ng nagtuturo na ito sa unahan. Malapit nang mahigop ng Gravitational Force ang muka ko padukdok sa aking lamesa. Tinignan ko ang dalawa kong kaibigan si Sammantha na kasalukuyang natulo ang laway at si Kesha naman na kasalukuyang lumilipad ang utak sa labas ng bintana.

Bakit kasi naimbento pa ang Trigonometry? At bakit kasi nag exam pa ako para makapasok sa Science School na ito? First section ba ito o ano?

Tugsh! Tugsh! Tugsh!

Isang tunog ang nakagising sa mga natutulog na diwa ng lahat ng istudyante.

*ungol ungol*

Nakarinig kami ng pag-ungol sa labas ng pinto. "Sammantha, anong nangyayari?!" Sigaw ko kay Samantha dahil sya ang malapit sa pinto. Tugsh! Nakarinig nanaman kami ng malakas na pagpukpok sa pinto na halos mabuwal na ito.

Unti-unting sumilip si Sammantha sa labas pati ang prof namin nung...

"Aaaaaah!!!!" Isang kumpol ng mga duguang tao ang pumasok sa room at mabilis na kinain ang prof namin. Nagkagulo lahat ng studyante na hinahabol na ngayon ng mga duguang tao.

"Sammantha? Kesha!?" Dali-dali na akong tumayo habang bussy pa sa paglapa ang mga Zombie na yun (I conclude) sa katabi ko.

Tumakbo ako palabas pero Hindi pa man ako nakakalabas ng room ay may narinig akong umuungol sa likod ko. Oo kinakabahan ako pero kilala ko ang boses na yun. Diyos ko, sana Hindi naman---

"Aaaaah!!!!" I scream in horror when I saw my Classmate slash crush unti-unti syang lumalapit sakin at paatras naman ako ng paatras hanggang sa maramdaman ko nalang ay malamig na simento ng ding-ding. Katulad narin sya ng mga tao kanina.

Diyos ko kung ito na po ang katapusan ko--- "aaaaaah!"

Naputol ang pagdadasal ko nung may biglang humila sakin. "Ano ka ba naman! Tumakbo na tayo!" Sigaw sakin ng dalawa kong kaibigan. Si Kesha at Sammantha!

"Salamat mga luag!"

"Walang ano man baliw" bawat daanan namin ay may mga nagkalat na lamang loob ng tao o di kaya naman ay mga bussy sa pagkaing Zombies. Ewwwnes overload! Kasuka!

Napad-pad kami sa Rooftop ng school at pagod na pagod na napaupo. "Si-si Mommy at Daddy!" Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at di-nial ang number ng parents ko. Kinakabahan na talaga ako, paano kung nakain na din sila? Paano kung naging tulad na din sila nung mga tao kanina?

"Ring lang ng Ring Shit!"

Ilang minutes din bago sagutin ang phone at narinig ko ang humahangos na boses ni Mommy. Kumalabog ang puso ko sa sobrang takot. "Mommy nasan ka?" Masaganang tumulo ang mga luha ko.

ZOMBIE APOCALYPSE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon