ZOMBIE APOCALYPSE PART 12

1.7K 46 0
                                    

LAST CHAPTER

WHEN HELL IS FULL THE DEAD WILL RISE.

~THE DAWN OF THE DEAD

ANGELYN'S POV

Natatakot ako na baka patayin nya ang kapatid ko. Hindi ko alam pero napadpad kami sa isang building na halatang hindi natapos ang pagkakagawa may nalaglag na ipit si Gwyneth at sigurado akong dito patungo ang daan na yun.

Dahan-dahan kaming pumasok sa loob at nakitang wala namang zombie dun dahil bawat madaanan namin ay patay na halatang may tao dito. "Nandito lang sila." Sabi ko at kinasa ang baril na hawak. Nakarinig kami bigla ng kalabog sa taas at dumeretso kami doon.

Walang tao. Walang kahit sino ang nandito. Sana... sana lang na maligtas ang kapatid ko. Hindi ko sya mapapatawad pati na ang sarili ko.

3RD PERSONS POV

Nasa gitna ang mga magkakasama nung biglang may ilaw na tumapat sa kanila. Nasilaw ang magkakaibigan dahil sa paglasilaw ay tinakpan nila ang kanilang mga mata.

"Sakura! Hindi ba pwedeng wag nalang natin gawin ito?!" Sigaw ni Saeko.

Bigla silang nakarinig ng isang metal na parang pinalo sa isang matigas na bagay. Napapitlag ang lahat dahil sa gulat. "Wala kaming kasalanan sayo Sakura!" Sigaw naman ni Paula.

"Hindi! Malaki ang kasalanan ng mga tao sakin!" Sigaw ng isang boses na parang nasa paligid lang nila.

"Hindi namin alam ang kwento ng buhay mo pero sana buksan mo yung isip mo." Umiiyak na sabi naman ni Kesha at niyakap naman sya ni Neil at gumanti naman ito ng yakap.

*Ting!*

Napapitlag nanaman Sila sa muling pagtama ng bakal na nagpaingay sa buong paligid. "Will you fucking stop that?!" Sigaw naman ni Sammantha at may bala na dumaplis sa balikat nya na nagpasigaw dito sa sakit.

"Walanghiya ka! Matapos mong i-hostage ang kapatid ko binaril mo naman ang kaibigan namin!" Si Angelyn.

"Sige! I-kwento mo ang buhay mo!" Matapang na sabi ni Ethan then he tightened his grip at Saeko's hands.

ZOMBIE APOCALYPSE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon