Two

8 0 0
                                    

Simula nun, lagi na akong nagbabike ng ganung oras sa umaga.

Pero di ko na siya ulit nakita.

Then after a week, pabalik na ko sa amin, naglalakad lang ako.

Natanong ko sa sarili ko,

Bakit di ko na ulit siya nakikita?

San kaya sila nakatira?

*arrff! arrff!*

And nakita ko siya sa isang bahay na tulad din ng samin, iba lang kulay.

Nakikipaglaro siya sa aso niya. Tumatawa. Ang cute niya talaga.

Napapatitig talaga ako tuwing nakikita ko siya.

Parang bigla nalang lumiliwanag yung mundo ko.

Bigla nalang nagkakaroon ng kulay.

"Oy kuya! Andyan ka lang pala! Bilisan mo!"

Napalingon ako sa kapatid ko na nasa harap ng bahay namin.

Tapos napalingon ulit ako sa kanya, papasok na sila ng aso niya sa loob ng bahay nila.

Yun pala kapitbahay lang namin siya.

Natawa ako at napangiti.

"Aba kuya! Nababaliw kana? Ngingiti ngiti ka dyan. Tara sa loob! Kakain na daw."

Umakbay ako sa kapatid ko sabay sabing.

"Mukang mageenjoy na talaga ko dito."

"Ano kaba kuya! Ikaw naman kasi eh, ngayon ka lang lumabas ng madalas eh."

~

Ano kayang pangalan niya?

San kaya siya napasok?

Ang daming mga tanong sa isip ko.

Bakit ganto agad yung nararamdaman ko para sa kanya.

*poke*

"Kuya, yung totoo? Nahihibang kana ba?"

"Ha?! Bakit?"

"Eh lutang na lutang isip mo eh. Ngingiti ngiti ka na nman."

Napangiti na lang ako sa sinabi ng kapatid ko.

"Wait! ... Oh my gosh! Blooming ka ngayon kuya! Crush na kita! Ang pogi mo na! Hahaha."

"Ano?! Hindi ah. Sadyang pogi lang talaga ako, ano kaba."

"Si kuya blooming! Yieeee! Inlove siya! Magkaka-ate na koo! Haha."

"Hindi ah! Haha. Tumahimik ka!"

"MAMA! PAPA! Si kuya inlove na!! Hahahaha."

Ugh. Napaka-kulit ng kapatid ko, college na yan sa pasukan ha. Parang bata.

"Aba anak, may nagugustuhan kna agad dito ah. Manang mana ka talaga sakin, diba Ma?"

"Nako, tumigil ka. Mas pogi pa din panganay natin."

"Si kuya inlove agad eh! Haha."

May naisip ako. Nakita ko kasi wallpaper sa cellphone niya.

"Bakit? Ikaw ba hindi? Eh sino yung nakita kong *walpqwpapeertyuiop* *hmamohsdfghjkl* *hmpzxcvbnm*"

Tinakluban niya ng madiin ang bibig ko gamit ang dalawa niyang kamay.

"Hehe? Wala yun mama, papa." Patay malisyang sabi ng kapatid ko.

"Inlove kana din?!" sabay naman na sabi ni mama at papa na napapangiti.

Ayos! Nakaganti!

×××

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

T.O.T.G.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon