CRAZY, Monique

77 2 0
                                    

KRING!!!!!!!!

KRING!!!!!

"Dominique!! ano ba yang alarm clock mo, patayin mo na nga at bumangon kanang bata ka" sigaw ng kanyang lola estella mula sabilang kwarto.

" Hay!!!!! , ano ba yan ang ganda ganda ng panaginip ko eh, istorbo ka ah. Sabay kapa ng alarm clock.

Padabog na bumangon si Dominique o mas kilala bilang Monique sa school err, Crazy Monique pala.

"Mas masaya pang matulog maghapon eh Kesa pumasok sa school wala namang bago dun ako pa din si Crzy Monique" Malungkot niyang naisip habang papuntang banyo para maligo.

Pasukan na naman pala. Ano kayang mangyayari? bukod sa lagyan nila ng palaka ang bag ko o kaya magpaskil ng mga edited na litrato ko sa bulletin board, baka naman buhusan na naman nila ko ng tubig mula sa 2nd floor.

Hay !!!!!

AYOKO NA NGA MAG-ISIP sabay sabunot sa sarili.

Napatingin si monique sa salamin ng kanyang cute na cute na banyo sabay tawa ng malakas.

"OHMYGULAY! sabay tutop ng kanyang bibig.

lingon sa paligid.

"BALIW na nga ata ako bukod sa kinakausap ko ang sarili ko mukha na talaga kong baliw.

Parang wire sa tigas ang buhok niya bukod doon taas-taas lahat ng hibla. Alin lang sa dalawa mukhang spaghetti na nilagay sa ref. pagkatapos ay ini-electric shock o kaya naman pugad ng ibon pero hindi basta bastang ibon lang.

"baka pugad ng ostrich" naisip niya sabay tawa sa sarili.

Inabot ng Isang oras si Monique sa paliligo panu ba naman pagka tigas-tigas ng kanyang buhok. Naka dalawang sachet nga s'ya ng shampoo grabe pati yung suklay niya hindi kinaya ang powers ng magaling niyang buhok biruin mo nabungi yung suklay.

"May you rest in peace suklay" bulong niya sa kaawa-awang suklay na nabiktima ng kanyang buhok.

Napalingon s'ya sa orasan sa gilid ng kanyang kama.

HALA! 6:05 na.

Dali-dali s'yang bumaba ng hagdan.

Pagbaba niya nakita niya na nasa hapag kainan na ang kanyang ina at lola.

"Good Morning po! " Masigla niyang bati sa mga ito sabay upo sa paborito niyang upuan.

"Hello, Hello kitty" Sabi ng kanyang ina habang todo ngiti tapos bigla nlang lumingon sa kawalan.

Nabaliw ang Nanay ni Monique simula nung namatay ang kanyang ama hindi siguro kinaya ang pagkawala ng asawa.

Ang Papa niya naman niya nasiraan din ng bait simula ng malugi ang negosyo nito at dahil wala na sa tamang pag-iisip dinala nila sa Mental Hospital kaso tumakas at tumalon sa bangin.

Hindi niya napigilin mag buntong hininga.

"Kawawa naman si Mama" naisip niya.

Sabi niya sa lola niya dalhin nila sa Mental ang mama niya, kaya lang natatakot ang lola niya na baka matulad ito sa kanyang ama. Kaya naman nasa bahay na lamang ito at hindi naman na nanakit.

"Kumain kana baka mahuli sa pagpasok mo unang araw pa naman hindi ba?" Sabi ng kanyang lola.

"Ay oo nga pala " sabay sapo ng kanyang noo. Muntik ko ng makalimutan.

'La, hindi na po ako kakaain baka malate ako eh" sabay subo ng isang pirasong pandesal.

"Bye la, Bye ma , behave ka ah."

"Bye kitty kitty" sabi naman nito.

Palabas na s'ya ng bahay ng bigla mayroon isang yellow na nilalang na lumundag sa kanyang harapan.

"Ay kitty kitty!! " napahiga s'ya sa pwersa ng dumamba sa kanya

"Garfield ano ba! get off me " habang pinapaliguan s'ya ng laway sa mukha ng kanilang yellow labrador bilnili ito ng kayang Papa apat na taon na ang nakararan.

Lumayo naman agad si Garfield sa kanya pero nakatunghay padin habang kakawag kawag ang buntot.

"patay kang garfield ka" Nasabi nalang niya ng makitang my mga bakas ng putik na hugis paa sa uniporme niya .

tumayo s'ya at pinagpag ang damit.

Toink!

Lalong kumalat.

"hay !hindi bale na nga" sabay labas sa bahay para pumasok.

A/N

Sana may magbasa nito:3

Please hit the VOTE button and you may also leave some comments. Thank You.

CRAZY, MoniqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon