Crazy Monique meets Mr.Hottie

23 1 0
                                        

Tumatakbong pinuntahan ni Monique ang kanyang pink na bisikleta at mabilis na pinadyak palabas ng gate.

padyak..

padyak...

padyak...

"Whoooo! "

Ang sarap ng feeling ng hangin na tumatama sa kanyang mukha. Hindi niya mapigilan ang mapangiti na parang lukring.

"Hello ibon ! Hello araw! Hello din sayo halaman " Sigaw niya sa lahat ng madaanan at dahil wala syang kaibigan, nakaugalian na niyang kausapin ang mga bagay sa kanyang paligid.

Bente minutos lang ang kailangan para makarating sa kanyang paaralan gamit ang kanyang bisikleta, kaya naisipan niyang dumaan muna sa batis malapit sa kanilang bahay upang alisin ang putik sa damit.

Ang Bahay nila ay isa sa pinakamalaking bahay kanilang lugar at bakit hindi isa rin sila sa pinaka mayaman noon kaya nga napakalwak ng kanilang hardin at malapit sa kakahuyan dahil sakop din nila ang lugar na iyon.

Ibinaba niya agad sa damuhan ang bisikleta pag dating sa batis at agad na hinubad ang pangitaas at sinimulang basain.

"Grabe, nakakainis si garfield! " sabi niya habang dahan dahang dinadampian ng tubig ang damit natatakot siya na baka lalo itong kumalat.

Teka jacket ba yun?

Napalingon sya sa gawing itaas ng puno dahil my naka sabit na itim na jacket.

"kanino naman kayang jacket ito? at bakit nasa itaas ng puno. teka naka bra nga lang pala ako" Naisip niya.

Luminga linga sya sapaligid. wala namang tao.

Dahil sa takot niya na may biglang lumitaw na ibang tao habang siya ng kukusot ng uniporme sinuot niya ang jacket.

"pahiram muna kung kanino ka man, wow! ang bango naman ng amoy nito" habang sinisinghot singhot niya pa ang jacket

Splash!

Splash!

Napalingon sya sa paligid ng marinig ang tunog na nilikha ng tubig.

"Mayroon bang tao dyan?"

silence..

"mayroon bang tao dyan "sigaw na niya ulit

walang paring sagot..

umatras sya ng kaunti hanggang nasa bukong bukong nalang niya ang tubig.

Nang biglang may isang nilalang na umahon sa batis.

"Tao ba yan?

hindi baka gwapong engkanto, na e-engkanto na ata ako". sabi ng boses sa isip niya.

Lumapit sa kanya ang lalaki habang tumutulo pa ang tubig sa napaka macho nitong katawan.

"teka baka namatay na ko ?

siguro kanina habang nag ba-bike ako, Napaka amo ng mukha niya parang isang anghel" sabi ulit ng isip niya habang nakatulala sa lalaki sa kanyang harapan.

"Why are you wearing my jacket? are you a thief? " sabi nito sa malamig na boses.

Ehmeged ! ang gwapo ng boses. pero teka sinabihan niya ko ng thief.

"Hey miss, are you mute? sabi ulit ng lalaki habang nakatulala padin ako.

"Idiot!

"Hoy teka teka! sumosobra kana ah. Hindi ako magnanakaw at hindi ako pipi" sabi niya ng sumisigaw.

Grabe s'ya mukha at katawan lang pala ang maganda sa kanya.

"really ? then, why are you wearing my jacket huh? "sabi nito ng nakapamewang.

Aba! Aba! siguro nga namatay na ko pero hindi anghel ang nasaharapan ko demonyo pala.

"Hoy for your information kami ang may ari ng batis na ito. tresspassing ka pa nga eh. At bakit ko naman nanakawin itong napakapangit mong jacket kala mo namam pagkaganda-ganda eh mabango lang naman" sabi niya sabay takip ng bibig.

"what did you say? "

"ah wala sbi ko mumurahin naman itong jacket mo"

"its not mumurahin! , akin na nga yan" sabi nito ng nakahalukipkip.

"Oo na eto na nga teka"

Huhubarin na sana niya ng mapansin ang hawak ng uniporme sa kamay.

Patay !

"Hey, are you going to take that off. May pasok pa ko" sabi nito ng papalapit na sa kanya.

"Sandali teka teka naka bra lang ako sa ilalim nito eh " nagpapanic na ang isip niya malapit na ang macho man sa kanya este demonyo pala.

"ako na nga ang magtatanggal"

hawak na nito ang zipper ng jacket

"Teka ano kasi eh" nauutal na sabi niya. "Sandali lang ano ba!"

Sinisimulan na nitong buksan ang jacket habang ngpupumiglas sya

"teka , teka, ay!! ay! ano ba nakikiliti ako"

Bigla nalang huminto si macho man ng hindi niya namamalayan.at nakatitig nalang pala sa kanya

"nakikiliti nga sabi ako eh, huwag dyan" sabi parin niya.

"Ehem! "

"Ehem! "

Bigla syang napalingon.Nakatayo at makatitig nalang ang lalaki sa kanya habang nakataas ang isang kilay.

Aww! major major shocks!!

"ah, Malakas kasi kiliti ko" sabi niya nalang.

"akin na ang jacket ko" sabi naman nito habang nakalahad ang palad.

"ah eh, kasi ano, hindi pwede"

"At bakit naman hindi pwede eh jacket ko yan gusto mo siguro talagang nakawin noh"

"hoy! sinabi ng hindi ako magnanakaw eh! " sabi din niya habang dinuduro si macho man nalaglag tuloy ung uniform niya.

Patay kang Monique ka.

CRAZY, MoniqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon