Tinignan ni monique si macho man este bakulaw ng masama. Para s'yang engot as if naman makikita siya nito.
"Eh paki mo ba! atleast naibubuhos ko ang inis ko kahit hindi niya alam" away niya sa sarili.
"Lance, go and sit at the back. We will arrange your seats later on. After I finished discussting my rules and regulations" wika ni Ma'am Claire habang nakaturo sa gawi niya.
"Oh Nose! Bakit dito pa" Sabay takip sa mukha si monique ng papel na drinawingan niya.
"ay ang swerte naman ni baliw katabi niya si Lance"
"At ang malas naman ni Lance kung ako nalang sana naging katabi niya eh"
"Huwag kayo mag-alala girls, as if naman mapapansin niya yang baliw na yan"
Lahat ng pang aalipusta narinig ni monique pero hindi n'ya na lang pinansin. Mas mahalaga ngayon ang kaligtasan niya sa mayabang na nilalang na palakad na sa tabi niya.
Sumilip siya mula sa papel na hawak niya.
Palapit na ng palapit si epal. Ano bang gagawin niya hindi naman pwedeng buong klase nalang s'yang nakatakip ang mukha.
"Oh Diyos ko, Huwag na po sana niya banggitin ang nangyari kanina siguradong hindi makakaligtas sa tenga ng mga mahadera yun" Dalangin niya habang nakapikit dahil sigurado s'yang malalagot na naman s'ya sa grupo ni arlene.
Naramdaman niya na may umupo sa tabi niya pero hindi parin niya nilingon.
"Aren't you going to take that thing off"
Nagulat si monique sa nagsalita.
"Teka ako ba kinakausap nito?" bulong niya.
Nilingon niya ang klase lahat nakikinig sa guro habang ngpapaliwanag ng rules at guidelines nito.
"Hey Thief , I said aren't you going to take off that awful drawing of yours, buti sana kung maganda ang panget naman. Hindi ko nga kamukha eh."
"Huh? Thief? ako nga ata kinakausap nito. Peste tlaga itong mokong na lalakeng to.
"Pero teka, Anong sabi niya hindi niya daw kamukha yung nasa drawing ko? Ano ba pinagsasabi niya."
Dali-dali niyang binaba ang papel mula sa pagkakatakip ng mukha.
"OhMy! Syemay! "
Bakit ganoon? Si epal nga ang nasa drawing niya habang nasa batis.
Nilingon niya si Epal.
Binigyan naman siya nito ng nakakalokong ngiti.
"Hindi ikaw ito" Habang nilalapit niya ang drawing sa mukha nito.
Wala na s'yang magagawa kailangan niyang lumusot.
"Ang kapal naman ng mukha mo! eh ang gwapo kaya nito.
Gwapo ka ba ha ! ha! Kwago ka lang eh "Bulong niya sa huling salita.
"Kung hindi ako yan bakit wala s'yang damit habang nakapantalon huh? Natatandaan ko ganyan ang suot ko kanina" bulong naman nito.sa kanya upang hindi maka-agaw eksena.
Natameme s'ya. Totoo naman kasi ang sinabi nito. Nakapantalon na shirtless ang nasa drawing niya. Pero syempre hindi dapat siya magpatalo.
"Ganito talaga outft ng nag swi-swimming dito sa probinsya palibhasa sa inyo naka swimsuits at trunks lang" Ganting bulong niya.
"Talaga lang ah" Sabay ngiti na naman ng mapang-asar sa kanya.
"Dominique ano ba namang dahilan yan, Napaka lame" sabi niya sa isip.
AAiiiiish!!!!! Tanga talaga!
sabay takip ulit ng papel sa mukha.
"So, Ok class that's all my rules and regulations, If you follow them then, we will have no problem.
Bumalik ang atensyon niya kay Ma'am claire natapos ang pagsasalita nito ng wala man lang s'yang naintindihan.
Si epal, este si Lance naman ay prenteng nakaupo parang wala ding pakialam sa sinasabi ng guro nila.
"Hay! Bakit kasi ang gawpo ng peste na Lance na yan eh"
"Ok now, Shall I arrange your seats?"
"Yes, Ma'am" sabay-sabay na hiyaw ng mga babae. Habang pumipito naman ang kalalakihan.
"Parang alam ko na kung bakit" bulong niya sabay lingon ulit kay Lance
Sigurado yung mga Babae gustong makatabi si lance samantalang yung maga lalaki basta makatabi sila arlene masaya na.
"I will not arrange you Alphabetically since you've been arranged on that way for almost 4 years now but I also don't want you to pick for you're on seats."
Lahat ng nasa letter "V" ang surname ay nalungkot dahil wala ng chance na makatabi si Lance.
Tinignan niya sa Arlene Reyes mukhang masaya ito dahil my chance pa para sa kanya.
"But I will let you pick your own number and that number will serve as your permanent seat" Patuloy na paliwanag ni Ma'am.
Nilabas nito ang isang fishbowl at sinimulan ilgay ang papel na mayroong numbers.
39 lang sila sa classroom plus si Lance ngayon saktong 40 na sila.
Isa Isang silang pinalapit sa harapan upang bumunot ng papel.
"Ms. Dominique Lopez"
Nagulat sya ng tinawag siya. Tumayo at bumunot siya ng number mula sa bowl.
"No.34 "
yun ang nakasulat sa papel niya.
"Ok na din, atleast hindi ako sa harapan " sambit niya at umupo sa kanyang upuan.
Nakita niyang bumalik na din sa upuan si lance.
"Ano kayang number niya? "
Lumingon sa kanya si Lance naramdaman sigurong nakatingin siya.
"what? " Sabi niya.
"what's your number?" tanong nito.
"Huh? ano daw tinatanong niya number ko?
"Ah eh, wala akong cellphone"
Umiling ito na natatawa.
"Im not asking for your mobile number silly, I was asking for your seat number"
AhHhhhhh!
Tanga mo talaga monique!
"Number 34 " sabi niya.
Bigla nalang iwinigayway ni Lance ang papel nito na parang bandera.
Tinignan niya ng mabuti ang papel kahit nahihilo siya sa pag wagayway nito.
"MyGosh"
tama ba ang nakikita niya?
Tinignan niya ulit si Lance.
Ang seat number ni lance...
"No.35!"
A/N
Thank you for reading in advance.
![](https://img.wattpad.com/cover/5988211-288-k954030.jpg)
BINABASA MO ANG
CRAZY, Monique
Teen FictionDominique Lopez, Isang High School student. Sikat s'ya sa kanyang paaralan. Kapag pumupunta sya sa canteen lahat ng bubulungan, kapag dumadaan naman sya sa hallway ng paaralan, lahat ng sisi alisan para bigyan siya ng napakalawak na daan. Walang est...