Habang naglalakad ako, may huminto sa banda ng CC band.. Pero hindi naman si crush yun. Kasi ang saya ng ngiti niya kanina nang kasama niya kabanda niya.. Lagi siyang masaya pag kasama niya ang kabanda niya. Kaya di siya hihinto kung kasama niya banda niya.
Dumaretso nalang ako sa paglakad.. at nakayuko ang ulo.. na kunwari binabasa ko ang librong hawak ko.
"Sophia *smile* , ahmm Hello" Siya pala yung himinto para kausapin ako.. Si rj?? .Hahahaha.. Anu naman sasabihin niya? Dalhin yung gitara niya? Magsosorry ulit? O sabihin Geeky pangit ka Sophia.
"Ahmm, pedi bang makahinge ng number mo? "
*blush* totoo ba ito? nanghihinge siya ng number ko? siya ang first txt m8 ko...
Wui ang raming first first ah? first holding hands , first hud, at first give ng chocolate at roses.. yieee... di ba kayu kikiligin kung mismo ang crush mo ang first for everything sayu? parang EVERYTHING AT ONCE ^_^
"Ahmm, Okay ito 09498****** " Hahaha kinilig ako sa pagbigkas ng number ko.. Di ko naman kasi aakalaing manghihinge siya ng number ko.
"Ms.Sophia, kanina pa kita hinahanap, You must join us in the Library" Nagmamadaling sabi sa akin ng Teacher namin sa TLE...
"ayy oo nga pala sophia, invited ka rin siguro sa library party .. " Ha? anu ba meron dun?
Bakit invited ako at kailangan pa tlgang teacher ng TLE namin ang magsabi sa akin... pinapagud ko pa sa kakahanap sa akin.. T.T
"Sige na, dalian niyo nang pumunta dun.." Sabi ng teacher namin
"Tara na sophia, mahuhuli tayu sa opening program dun" Hah?? anu ba kasi meron??? -.-"
*sabay hila sa akin at hinawakan ako sa kamay tapos ang bilis pa tumakbo*
"ahmm RJ saan ba kasi tayu?" -.-"ang tanga ko Sa library nga diba?
Pero yung kamay niya sobrang lamig, sarap sa pakiramdam na hinahawakan niya ito.
"sa library may program dun at isa ka VIP Students ng school kaya invited ka"
Ahm, oo kasali ako sa VIP students ng school pero di ako umaasta bilang VIP. di tulad ni KC duh!!! OA niya..
*dahan dahan kaming pumasok sa pintuan ng library, para walang makapansin sa amin na huli na sa program.*
hawak niya pa rin ang kamay ko.. Di ako makapaniawala.. *O.O* *blushes*
"Sophia, tabi nalang tayu, "
BINABASA MO ANG
Mr. Crush ng Campus
RomanceDEDICATED TO: all na nahihiyang umamin sa nararamdaman nila sa kanilang iniibig ... sa lalaki man o babae.. lahat naman tayu natotorpe na magsabi, lalonna kung totoo ang pagmamahal at seryoso tayu... pero kung minsan sa sobrang katorpehan tayu, nagm...