Meeting

13 0 0
                                    

Ako nga pala si Kate, ito ang kwento namin ni Miguel. Ang karelasyon ko ng tatlong na taon pero naglaho ang lahat dahil sa madalas na di pagkakaunawaan. Tatlong taon na din kaming hiwalay pero bakit ganun, hanggang ngayon ay parang mahal ko pa rin sya?

First day of school sa High School

Naku, late na ako sa klase ko. First day pa naman din. Kainis kasi si Mara, di nagising agad, pati tuloy ako nadamay sa pagiging late. Si Mara pala ay kapatid ko at kasama ko sa school. Sayang naman at di ako umabot sa first section, second section na naman ako. Hay. Dibale na nga. Room 301 yung room number. Maka akyat na nga.

Pag akyat sa 3rd floor, papasok na sa room

Grabe, sino tong lalaki na to, ang gwapo naman pero mukhang masungit. Humanap na ako ng upuan at tumabi sa mga dati kong kaklase.

Ako: Uy Miles, sino yung lalaking yun, ang gwapo naman.

Miles: Ah, Miguel ata yung pangalan nya. Galing Central Elementary daw yan.

Ako: Ganun ba. Andami ding baguhan ngayon noh. Iba pala talaga pag High School, andaming bagong mukha. Marami tuloy tayong makikilala.

Miles: Oo nga. may crush nga ako jan kay Miguel eh kaso ang tahimik lang. Pero okay na yan kasi ayoko naman sa madaldal hihihi.

Natapos ang unang araw sa school at di man lang kami nagkausap ni Miguel. Gusto ko pa sya makilala ng husto pero di ako pwedeng magkagusto sakanya kasi gusto sya ng best friend ko na si Miles.

Second day

Teacher Belle: Ngayon ay magkakaroon tayo ng seating arrangement para naman mas madali sa aming mga teacher nyo na makilala kayo at para na rin makilala nyo ang isa't isa.

Naku, sana makatabi ko sya para makausap ko sya at makilala.

Teacher Belle: Okay Miguel, lipat ka dun sa pinakalikod total ikaw naman pinaka matangkad sa klase. Dun ka umupo sa umupo sa gitna.

Hay, isa na lang yung bakante sa tabi ni Miguel, swerte naman ng makakatabi nya.

Teacher Belle: Okay Kate, tabihan mo si Miguel dun.

Ako: po? Ako ma'am? Sa katabi nya po?

Teacher: May iba pa bang Kate dito sa klase? Ang alam ko eh ikaw lang naman. Wag nang mapili hija at masisira ang seating arrangement na ginawa ko.

Yes! Ako ang katabi nya. Ang swerte ko naman. Ma'am salamat po ha. Hihihi. Grabe kinakabahan akong dalhin ang mga gamit ko papunta sa tabi nya. Gosh, pati sya nakatingin sa akin. Parang nag slow motion lahat nung nakatitig sya sakin. Mag smile ka nman please. Nag ka eye-to-eye kami. Parang nawala yung ibang kaklase namin hanggang sa narinig ko si maam.

Teacher: Kate, mukhang bukas ka pa ata makakalipat ng upuan. Pakibilisan mo naman.

Ako: Ay, sorry po maam.

Ano ba yan, nakakahiya naman. Nakatunganga lang pala ako sakanya. Nakakahiya talaga grabe.

Nakaupo na ako sa tabi nya pero nahihiya akong makipagusap sakanya. Baka isipin nya isa ako sa mga nagkakagusto sakanya, ayoko naman nun. And yes, first day pa lang eh madami nang nagkakagusto sakanya na lantaran nilang inamin. Ano napala nila, ayun inis snob lang sila ni Miguel hihihihi. Natameme na naman ako. Mukhang ganito ang buong taon na magkaklase kami. Tameme lang at walang usap usap. Di din naman sya nag iinitiate makipag usap eh.

Teacher Belle: Kate, what is the meaning of the suffix -logy?

Ako: *Ano ba yan, di kasi ako nakikinig. Bakit lahat sila nakatingin sa akin. Kaya ayokong nagrerecite sa klase eh." Ma'am, -ology means..uhmm. ano po.. it means.. *Lord, tulungan nyo po ako na wag mapahiya, grabe to.*

Second Chance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon