Relationship

9 0 0
                                    

Migs: Good morning Miss Kate! Gising na miss cute. Naglalaway ka na eh. Hehe. Kagagaling ko lang ng church. Wala kaming pasok sa Lunes kaya mahaba yung oras na makakapag usap tayo. iloveyou :*

After 2 hours

Migs: Miss Kate! Grabe, mantika matulog. Hahaha gising na para makapag usap na tayo. Mayamaya matutulog na ako. iloveyou pa din :* haha

Ako: Hi Migs, sorry puyat kasi ako. kumain ka na ba ng dinner?

Migs: Oo na, pagdating ko galing church. Nagpractice kasi ako sa banda din eh.

Ako: Ah ganun ba. Siguro pagod ka noh? Galing ka na ng school nung umaga, paguwi mo nung hapon nagpractice ka sa banda tapos ngayong gabi naman galing kang church. Grabe din dedication mo. Hehe Idol!

Migs: Marunong naman ako mag priority ng importante eh. Tingnan mo nagkaroon pa ako ng time sayo. Miss na kita. Uwi ka na ulit oh.

Ako: Miss na din kita noh! Hay sana nga makauwi na ako para man lang makasama kita. Salamat sa time na binibigay mo.

Migs: Oo naman. Mahal kita eh. Sana forever na to. Wag mo akong iiwan ah?

Ako: Sus, oo naman. Ano ka ba. Nega ka na naman eh. Be + (be positive). Okay?

Migs: Sabagay, nag antay nga ako ng apat na taon para maging tayo. Ano pa kaya ang ilan pang taon para makasama ka. Ako na nga yata ang The Man Who Can't Be Moved

Ako: The Man Who Can't Be Moved??

Migs: Yung kanta ng The Script. Di mo ba alam yun?

Ako: Hindi eh. Hindi kasi ako updated sa mga kanta masyado. Teka, pakinggan ko.

Migs: Sige, makinig ka sa lyrics ha.

Pinakinggan ang kantang The Man Who Can't Be Moved

Ako: Napakinggan ko na :">

Migs: Saktong sakto sa story natin Kate. Nung una kitang nakita nung first year, hindi ka na nawala sa isip ko. Sinubukan kong kalimutan ka at inisip na baka nahihibang lang ako at infatuation lang. Pero makalipas ang apat na taon, nung bumalik ka dito sa Pinas, ikaw pa din talaga. Dun ko napatunayan na mahal nga talaga kita, na hindi simpleng crush lang yung naramdaman ko sayo noon.

Ako: Bakit hindi mo agad sinabi sakin noon na gusto mo na ako?

Migs: Natatakot ako na baka mag iba ang tingin mo sakin eh. Ayokong magbago yung kung anuman ang meron tayo noon. Saka mga bata pa tayo noon. Immature pa tayo pareho. Kung sinabi ko sayo yung nararamdaman ko at naging tayo, siguro ngayon wala na tayo.

Ako: Sabagay, tama ka. Mabuti na rin yun na ngayon naging tayo at hindi noon. iloveyou :*

Migs: iloveyou beb! :*

Ako: Beb??

Migs: Yup. Beb na ang itatawag ko sayo ^_^

Ako: Haha, sige gusto ko yan. Tulog na beb. Salamat sa time. :* iloveyou

Migs: Geh beb. Pag gising ko na lang ulit tayo magusap. Mag breakfast ka na ha.

Yun lang ang time na nakakapagusap kami ni Migs. Pag umaga sa Pinas at gabi dito o di nman kaya umaga dito at gabi sa Pinas. Mahirap pala ang long distance relationship na sinasabi nila. Akala ko madali, hindi pala. Ang hirap na hindi mo makasama yung taong gusto mo. Yung gusto mo syang yakapin pag may problema sya hindi mo magawa kasi magkalayo kayo. Pag birthday o monthsaries hindi kayo makapag celebrate ng magkasama kasi nga naman nasa kabilang sulok sya ng mundo. Bilib ako sa relasyon namin ni Migs. Tumibay ng tumibay lalo na ng sinabi ko sakanyang active na ulit ako sa Youth group namin sa church. Masyado kasing big deal kay Migs ang religion eh. Kelangan pahalagahan at kelangan God-fearing ang taong gusto nyang mapangasawa. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second Chance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon