Pagdating namin sa Amerika nagbago ang buhay ko. Hindi ko na enjoy ang pag aaral. Yung mga kaklase ko akala sakin eh genius na porket galing akong Asia. Wala akong masyadong kaibigan. hindi din ako mahilig lumabas nun. Wala eh, wala naman akong makakasama. Ang ginagawa ko lang pagkagaling ng school eh nag cocomputer. Naglalaro ako ng jamlegend na parang O2jam. Friendster at myspace. Hindi pa gaanong sikat yung facebook noon. Wala na rin ako masyadong balita kanila Miles at sa iba pa naming kaklase.Kamusta na kaya sila, ano na kaya pinag gagawa nila. Friend ko si Miles sa friendster pero bihira lang din sya magbukas noon kaso tutok sa pag aaral. Si Miguel ganun din.
Tatlong taon ang nakalipas na wala akong balita sa kanila. Hanggang sa isang araw nag log in ako sa Yahoo Messenger ko (yun ang uso noon at hindi skype).
May message galing kay Miguel. Belated Happy Birthday daw. February 17 ang birthday ko at sya naman ay February 22. Naalala ko magkalapit lang pala birthday namin ni Miguel. 5 araw lang ang agwat. 5 days ago nya sinend so ibig sabihin birthday nya na. Nagreply ako ng happy birthday sakanya. Biglang nag online sya. Sakto ah. Umaga dun sa Pinas at gabi dito sa Amerika.
Miguel: Uy kamusta? Buti naalala mo pa birthday ko. Kala ko nakalimutan mo na. Hahah
Ako: Pwede ba naman yun, ilang araw na nga lang agwat nang birthday natin tapos makakalimutan ko pa? Okay naman ako dito. Tagal na natin di nakapag usap ah.
Miguel: Oo nga eh. Nung umalis ka kasi nagseryoso na din kami lahat sa pag aaral para makakuha ng scholarship pag college.
Ako: Onga noh, graduating na kayo ngayong school year. Congrats in advance!
Miguel: Nakakakaba pa mag college. Mukhang di pa ako ready. Hahah
Ako: Buti ka nga college na, ako may 2 taon pa. Alam mo naman dito sa Amerika hanggang grade 12. Kaya matagal tagal pa ako kumpara sainyo.
Miguel: Ganun ba, sige pagkatapos namin ng college, pag may trabaho na, pwede na kitang nang mabisita jan sa Amerika tutal college ka pa lang dn naman nyan eh.
Ako: Hahah sige ka, baka umasa ako. Wag kang ganyan. :P
Miguel: Kaw bahala :P
Ako: haha, ewan ko sayo. Nabalitaan ko pala na crush mo daw nung 1st yr tayo si Tin. totoo ba?
Miguel: Si Tin Capistrano? Haha Hindi noh.
Ako: Wehhhh?
Miguel: Hindi nga eh, seryoso. Hahha ikaw sino crush mo noon?
Ako: Wala. Haha diba sabi ko naman noon na walang crush crush.
Miguel: Sus, kasi ako yung crush mo. Hahahahahaha
Ako: Ha? Ano?
Miguel: sabi ko, ako kasi yung crush mo noon. saka crush din naman kita so no worries. hahahha
OMG. Aaminin ko na ba? sige na nga.
Ako: Ah, oo pero noon yun. ^_^
Miguel: Ngayon ba hindi na? Hahahha
Ako: Hindi na :P Teka, crush mo ko dati?
Miguel: Ano ba sinabi ko? Hahahha
Ako: Che, bahala ka nga. Tinatanong ka kasing seryoso eh.
Miguel: Paulit ulit ka kasi eh hahaha. O ayan, mapikon kana naman. Hahaha
Ako: Hindi na ko pikunin noh :P
Miguel: Sige tuloy crush. Hahahah
Ako: Bahala ka nga, sige matutulog na muna ako. happy birthday na lang uli!
BINABASA MO ANG
Second Chance
RomanceIto ay kwento ni Kate at Miguel na tatlong taon nang hiwalay. Pareho nilang mahal ang isa't isa pero naghiwalay dahil sa madalas na hindi pagkakaintindihan. May pag-asa pa kayang magkabalikan ang dalawa? 'pag mahal ka nga ba, babalikan ka pa?