A Rumor with Mr. D 10

737 15 0
                                    

Naging weird sakin si Damon these past few days, parang may naiba..


"reservation for two" sabi niya sa waiter, nung makalapit kami sa table

pinaupo niya pa ako.. at pinagserve ng pagkain,. nung may dumi ako sa bibig ko, at 

siya ang pumunas..


sobrang,.

sobrang napakaalaga niya atah sa akin... 0_0? Bakit?


nagbeep ang cellphone

' Gina! Si Mia to! Classmate tayo nung college,. may dinner daw tayo bukas pag-uusapan daw natin yung reunion,.. sabi nila kasal ka na daw! congrats! huy! di mo man lang ako inimbita sa kasal mo,. ang gwapo pa naman ng asawa mo!  Dalhin mo asawa mo ha!'

huh? pano niya nakuha number ko?

tapos ano da--   OoO  oh shit!

nakita ni Damon ang mukha ko,.

"what's wrong?" tanong niya

"may dinner daw kaming mga ka-schoolmate ko dati.. bukas.."

at dapat daw dalhin ko yung asawa ko...

kinabahan ako, patay anong gagawin ko? Binasa ko ulit ang message ni Mia sakin ng paulit-ulit..

at napapakunot-noo ako pag nababasa ko ang huling part ng text niya.. gwapo daw asawa ko..

gwapo daw, mmhm


Sino? Sino ang inaakala nilang asawa ko? wag mo sabihin nakilala na nila ang asawa ko, samantalang ako, hinahanap ko palang..

napatingin ako kay Damon na busy sa pagconfirm ng mga papeles, at pagbasa sa mga research and informations ko

may nahanap na pala, pero di ko sigurado kung siya nga.. kaibigan lang siguro tingin niya sakin,.. KAIBIGAN..

pero pano yan! Sino ang ipakikilala ko?


nagpaalam ako kay Damon na susunod na ako sa 'BAHAY' o ayan capslock yan ah!


AUTHOR'S POV

Mag aalas 10 na sa gabi at di parin umuuwi si Gina nag-alala ulit siya at kung anong nangyari sa babae..

nagring ang cellphone niya at nakita niyang si Stacy ang tumatawag..

"Stacy?" ' diba nasa honeymoon toh? Ba't to tumatawag?'

nasa isip ni Damon...


'Damon! Si Gina!' kinabahan bigla si Damon sa boses ni Stacy, at dahil sa narinig niya ang pangalan ng dalaga..

"what?! what happened to her?!" napalayo naman si Stacy bigla sa telepono dahil sa laki ng boses ni Damon

naramdaman niyang natakot niya atah ang lalaki

"uh, eh.. kalma ka lang Damon kasi.. naglalasing si Gina sa MBC baka pwede mong kunin? wala namang problema, safe naman siya sa MBC, pero kasi umiiyak yun pag mag-isang naglalasing... ako kasi ang natawagan kasi ako yung palaging kumukuha sa kanya pag naglalasing yung babaeng yun.."

"what? naglalasing siya? bakit?"

napakunot noo si Damon, 'wala namang problema diba?'tanong ng isip niya

Millionaire Boys Club (Revising and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon