Split Personality?

22 2 1
                                    

SPLIT PERSONALITY?


"Christine, kunin mo 'yong macaroni salad sa ref at ibigay mo sa bago nating kapitbahay," utos ni Mama mula sa labas. Sabado kaya kanya patungo ang labada, he-he.

Hininaan ko ang volume ng TV. "Ma, tira 'yan ng birthday niyo 'nung isang araw, eh!"

"Ay, 'di ko alam kung kelan sila darating. Ngayon pala! Dalian mo na nga! Baka isipin nilang 'di tayo palakaibigan."

"'Di nila iisipin 'yun..." Sinunod ko pa rin ang utos niya. Si Mama kasi ang tipong 'di titigil hangga't 'di nakukuha 'yong gusto. At kahit naman tira lang 'tong macaroni salad, masarap kaya 'to! Mga putahe lang naman ni Mama ang pinakamasarap na natikman ko sa 'king buong talambuhay!

"Tao po!" Ilang beses akong kumatok at sumigaw, pero walang sumasagot. May tao ba talaga? Wrong info yata 'tong si Mama, eh!

"Sino iyan?" ani ng isang malalim na boses mula sa loob. May nakita pa nga akong anino sa bintana. Matangkad. Tsk.

"Ako nga pala si Christine. Ah, Tintin ang nickname ko! Nakatira ako riyan sa tabi. Pinabibigay pala ni Mama!" magalang kong sabi sabay taas ng aking dala.

"I won't accept anything from strangers. Umalis ka na." Narinig ko ang mabagal pero malakas hakbang niya paalis. Kahit nagngingit na 'tong kalooban ko'y nanatili pa rin ang ngiti sa 'king mukha.

Walang umaayaw sa gawa ni Mama! Makita ko lang siya, sisipain ko siya sa gitna!

"Ga'nun ba, baka ayaw lang niya ng macaroni." Ha? Bakit... si Mama?! Please lang, 'di 'yan ang normal na reaksyon ng tao! "Tin, spaghetti," bungad nito sa'kin kinabukasan. Umuusok pa talaga ang bango 'nun. Gusto ko 'yung kainin ngayong umaga. "Ibigay mo ulit sa kapitbahay."

Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. Makakausap ko na naman 'yong lalaki! "Ayaw ko!" Tiningnan ako ni Mama. May direct at silent message 'tong sinasabi tungkol sa baon ko bukas. Ginulo ko ang aking buhok sa inis.

Panira! Napanaginipan ko pa ang sinasabi niya kagabi! I won't... I won't... Tumili ako ng malakas. "Hoy, Christine!"

"Oo na po!" Bakit kailangang ako? Nariyan naman si 'lil brother! Tulog pa pala iyon! Ugh!

"Christine, right? Ako pala si Chanelle. Thank you para rito." Sino ang anghel na 'to? Ang ganda niya! Nakatira ba siya kasama ng lalaking 'yon? "Wait lang, ah. May ibibigay din ako sa Mama mo."

Umalis na rin ako matapos ibigay ni Tita Chanelle ang isang bag sa'kin. Inagaw agad iyon ni Mama pagkatapak ko pa lang sa floor mat. Ba't ba ang saya niya? Eh, puro lang naman sabon ang laman 'nun? Mas masarap pang kumain ng spaghetti. Ah, ipapares ko 'yung slim milk na binili kahapon!

Habang papalakad patungo sa terminal ay nilampasan ako ng lalaking una ko palang nakita. Sinabi na ng guts ko siya 'yung lalaking tinanggihan ang macaroni ni Mama 'nung Sabado. Ang taas niya talaga. Bakit?!

"Kulot," narinig kong sabi niya. Nagsiputukan ang nerves ko ngayon pa lang. Humakbang ako patungo sa kanya at sinipa siya sa gitna! Sayang 'di umabot dahil sa tangkad niya. Kainis. Agad akong tumakbo palayo. Ginawa ko lang ang 'king pinangako! No way na hahayaan ko siyang mahuli ako!

"Good morning!" Nahulog ang butterfly kong ballpen sa gulat. Gulay, nasira pa ang isang pakpak! Pinulot ko iyon at inis na binalik sa bag.

"Besh, ang gwapo niya!" Sinapak-sapak ako ng katabi kong si Jeannie. "Tingnan mo nga!" Kung hindi ko pa siya sinunod, mababali yata ang leeg ko sa lakas niya. Nalaglag ang aking panga sa nakikita ko sa harap. Siya pala ang transfer student na bali-balita pa last week. Pero ba't nakangiti?! Split personality? "Gwapo, 'no? Laglag nga ang panga mo!" Sinisindot pa ni Jeannie ang pinsgi ko.

Sweet NothingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon