Chocolates and Valentine's Day

13 1 0
                                    


Chocolates and Valentine's Day


Valentine's day. Sa araw na ito, naglipana ang greeting cards, balloons, bulaklak at tsokolate sa paligid... Kahit na sa opisina. Nadatnan ko lang naman ang boss ko, si Sir Pol, na tinatanggap ang tsokolate ng isang babae mula sa ibang department. At ang mas masama pa, pinapalibutan na ng chocolate mountain ang work area niya.

Lumingon siya sa akin. "Ano?"

"Ah—wala, wala!" Agad akong pumunta sa table ko. "Good morning, po." Inilagay ko ang bag ko sa swivel chair. "Excuse me, pupunta lang ako sa CR."

Ayaw kong makasaksi ng ganoong mga pangyayari. Ang boss ngayon ay naging kasintahan ko dati. Pero nasa high school kami noon at God, napakatagal na iyon. Isa na akong working adult ngayon. Wala na akong nararamdaman para sa kanya. "Hindi mo ba ako bibigyan ng chocolates?" tanong ni Sir Pol sa likod ko.

"Huh? Bakit naman kita bibigyan?" Narinig ko pa rin ang mga hakbang niya. Humarap ako sa kanya. "At bakit ka po sumusunod sa akin?"

"Huh? Kailangan ko pa bang humingi ng permiso sa'yo para gumamit ng banyo?"

Tinalikuran ko siya. "Hindi po. Please feel free," diin kong sabi.

"I see." Malayo pa ba ang CR? Kahit malalaki na ang mga hakbang ko, pakiramdam ko malayo pa rin ang daan patungo roon. "Balik sa sinabi ko, hindi ba ang Valentine's day ang isa sa mga araw kung saan ka magbibigay ng regalo?"

Hindi ba sa Japan lang iyon? Sa Pilipinas, ang mga lalaki ang nagbibigay! "At sinabi ko rin sa iyo, bakit po kita bibigyan ng—"

"Ang mga taong hindi alam kung paano makakuha ng hint ay walang patutunguhan. Para mo na ring sinabi na hindi mo alam kung ano ang konsiderasyon, little miss princess," ang huli niyang sabi bago siya pumasok sa CR ng mga lalaki. Sa ilang hindi malamang dahilan ay naiinis ako ngayon sa sinabi niya. Bakit ba kasi ang twisted ng logic niya?!

Hindi ko na siya nakita sa araw na iyon dahil sa kabi-kabila niyang meetings. Gaya ng nakagawian kong ginagawa, pumupunta ako sa supermarket para bumili ng preserved meals. Wala na akong oras magluto at mas pinili kong tumira mag-isa sa isang apartment para mas makapag-concentrate ako sa trabaho. Hindi iyon ang dapat na pinoproblema ko!

Kahit isantabi natin ang ibang bagay, ang akto ng pagbigay ng chocolates para kay Sir Pol ay nakakahiyang bagay! Kasi... ex ko siya at bago lang ako sa kompanya at... hindi ko alam! Pero mas mabuti bang bigyan ko siya ng kaunti? Bilang pasasalamat sa pagturo niya sa akin ng mga dapat gawin...

Pero... Nakuha ng atensyon ko ng isang magarang display ng discounted chocolates sa likod.


To: Pol Cardenas

Re: [No subject]

May ginawa po akong pork chops. Bibigyan ko po kayo kung gusto niyo. Kung ayaw niyo, huwag niyo nang pansinin ang mensaheng ito.


"Um... nagtext ko po sa'yo na bibigyan ko kayo ng pork chops..." Hinampas ko ang mesa at tumayo. "Pero hindi ko sinabi sa'yong pwersahan mong pasukin ang bahay ko at kainin iyan dito!"

"Huwag ka na ngang magngalngal diyan. Nakakapagod maghugas at magsauli ng Tupperware." Kumuha si Sir Pol ng baso at uminom ng tubig.

"Hindi mo na kailangang isauli! Tupperware lang naman iyon!"

"Ano bang nangyari sa'yo?" Hindi ako makapagsalita. "Maganda iyong matuto kang magluto, pero sino bang magluluto ng pang-sampung taong pork chops kung namumuhay ka nang mag-isa?" Hindi ko kasi napansin ang number of servings. Kumuha lang ako ng recipe sa internet at sinunod lang ang instructions nang walang tanong-tanong.

"Iinitin ko naman iyan bukas!" Nagpakawala ako ng hininga. "Excuse me, Sir Pol, ha. Sigurado po akong marami kang natanggap na tsokolate ngayon, kaya hindi mo na kailangan pa ng taong magbibigay sa'yo ng tira nila." Tapos na akong kumain kaya tumayo na ako para ilagay ang pinggan sa lababo.

"Maliban sa wala akong natanggap ngayon?"

Napatigil ako. "Ano pong sinasabi niyo? May ilang bundok ng tsokolate sa mesa niyo."

"Para iyon sa lahat ng staff sa department natin," sagot niya habang kumakain. "Napakalakas ng matamis na amoy kaya hindi ako kumain ng kahit ano mula roon. At tinanggihan ko rin iyong personal na ibinigay sa akin."

Bahagya akong humarap sa kanya. "Bakit naman po?"

"Dahil tatanggap lamang ako ng tsokolate mula sa taong mahal ko," walang alinlangan niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?" Tumayo siya. "Maaari ba akong humingi pa?"

Huh? "A-Ako na po ang gagawa, please!"

Hindi nakinig si Sir Pol sa akin. "Ayos lang. Kaya ko nang kumuha mag-isa."

Sinundan ko siya. "Hindi na, umupo nalang po kayo."

"Huh? Maniwala ka o sa hindi, hindi na ako magugulat sa gulo ng kusina mo." Nagpatuloy lang siya patungo sa kusina.

"Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Um, Sir Pol, huwag kang—" Huli na ang lahat. Nakita na niya... ang chocolates. Hindi ako makatingin sa kanya.

"Ahh... hindi kaya nilagyan mo ng chocolates ang pork chops?"

Pumunta ako agad sa harap niya. "N-Nagkataon lang nilagyan ko iyon! Nabasa ko kasi na maganda isama sa pork chops ang chocolate at isa pa naka-sale iyon, kaya iyon lang talaga!" natataranta kong paliwanag.

"Ganoon na ba kadesperadong bigyan ako ng Valentine chocolate?" Ano bang sinasabi niya?!

Halos naluluha na ako sa pagpapaliwanag. "Hindi po! Ano po bang sinasabi niyo?!" Bakit hindi niya naiintindihan?!

"Ah, ibig sabihin niyan... nakakain lang ako ng chocolates mula sa taong mahal ko ngayon..."

"Ilang beses ko pong ipapaliwanag sa'yong hindi po ganoon iyon! Seryosong walang kinalaman ang pagmamahal o kahit ano rito!"

"Ugh! Ang ingay mo!" Lumapit siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko. "Parati mo nalang ginagawa ang mga bagay sa mahirap na paraan." Nilagay niya ang kanyang kamay sa ulo ko. Sa huli, nakikita ko na naman ang sarili kong ginagawa ang bagay na hindi ko gusto... "Sa ngayon, tutulungan kitang ubusin ang lahat ng pork chops na ito, kaya ibigay mo na ang kasunod kong serving."

Gayunpaman, dahil nakita ko ang masayang ekspresyon sa mukha ni Sir Pol, nakaramdam ako ng kaunti... sobra kaunti, na saya na rin. "Ibibigay ko sa'yo ang buong kaldero, kaya magmadali na po kayong umalis."


conanlle - 06/01/16

Sweet NothingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon