.

56.4K 681 408
                                    

CHAPTER 55

Meili’s POV

Here I am, cleaning my bedroom. Right after this, kakausapin ko na si Dexter. Napag-isip isip ko lang kasi lahat ng sinabi ni M.M. na hindi lang ako ang nasasaktan sa ginagawa ko, maraming tao ang naapektuhan at nasasaktan, and Dexter is one of them. I’ve been acting like a selfish brat, but now I’m ready to fix everything. Hindi ko man lang inisip na mahirap ang hindi kumpleto ang magulang. I won’t let my child experience that kind of treatment—The treatment where maids are the one looking out for you instead of your own parents. I’ll love my child and I’ll make sure that my child will be happy and contented because Dexter and I will be looking after him or her.

I’m currently wiping the frames while humming. “Hmmm..Hmmm...Hmmm” Nabasa ko kasi sa isang book na dapat kinakantahan o kinakausap ang baby sa loob ng tiyan kapag malaki na. I know maliit pa yung sakin at hindi pa halata yung tiyan ko kasi maliit akong mag-buntis pero gusto ko lang talagang kantahan yung baby ko.

Nagulat na lang ako nung tatayo na sana ako pero bigla kong nadali yung side table ko, dahilan para mahulog yung mga bagay na nakapatong doon. Nahulog yung alarm clock, cellphone and worse—Yung  frame na may picture ni Dexter na basag na ngayon at nagkalat na yung maliliit nabubog.

Napakamot na lang ako sa kilay ko. “Ang clumsy ni Mommy baby” bulong ko.

Lumabas na ako ng kwarto at kumuha ng walis at tambo. Mag-uumpisa na sana akong mag-walis nang biglang mag-ring yung phone ko.

*fall in love... I know you’ve got...*

Iniwan ko muna yung walis at tambo sa gilid at pinulot ko yung cellphone ko na tumutunog sa ilalim ng kama dahil kasama yun sa mga nahulog kanina sa lamesa.

“Hello?” I asked nung makita kong si Czarina yung caller.

(Meili...) Napakunot yung noo ko nung medyo mahina yung boses ni Czarina na parang kagagaling lang sa iyak.

“Czarina? Are you?—Are you crying?” tanong ko.

(Si Dexter... D-dinala sa ospital)

“Ano!? A-anong nangyari!?” napasigaw ako nung marinig ko yung sinabi niya.

(W-we don’t know. Nasa Emergency Room pa siya) umiiyak na sabi ni Czarina.

Pinulot ko agad yung car keys ko at dere-deretcho akong lumabas ng bahay.

“S-saang Ospital!? Czarina, P-punta ako diyan!” sigaw ko habang umiiyak.

Binaba ko agad yung call at nag-drive na ako nung masabi na ni Czarina kung saang ospital dinala si Dexter.

His Maid (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon