Final

9 1 0
                                    

- JM -

Dahil alam ko naman kung saan nakatira sila Carlo nagdecide akong pumunta sa kanila. Pero bago muna ako pumunta nagluto ako ng dalawang dishes para naman magpaimpress kay Mia at para maiapply ko ang paghihirap ko sa culinary school.

Nagdecide aokng dinner ang iluluto ko para mas romantic. Nagpabili ako kina Ryan and Seive ng flowers and candles para naman mas okay, nagdala na din ako ng foldable table and chairs para habang kinakausap ko si Mia eh sina Ryan naman ang magsset-up ng dinner date namin. Hindi man ganun ka elegant ang preparation I will make sure that the food would really make a way through her heart.

6:30 PM ng makadating ako sa bahay nina Carlo, nagdoor bell ako at may lumabas, kasambahay nila.

"Good Evening. Ako nga pala si JM, friend ako ni Carlo tska Mia, co-racer nila ako. Anjan ba si Mia? Pwede ko ba siyang makausap?" Tanong ko ng maayos sa kasambahay nila.

"Ay sir, medyo nahuli na po kayo, umalis po kasi si Ma'am Mia tska Sir Carlo kanina kasi may event daw po silang pupuntahan."

"Ah ganon po ba? Pwede ko po bang malaman kung saan sila pumunta? May importante din kasi akong sasabihin kay Mia."

"Sa Pampanga daw po sir. Kasi bukas daw po ng umaga ung event eh sabi naman ni ma'am Mia kailangan makabiyahe na sila ngayong gabi para makapaghanda sila para bukas."

"Ah ganon ba manang. Salamat po ng madami. Siya nga po pala, pwede po bang paki bigay po ito kay Mr. and Mrs. Sanchez, paki sabi na lang po galing po kay JM Trias, manliligaw po ni Mia, paki sabi na din po sorry kung hindi ko po personal na maibibigay sakanila itong niluito ko kailangan ko po kasing habulin si Mia, may important po kasi akong sasabihin sa kanya habang hindi pa huli ang lahat. Salamat po ulit manang." Sabay abot ko sa dalawang tupperware na pinaglagyan ko ng niluto kong pagkain.

"Wag po kayong magalala sir, makakarating po sa kanila. Hala sige po, humayo na kayo para po maabutan niyo si ma'am Mia at mukhang hindi na makakapaghintay pa ang sasabihin niyo." Ngiti saakin ng kasambahay nila.

"Opo manang. Maraming salamat po ulit! Malaking tulong po ang nagawa ninyo!" Sabay takbo ko papunta sa sasakyan ko at stinart agad ang makina at nagmadaling nagmaneho.

Habang nagddrive ako pauwi para kumuha ng ilang gamit, may nagtext saakin, si Tito Leo.

"JM, Bukas sa Pampanga. 8 AM. Alam mo na kung saan. I'll see you."

Kung sinuswergte ka nga naman hindi ko na kailangang galugarin ang buong Pampanga para malaman kung saan ang event na pupuntahan nina Mia.

Dumiretsyo na ako agad sa bahay para kumuha ng ilang gamit at nagbyahe na nga ako papunta ng Pampanga.

- MIA - 

 After 4 and a half hours of drive, nakadating din kami ni Kuya ng Pampanga. It was already 11 pm nung makarating kami sa isang hotel na malapit sa event, agad kaming ng check-in ni Kuya para makatulog na para magising din maaga kasi 8 magsstart ung event.

Before I go to sleep, I was thinking about JM, na sana I could really meet him and have a chance to talk to him. I was hoping that he would be in that event too. I was really hoping. Dahil sa sobrang pagod sa pagddrive, nakatulog ako agad.

- JM -

Medyo binilisan ko ang pagdadrive papuntang Pampanga and it only took me 4 hours of drive, 11 na ako nakadating ng Pampanga, my mom is from Pampanga kaya naman may sarili kaming bahay dito, kaya dun na ako dumiretsyo para magpalipas ng gabi.

I was so happy na in a few hours makikita ko na ulit si Mia. I can't hide my excitedness, pero dahil pagod mabilis akong nakatulog.

5:30 AM

Chasing Cars (3 Part Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon