Let Go

45 4 3
                                    

3 year ago ng magkakilala kami, sa labas ng cr ng girls sa school namin, 4rth year highschool ako nun. Palabas ako nun sac r ng bigla nya kong sinalubong sabay sabing "pwede ba kitang maging kaibigan?" nung una syempre nagulat ako pero tinggap ko parin yung offer nya.

Araw-araw kaming magkasama nun, tapos nalaman ko pang parehas kaming walang kaibigan as in kaming dalawa lang. Araw-araw mas lalo tkaming nagiging close sa isat isa. Alam ko ang mga sikreto nya at alam nya rin ang sikreto ko. Sa t'wing magkakasakit ako, palagi syang nasa tabi ko para alagaan ako.

Tandang-tanda ko pa nga nung nagka-dengue ako, halos di kana umalis sa tabi ko, halos wala na syang tulog, din na sya umuuwi sa bahay nila kahit anong pilit kong sabihin sa kanya na okay lang ako na baka hanapin na sya sa kanila pero binabaliwala nya, parang naririnig sa kabilang tenga tas labas sa isang tenga.

Tanda ko rin nung sinabi nya sakin kung sino ang crush nya feel ko mamatay na ako nung araw na yun kase akala ko ako yung crush nya, nag assume lanag pala ako. ASSUMING KA TALAGA sabi ko sa sarili ko.

Ilang buwan ang lumipas at sobra na tayong close. Hanngang sa dumating yung araw na pinaka hihintay ko. Nung birthday ko, inamin mo sakin na may gusto ka sakin, speechless nga ako dun e, di ko alam kung ano sasabihin ko tapos bigla mo nalang ako niyakap at saka mo sinabi ang mga salitang nakapag paiyak sakin ng husto "Mahal kita Mash" iyak ako ng iyak nun, halo-halong emosyon ang naramdam ko. Hindi ko na din napigilan ang sarili ko at nasabi ko din na mahal kita.

Nanligaw sya sakin, hindi naman tumagal yung ligawan stage namin kase magpapa-choosy pa ba ako diba? Mahal ko sya, mahal na mahal. So bat ko pa patatagalin? Nakipag kita ako sa kanya, nung araw na nakipag kita ako sinagot ko sya. Sobra nya ngang saya nun e, halos isigaw nya na na kami na.

Ibinigay ko sayo ang lahat, ang first kiss ko, hug pati puso ko, minahal kita ng buong buo. Hanggang sa dumating yung birthday ko, yun sa siguro ang pinaka worst na birthday sa buhay ko. Akala ko Masaya na ako sa araw nay un, kumpleto kase kami-buong pamilya. Pero ikaw, di kita mahagilap, text ako ng text sayo, tawag ako ng tawag sayo pero wala man lang akong nakuhang sagot.

Bago matapos ang birthday ko, nag text ka sakin na magkita tayo. Ang saya saya ko nun kase akala ko may surprise ka sakin, totoo nga. Na-surprise kase ang todo-todo as in. Sinabi mo lang naman yung mga saliting sumira ng kaarawan ko. Simpleng "break na tayo" lang yun pero sa pangalawang pagkakataon na-feel ko nanamang para na akong mamatay. Nag tanong ako kung bakit, pero ang sagot mo lang "wala, gusto ko lang" tinignan kita sa mata, EMOTIONLESS.

Sobra akong nasaktan nun, bigla mo nalang akong iniwan. Kinabukasan, pinuntahan kita sa inyo, nagmakaawa ako na bumalik ka sakin pero umuwi akong luhaan,sawi. Araw-araw akong pimupunta sa bahay nyo, araw-araw din akong umuuwing luhaan.

Lumipas ang ilang taon, nararamdaman ko ng medyo okay na ako na Masaya na ako kahit wala ka. pero nakita kita, may kasamang iba. Sa ikatlong pagkakataon nakaramdam nanaman ako ng sakit. Umaalis ako nun, tumakbo ako ng tumakbo hindi ko alam kung saan ako pupunta galit na galit ako nun sayo pero mas galit ako sa sarili ko. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa school naming nung high school, kung saan kami madalas tumambay. Sigaw ako ng sigaw nun, buti nalang walang pasok at kilala ako ng guard kaya free ako sa lahat ng gagawin ko. Lumipas ang ilang oras, okay na ako.

Lumipas nanaman ang ilang buwan. Nabalitaan kong ikakasala kana, may natanggap pa nga akong invitation e. ang saya diba? Yung taong minahal ko ng bonggang bongga ikakasal na at ang masaklap imbitado pa ako. Sa dalawang pagkakataon, naiwan nanaman ako sa ere. Naiwan nanaman ako mag isa.

Dumating ang araw ng kasal nyo, hindi sana ako pupunta nun kase alam ko sa sarili ko na masasaktan lang ako pag pumunta ako. Pero tumawag ka, naki-usap kang pumunta ako sa araw ng kasal mo, eto naman akong si tatanga-tanga e pumunta nga.

Dumating ako sa venue ng kasal nyo, nakita kitang Masaya. Yung mga ngiti mo,patak ng luha mo dahil sa saya, nagawa mo na din sakin yun. Pero ngayon, hindi na para sakin yun, para nay un sa taong mahal mo. Nakita ko kung paano ka ngumiti habang kinakausap mo sya. Na-realize ko na hindi pala talaga tayo para sa isa't-isa.

Natapos ang ceremony ng kasal nyo, umalis ako sa venue at umuwi ng bahay para kunin ang gamit ko at pumunta sa airport. "sana sa pag-alis ko maging Masaya ka, maging Masaya kayo ng asawa mo. I'ts time to move-on. I'm letting you go"

End.

Let GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon