Mundo, isa nga ba itong biyaya?
O isang pagkakamali pala
Naguumapaw na problema
At hindi maatim na eksenaMga taong nakatira
Tila ba ang pake ay nawawala
Kinakatakutan? Di uso 'yan
Basta ang nais ay mapunan... ang sariling kasiyahanTutulong lang kapag madaming nakatingin
May mabubuting loob man ay bilang na rin
Masaya ka ba sa iyong nakikita?
O isa ka rin pala sa kanilaAno pang hinihintay mo?
Baguhin mo ang sarili mo
Tulungan mo ang bayan mo
Para sa ikauunlad natin lahat itoMinsan sapat na ang tulong ng isa
Kumpara sa madami nga
Naghahatakan naman pababa
Matanong lang kita, Ano? Tutunganga na lang ba?Ikaw lang ay sapat na
Huwag pansinin at tumulad sa iba
Na parang isang tamad
Na walang ibang ginawa kung hindi humilataTayo na at magbago
Para sa kinabukasan natin ito
Hindi lang para sa atin, kung hindi para sa bagong henerasyon na rin
Tayo ang dahilan, sa pagbabago ng mundo natin---
Ang sarap sa feeling kapag may nakaka-appreciate ng tula ko huhuhu. Salamat!
Tulang gawa ulit sa loob ng ilang minuto! Huwag maging plagiarist please. :)
BINABASA MO ANG
Kamusta ang mundo mo? (Poem)
PoetryMasaya ka ba sa nakikita mo? Masaya ka ba sa mundong ginagalawan mo? Kung hindi, baka ito na ang oras para magbago