Part Three - The In Laws

142 4 2
                                    

Weeks passed.

Lagi akong pinapaalalahanan ni mommy na gusto niyang makausap ang parents ni Shey.

Its hard on my part kasi hindi na naman kami nag uusap.

Dahil sa sobrang kagustuhan ng kausapin ng Tito ko ang parents ni Shey, pinuntahan namin siya sa school niya mismo.

Pinagharap kami sa loob ng Mapeh Dept with the help of the teachers.

And there he is ... "Bakit siya umiiyak?" Tanong ko sa sarili ko.

Di ba dapat ako? Ako yung babae. Ako yung buntis dito.

Pinatawagan sa kanya ng mga teachers ang magulang niya para makausap na kami.

"Joy pinatawagan na namin kay Shey yung parents niya, doon na lang kayo magusap sa bahay niyo dahil hindi dito sa school ang tamang lugar para pag usapan niyo yan." Sabi ni Mrs. Arceo.

"Opo ma'am doon naman po talaga namin kakausapin ang parents niya."

Pumasok yung coach ni Shey at kinausap ang Tito ko , "Uhm sir umalis po muna si Shey para sunduin ang mga magulang niya pupuntahan na lamang po nila kayo sa bahay ni Joy."

"Baka naman hindi sila sumipot ! Siguraduhin niyo lang na pupunta talaga ang parents niya sa bahay ni Joy." Sagot naman ng Tito ko.

Umuwi ako ng bahay at bigla naman dumating ang mommy ko. Sinabi ko naman sa kanya na pupunta ang parents ni Shey.

"Buti naman." Sagot niya.

Naghintay lang ako sa room ko.

Hindi ako mapakali. Kung anu ano tumatakbo sa isip ko. Nasstress ako.

'Lord tulungan niyo po ako. Kayo na pi bahala sa mangyayari mamaya.'

Maya maya lang ay dumating sa bahay namin ang Tito ko. Gusto niya nakaharap din siya sa magulang ni Shey.

Ang Tito ko na yun kasi ang tumayo kong daddy after mamatay ng daddy ko 7 years ago, kaya sobrang close kami.

Na disappoint nga siya nung nalaman niya na buntis ako.

After a few minutes dumating na ang parents ni Shey together with him.

Pinagbukas ko sila ng gate. And i can feel it na hindi maganda ang kalalabasan ng usapan na to.

Pinaupo ako ng Tito ko sa harap nila.

"So ano po ang plano natin?" Tanong agad ng Tito ko.

"Eto po sa inyo na tong anak ko." Sagot ng Mama ni Shey.

"Ay hindi po! Hindi namin kailangan kunin ang anak niyo." Sagot ng Tito ko.

Umiiyak ang mama ni Shey sa harap namin. Nakikinig lang ako sa usapan. Ayoko magpaapekto sa mga maririnig ko.

"Bakit hindi mo agad pinaalam  sa magulang mo yung tungkol dito?" tanong ng Tito ko kay Shey.

"Tinanong ko siya nun bago kami umalis papuntang Hong Kong. Ang sagot niya sa akin hindi siya sigurado kung sa kanya yung pinagbubuntis ni Joy." sagot ng Mama ni Shey.

"Wala akong sinabi." sagot naman ni Shey.

'Ano ?! Alam mo sa sarili mo Shey na ikaw ang nakauna sa akin ! At sayo ko lang binigay lahat lahat ng meron ako ! Tapos nakuha mong sabihin yan ?!" Nakaramdam ako ng galit !

"Eh bakit sabi ni Joy gusto mo daw ipalaglag ang baby niyo?" dagdag ng Tito ko.

"Wala po akong sinabing ganun sa kanya." sagot ni Shey.

'What ?!! Pagmumukhain mo pa kong sinungaling ?! Eh sinabi mo naman talaga yun sa akin !" Sabi ko sa isip ko.

"Joy di ba sabi ko naman sayo noon na hiwalayan mo na si Shey dahil nga hindi siya makapagfocus sa pag aaral niya. Tapos ngayon eto naman." sabi ng Mama ni Shey.

'Excuse me po, una sa lahat hindi dahil sa akin kaya siya hindi makapagfocus ng maayos dahil yun sa sports niya hindi niya kayang pagsabayin pero pinagpipilitan niya. Pangalawa, bakit hindi niyo sabihan yang anak niyo na tantanan ang pakikipaglandian sa ibang babae at unahin ang pag aaral niya? Mahal ko yang anak niyo kahit ganyan pero iniwan niya ko lang ako basta basta." sabi ko sa isip ko. Kung bastos lang akong tao baka na sabi ko na yan. Pero hindi nanahimik lang ako.

Hindi talaga ako gusto ng Mama ni Shey noon pa lang. Pero wala akong pakialam dun kasi mahal ko si Shey. Mahal ko si Shey noon ... Pero hindi ko na alam kung hanggang ngayon.

"Sira na ngayon ang buhay ng anak ko." sabi ng Mama ni Shey.

"Ay hindi po. Hindi naman po siya titigil sa pag aaral eh. Si Joy po ang titigil sa pag aaral, pero hindi dahil dun sira na ang buhay niya. Babalik naman siya sa pag aaral pagkatapos niya manganak. Ikaw Shey mag aral kang mabuti. Isipin mo yung magiging anak mo. May bubuhayin ka na. Hindi na pwede yang papetiks petiks mo sa pag aaral." sabi ng Tito ko.

"Opo. Alam ko naman po." sagot ni Shey.

"So paano po yung parte niyo?" tanong ng Tito ko.

"Hindi po namin kaya magbigay ng sustento. Kay Shey kasi ang nagpapaaral lang dyan ay ang mama ko. Eto namang asawa ko naglalabas lang ng jeep." sagot ng mama ni Shey habang na iiyak.

"Hindi lang naman po finacial support ang kailangan ng bata." sabi ng Tito ko.

And so on ... Hanggang sa wala namang na pagkasunduan.

"Ocge po gabi na po. Pwede na po kayo umuwi." sabi ng Tito ko.

"Sige po aalis na po kami." sagot ng Mama ni Shey.

Pagkaalis nila Shey, kinausap ako ng mommy ko at ng Tito ko.

"Oh na kita mo yun anak ? Yun dapat ang magiging byenan mo." sabi ni mommy.

"Bakit sila yung umiiyak ? Yung anak ba nila yung na buntis? Yung anak ba nila yung titigil sa pag aaral? Hindi naman di ba?" sarkastikong sabi ng Tito ko.

Natawa naman kami ng pinsan ko.

"Eh sa kanila ata yung babae eh. Hahaha" sabi  ng Pinsan ko.

"Mukhang wala tayong makukuhang tulong mula sa kanila anak. Kaya kailangan alagaan mo ng maayos ang sarili mo para walang maging deperensya ang magiging baby mo. Yun na lang ang magiging tulong mo sa akin." sabi ni mommy.

"Opo mommy."

'Aalagaan ko ng mabuti ang sarili ko at syempre ang baby ko. Lalakasan ko loob ko para sa baby ko. Prayers will give me strength.'

------------------------------------------
[A/N]

Yeah ! xD Naiiyak ako habang tinatype ko to Haha. :)) UD agad ako :) Nakaready na yung next part. :) Thank you. ❤️

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teenage Mom (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon