Dugo

5 2 3
                                    

*Sunny*

Habang naglalakad na ako pauwi ay may nakasalubong akong aso, teka... si bagsik to ah, aba ang hayop na aso, mabagsik talaga dahil may kinakana na naman na iba

"Hoy bagsik uwi, shoo! Shoo! Uwi!" Hayop talaga dahil kinahulan pa ko bago dumiretso sa bahay. Nabitin siguro.

Buti pa itong aso may kalampungan

"Nay, nakauwi na po ako!" Hiyaw ko, lingap pa ako ng lingap pero hindi ko sila makita.

"Bakit ka pa nakatunganga? Magluto ka na!" Sigaw niya sa akin

Ogag pala to eh, buti nga hinanap pa kita eh.

"Sige po..." Nginitian ko pa siya,

Ayos diba, yung tipong pagod na pagod ka na tapos ikaw pa uutusan ayos talaga

Kare-Kare ang niluto ko, parang ako... kumpleto sa rekado... oh diba maisingit lang.

"Nay, luto na po ito." Hiyaw ko, nasa sala kasi sila ni itay at ng bunso kong kapatid, habang ako naghihirap sila nabubuhay sa sarap, hindi naman ako pumapalag

Kasi mahal ko sila...

"Osige pumunta ka na sa kwarto mo, iyo na lang yung matitira namin! Pasok don! alis!" Sigaw ni itay, biglang nag-ulap ang paningin ko, ayos lang ako

"Sige po..." Dumiretso ako sa kwarto ko, pero bago ako pumasok ay sumulyap ako sa kanila

Nakita ko silang nagtatawanan habang ang bunso kong kapatid ay nagkukwento, si inay ay pinaglalagay ng kanin ang bunso kong kapatid sa kanyang plato

Ang saya nila...

Ang saya ng pamilya namin... este nila, dahil ni minsan naman ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal nila, puro masasakit lang ang binibigay nila, emotionally at physically

Napangiti ako sa ng mapait

Pagpasok ko sa kwarto ko, sinara ko agad ang pinto, hindi na napigilan tumulo ng luha ko. Ilang taon na ang nakalipas pero hindi pa din ako sanay. Kasi nga pamilya ko sila... kasi nga mahal ko sila

Yung pagmamahal na kahit masaktan ako basta masaya sila

Sabagay ako lang naman iyong batang napulot nila sa labas ng kanilang pintuan

Oo, hindi nila ako tunay na anak, pero kahit na ganoon ay tinuring ko pa din silang tunay na magulang, bata pa lang ako alam ko na ang katotohanan

Nagising na lang ako dahil sa naramdaman ko ang gutom teka ilang oras ba ako nakatulog?

Paglabas ko ng kwarto nakita ko ang pamilya ko, nanunuood ng telebisyon... nagtatawanan

"May natira po ba kayong pagkain?" Agaw ko ng atensyon sa kanila

"Wala na, pinakain na namin kay bagsik" Sabi ni kupal, este ni Kuffax, pagtingin ko inirapan niya ako, siya ang bunso kong kapatid

Tarantado ka ako nagpapaaral sayo baka gusto mong dukutin ko yang mata mo

Pero syempre sasarilihin ko na naman yon. Kainis, buti pa yung aso inuna nila.

Nakalabas ako ng bahay ng hindi nila napapansin, ayos diba? Parang hangin lang ako sa kanila, minsan di ko maiwasan magselos kay kuffax, buti pa siya nakukuha ang pagmamahal nila itay at inay, samantalang ako naman sobrang pinagkaitan at yung pagmamahal na pinagmamalaki nila? ni minsan hindi ko 'yon naramdaman

Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa parke, naupo ako sa isa sa mga bench don.

Napabuntong hininga ako...

"Lalim non ah!" Napatingin ako sa nagsalita

"Betong..."

"Oh kamusta buhay sunny?" Ngumiti pa siya, nakita ko ang nuknukan niyang dilaw na ngipin

Buhay ko? Ito mukhang matatapos na kakahinga mo

"Ayos lang." Tipid kong sagot

"Talaga? Sigurado ka? Bakit ang lalim ng iniisip mo?" Sagot niya na may kasamang singhal

Put*ngina tulungan nyoko, ambaho ng hininga nito

"Oo, ayos lang talaga."

"Sige, nga pala may tindahan ako doon oh, gusto mong tignan?" Turo niya pa doon sa isang tindahan ng... brief at panty? Anak ka ng betong na to.

"Hindi..."

Hindi ko na kaya!

"Sige mauna na ako, baka manakawan pa iyong tindahan ko, babyeeeeee!" Sigaw niya pa sa pagmumukha ko, tengene ke, naduduling na ako dahil sa hininga mo

Ito na naman iyong pakiramdam... iyong pakiramdam na nahihilo dahil sa baho

Hindi biro lang, pakiramdam na mag-isa ka.

Palinga linga ako sa paligid ko dahil pakiramdam ko ay mayroong nakatingin sa akin.

Hindi nga ako nagkamali... may nakatingin nga sa akin...

Si betong... kininditan pa ako ng hayop, sabay ngiti ng labas lahat ng ngipin nyang madilaw.

Tumalikod na ako ng biglang may humatak sa akin

"Betong ano ba, nahihilo na ako, please tumigi-" Napahinto ako ng pagharap ko

Siya iyong nasa bus!!!!

Napanganga ako ng literal, amoy na amoy ko ang pabango niyang panlalaki, naka itim padin siyang leather jacket, namiss ko ang nagungusap niyang mga mata, ang mapupula niyang mga labi at ang kanyang... bakat. Ay hindi mali, erase!

"Done?" tanong niya habang nakangisi, ngayon ko lang napagtanto na ang lapit pala namin

Tinulak ko siya labag man sa loob ko

Teka... bakit nga pala niya ako hinatak saka... bakit ang sama ng tingin niya sa pwet ko!!

"Bastos ka bastos!!" Sigaw ako ng sigaw habang pinapalo ang matigas niyang dibdib, uy tsansing din 'to!

"Dugo."

"Ha?! Anong sinasabi mo? Bakit sasapakin mo ba ako kaya magkakadugo? Jusko maawa ka!! Gusto.ko pa mabu-"

"Tanga may tagos ka."

Napatingin ako sa pang-upo ko, tangna dugo nga, akala ko pa naman minamanyak ako nito... sayang!

-

I write to express not to impress. Naks gumaganon!

Chaotic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon