Part 4

2 0 0
                                    

*Sunny*

Akala ko minamanyak na ako nitong nilalang na ito. Sayang talaga, handa pa naman ako...

~Nanghihinayang... Nanghihinayang ang puso kooooo.~

Letsugas nga naman oh! Ang lakas ng radyo ni betong! Sumabay pa talaga sa nararamdaman ko

Pagtingin ko sa kanya, nagflying kiss pa. jusko maawa ka

"Saan ka ba? Hatid na kita." Ay oo nga pala may kasama nga pala ako.

"Doon lang sa malapit, kaya ko na." Pinamulahan naman ako bigla, sa inaasta niya kasi parang pinaparamdam niya sa akin na sweet siya

"Okay." Sagot niya tapos tinalikuran na ako. Binabawi ko na lahat ng sinabi ko! Aba! nagpapakipot lang ako!

"Hoy joke lang! Intay! Sige na!" Mukha na akong tanga dito dahil tumatakbo lang naman ako... ng may tagos

"Psh, arte pa kasi eh." Sabi niya sa masungit na tono, pero teka... totoo ba ito, parang nakita kong napangiti siya

"Eh keshe nemen nekekeheye" Ay yung bibig ko walang pakisama, ngayon pa talaga tumabingi

"Este kasi naman nakakahiya."

"Ngayon ka pa talaga nahiya? Sakay!" Ang sungit naman nito

Hindi ako magaling sa mga sasakyan pero ramdam ko... mamahalin ang kotse na ito, mukha pa itong bagong linis, kumikinang eh

Sinabi ko na kung saan ang lugar ko at bumyahe kami... ng tahimik, ang awkward naman nito, mas lalo pang awkward kasi nakalutang iyong pwet ko sa upuan, hindi talaga ako nakaupo, baka kasi matagusan iyong upuan, itong pogi na 'to, mas inuna pa ang kotse niya buset

Pagbaba namin napasinghap siya

"Bahay ba talaga to?" Nakita ko pang pinagmamasdan niya ang buong paligid

"Anong tingin mo?" Inirapan ko naman siya

"Parang kapag sinipa ko ito, parang gigiba, and look at them... they look like trash" sabay turo niya pa sa mga tsismosa, lasenggo at nagsusugal

Parang nanliit naman ako bigla...

"Wala kang karapatan laiitin ang bahay namin, wala kang karapatan laiitin kami, hindi porket mayaman ka ganyan na ang lalabas sa bibig mo! Tandaan mo, tao ka lang din, nabuhay kang wala, mamatay kang wala" Tinalikuran ko na siya, gusto ko man siya pasalamatan dahil sa paghatid, naisip ko na wag na lang din, sino ba siya para manlait?

Ayoko sa lahat yung mapanliit, maliit na ako, gusto ko naman masubukan maipagmalaki

Ayan napapahugot na ako ng wala sa oras.

Habang naglalakad naman ako ay bigla akong natalisod

Ang ganda na sana eh! Epal tong bato na 'to!

Napatingin naman ako doon sa humalakhak, dahil sa kanya naka-agaw pa ako ng pansin, nakita ko na din yung tatlong lasenggo na tumatawa

Isusumbong kita sa apo mong naghuhulma ng kulangot, akala mo ah!

"Oh anong tinatawa tawa mo? Tapos na ang palabas, umalis ka na, bumalik ka na doon sa mansion mo! Bumalik ka na doon sa buhay mong perpekto kung saan wala kang malalait at wala kang makikitang basura, hala alis! umalis ka dito!" Sinabayan ko ng sama ng tingin, nakita ko namang nagbago ang timpla ng mukha, totoo ba itong nakikita ko? Yung mata niya parang may halong guilt... hindi, umaarte lang siguro, galing mo, pwede ka na magartista!

Tumalikod na ako, naknang ang sakit sa paa ng pagkatapilok ko, pero di ko iyon pinansin, basta ang alam ko kailangan kong maka-alis dito.

"Okay fine! Sorry..." Hinablot niya ang braso ko, napatingin ako sa kanya, nakita kong nakayuko siya. Para namang nanlambot ang puso ko dahil sa sorry niya pero... hindi! mali ang manlait ng kapwa, very wrong!

"Ayoko ng ugali mo, ayoko sa mga taong masyadong mataas ang tingin sa sarili."

"Sorry hindi na mauulit." Naka-pout pa siya nakanangtupa wag kang ganyan baka reypin kita!

Parang napansin niya naman iyong pagbabago ng timpla ng mukha ko, bigla kasi siyang ngumisi.

"So, Where do you live here? Masyadong madami ang bahay dito."

"Doon lang, sa kabilang eskinita."

Habang naglalakad kami nakasalubong naman namin iyong bata, eto ba yung apo ng lasenggo?

Nakita ko namang may hinuhulma siya

"Ano iyang ginagamit mo pang hulma?" Kulangot ba iyan? Pero bakit ang laki?

"Hulaan nyo po!" sabi niya sa masaya na tinig.

Aba juskongmahabagingawa! Nilagay niya sa palad ko! Masyadong mabilis ang pangyayari mga kaibigan! Inamoy ko, bat ganito? Ang bantot

"Siret na po?" Ngiting ngiti pa siya

"Uh, siret?"

"Dumi po ni bagsik. Hehehe!"

Punyeta, pigilan nyoko! Pumapatol ako sa bata!

---

O-kay, wala pa masyadong kilig moments kasi naman ho... getting to know each other muna dapat diba? Hihi

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chaotic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon