AnYan

24 2 10
                                    

" ~Yanskie,masarap ba iyong chocolate na gawa sa pagmamahal ko? " -Kim

" Oo naman,basta galing sa puso,masarap! Pero mas masarap pa rin luto ni Old Lady "-Yanyan

" Sinong Old Lady ang tinutukoy mo,huh?! " beastmode kong sabi sa kaniya

" Waaahhh! " sabay takbo niya

Ano ba iyan! Ang aga-aga sila ang madadatnan ko! Kainis! Parang gusto kong masuka! Di naman sa bitter ako dahil Valentines Day ngayon,sadyang naiinis lang talaga ako sa taong nagngangalang YANYAN ARUTO. Alam niyo kung bakit?

~~~~~~~~~~

First day of School (First Year)

Break na namin niyon,hindi ako lumalabas para kumain sa canteen dahil ako na ang gumagawa ng baon ko dahil mapili din ako sa pagkain. Nang pakain na ako,napansin kong nakatingin sa baunan ko ang seatmate kong lalaki.

" Gusto mo? " pag-aalok ko sa kanya

" Ang bait mo naman,Salamat! "

Ang halos kumain ng baunan ko ay siya. Hindi ba ito kumakain sa bahay nila?

" Sobrang sarap magluto ang mama mo,sa lahat ng pagkaing nakain ko,ito ang pinakamasarap! Pakisabi sa kanya,pasensiya na kung ako ang umubos sa baunan mo,haha "

" Ahhh,ok lang iyon? Atsaka ako ang nagluluto ng baon ko "

Bigla siyang tumahimik at maya-maya

" Wow! Talaga! " tapos parang nagniningning ang mata niya

Baliw ba itong taong ito? Parang feel ko maiinis na talaga ako sa ginagawa niya. Nagulat ako dahil bigla siyang lumuhod sa harapan ko kaya nakaagaw tuloy sa atensiyon ng mga classmates namin.

" Wifey na kita simula ngayon kaya bukas,ipagluluto mo ako bilang responsibilidad mo bilang asawa ko " nakangiti asong sabi niya

Parang parang parang gusto ko ng makapatay ng taong baliw sa harapan ko! Siya na ang pinakabaliw na tao sa buong daigdig. Sa sobrang inis ko sa kanya,sinapak ko siya.

~~~~~~~~~~

Simula ng araw na iyon,ayokong makita ang pagmumukha ng baliw na iyon kaso hanggang sumunod na year talagang nakakainis ang tadhana dahil naging classmate ko na naman siya at hindi lang iyon,seatmate ko pa rin siya,Ang saya!(sarcastic) pero siyempre hindi ko na shineyr ang pagkain ko sa kanya,ASA SIYA!

" Anya,pwede ba akong magtanong sa iyo? "-Kim

" Tungkol saan? Basta kaya kong sagutin ang tanong mo " may ginagawa kasi ako sa desk ko kaya hindi ako nakatingin sa kanya

Crazy (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon