•The Revelation•
Naka schedule talaga yung oras para dito .
Yung may aamin sa inyong dalawa .
Sasabihin mo na yung nararamdaman mo .
Magugulat ka na ganun din pala siya sayo .
Alam mo ba ?
Hinintay ka lang nya na sabihin mo sa kanya,
kasi ang totoo niyan ,
simula pa lang ,pareho na kayo ng nararamdaman .
Kaya nga iba yung pakikisama niya sayo,
iba din yung pakikitungo niya sayo .
Kasi,
mutual pala ang feeling na namamagitan sa inyo .
Nung mga oras na yun ,
para kang nanalo sa Lotto .
Kasi dati ,
humihiling ka lang sa 11:11 .
Pero ngayon , Ayan na .
Simula na talaga ,
at sa istorya mong ito ,
ikaw pa din ang bida .
Ikaw pa rin ang susulat ,
at gagawa .
BINABASA MO ANG
Sa Tamang Oras
SpirituellesWalang nakakaaalam kung sa anong numero nakaturo ang mga kamay ng orasan para masabing "Eto na Ang Tamang Oras" . Kailan nga ba ang Oras na para sakin ? Agad agad ba? O maghihintay pa ako ?