Ganun talaga .
Kasama yun .
Kailangan nating maramdaman yun .
Para ipaalala sa atin na
HINDI PA .
MALI PA .
MAAGA PA .
Kung iniwan ka ,
nasaktan,
pinaasa,
pinagpalit,
binalewala,
niloko .
Wag ka nang maghabol .
Wag mo nang ipagpilitan .
Wag mo nang pahirapan pa yung sarili mo .
Hayaan mo na siya ..
May mga tao talaga kasing darating sa buhay natin ,
para mag-iwan ng lesson .
Kaya dapat yung lesson na yun ,wag natin kalimutan at i-apply natin .
Tanggapin mo .
Patawarin mo .
Wag mong pahirapan ang puso mo .
Ingatan mo yan ,
kasi isa lang yan .
Iprepare natin sa taong deserving .
May taong nagsabi nga sakin ,
"Anong gagawin mo kapag pinahawak kita ng pera ko , P1000 peso bill"
"Ahmmm . Itatabi ko po"
"Ano pa ?"
"Iingatan ko po"
"Hindi . Sige . Sirain mo"
"Ehhh ? Ayoko po hahaha"
"Ahhh . Edi itapon mo na lang"
"Nye? Ayoko din po hahaha"
"Bakit ayaw mo ?"
"Kasi po malaking pera .Mataas ang halaga. Wala po akong ipapalit hahaha"
"Ganun ka din :)"
ayun ! Nung mga oras na yun ,
dun ko narealize kung gaano nga kalaki ang halaga ko .
Kagaya mo ,
Tao ka !
Hindi ka Pera .
Higit pa tayo sa Pera ! .
Kung hindi niya nakita yung Halaga mo ,
Hayaan mo na siya .
May nagsabi din sakin na,
"Kapag ba nagtanim ka ng puno ng mangga ngayon ,kinabukasan malaki na ? May bunga na ? "
"Syempre hindi po . Haha"
"Maghihintay ng mahabang panahon diba ? Yung unang bunga ba nun , hinog agad ? "
"Hindi po . Kulay green pa po,maasim "
"Maghihintay ulit diba ? Gaano katagal ? Kapag ba kulay dilaw na ? Tapos malambot na malambot ? "
"Hindi po . Kasi po bubot na po yun "
"Kailan pala ?"
"Kapag po yung sakto na. Yung hinog na tsaka matamis."
"Parang sa Pag-ibig ."
Oo nga ,
kapag minadali mo ,
kung hindi bubot , hilaw.
May tamang panahon ,
yung Matamis na .
Masasabi mong Worth It ang matagal na paghihintay .
Ihanda muna natin yung sarili natin .
Sabi nga sakin "Magpaka Prinsesa ka muna ,kung gusto mong dumating ang Prince Charming mo ."
Wag kang maghanap ah ?
Kasi kusang darating yun .
Darating yung Tamang tao ,
Sa Tamang oras :) .

BINABASA MO ANG
Sa Tamang Oras
EspiritualWalang nakakaaalam kung sa anong numero nakaturo ang mga kamay ng orasan para masabing "Eto na Ang Tamang Oras" . Kailan nga ba ang Oras na para sakin ? Agad agad ba? O maghihintay pa ako ?