PAASA

1K 23 9
                                    

Ang sarap pakinggan yung boses mo, yung tipong kinakantahan mo ako kahit na mali-mali ang lyrics mo, wala ka sa tono at hindi kagandahan ang boses mo.

Ang sarap gumising sa umaga na sweet long message ang unang nababasa ko, ang sarap magising kasi alam ko na inlove ako sayo.

Pag kasama kita wala tayong pakielam sa mga nakapaligid satin.

Wala man tayong relasyon pero alaga pa rin natin ang isa't isa.

Magkausap magdamag sa text man o sa personal.

"I love you" dito "I love you" doon parang tayo lang ha?

Kinikilig ako pag bumabanat ka, ang dami nating pangarap daig pa natin ang mag-syota.

Pero bakit isang araw naging cold ka? Anong nagyari?

Tinitiis ko yung bawat HAHA, K, CGE, :) at SEEN mo makausap lang kita.

Yung dating good morning message mo na pagkahaba-haba ngayon "GOODMORNING:)" nalang!

Ang ikli mo magreply, "ACTIVE NOW" pero di ka man lang nagchachat. May iba ka na ba?

Tapos isang araw di ka na nagparamdam? Naghintay ako. Inisip ko nalang na baka busy ka.

Na baka may ginagawa ka. Naghintay ako pero wala. Importante ba ako sayo?

Napapaisip nalang ako na "Anong nagawa ko?" "May nasabi ba akong mali?" "Nagsawa na ba siya?"

Pero walang ni sagot sa mga tanong ko.

Nakakamiss yung umaga palang magkachat na tayo, ang sweet sweet natin, wala tayong pakielam kung paulit ulit lang yung topic natin, sabay tayong nagpupuyat.

Dati magdamag tayong magkausap pero ngayon wala ka na ngang reply, siniseen mo pa ako.

Nakakamiss yung mga araw na ang saya-saya ko kasi kausap kita.

Feeling ko TAYO, kahit na hindi.

Nakakamiss yung dating tayo.

Bakit may nagbago? Bakit ka nagbago?

May nagawa ba akong mali?

Pinagtripan mo lang ba ako? Pampalipas oras?

Wala na ba akong halaga sayo?

Minahal mo ba talaga ako? O ako lang talaga ang nagmamahal sa ating dalawa?

Ang dami kong katanungan na kahit ni-isa ay walang sagot.

Ang sakit lang kasi, ang sakit lang. Basta mo nalang akong iniwan sa ere ng ganon ganon lang.

Sana sinabi mo nalang sakin, mas masakit kasi na pinaparamdam mo na wala na akong halaga sayo.

kung sasaktan mo lang ako ng ganito sana sinabi mo na nung una palang para nagbugbugan nalang tayo.

kung papaasahin mo lang ako, sana iniwasan mo nalang ako.

Naniwala ako sayo e, umasa ako na ako lang.

Umasa ako sa mga promises mo.

Umasa ako na mahal mo talaga ako.

Umasa ako sa forever mo.

Umasa ako na kaya mong maghintay.

Umasa ako na ikaw na talaga ang mamahalin ko.

Umasa lang pala ako sa wala.

Ang sakit. Ang hirap pala talagang maiwan sa ere noh?

Tinaas mo ako eh. Naniwala ako na mahal mo ako, tapos nung nahulog na ako sayo bigla ka nalang di nagparamdam.

Minahal mo ba talaga ako? Pinagtripan mo lang ba ako?

Sa tuwing nababasa ko yung dating conversations natin napapasabi nalang ako ng "Nakakamiss yung dating tayo".

Ano ba kasing nangyari? Bakit nagbago ang lahat? At Bakit ka nagbago?

Ikaw ang nagparamdam ng pagmamahal sa akin,at the same time ikaw rin ang nagparamdam ng sakit.

Naiisip mo rin kaya ako kung kumain na ba ako? kung nakakatulog ba ako? kung ayos lang ba ako?

Namimiss mo rin kaya ako?

Naalala mo rin kaya ako?

Namimiss mo rin ba yung dating tayo?

Anong pakiramdam ng may umasa sayo? Anong pakiramdam ng nasaktan mo ako?

Masaya ba? Nag-enjoy ka ba?

Sana naman maisip mo rin na masakit ito para sakin.

Hindi ko hinihiling na sana ay makarma ka, hinihiling ko lang ay sana makonsensya ka.

Ang hirap mag-move on sayo.

Ang hirap magmove on sa taong hindi kayo pero binago ang buhay mo.

Ang hirap magmove on sa taong pinasaya ka at pinaramdam sayo na importante ka (noon)

Ang hirap, ang hirap hirap.

Kahit na tanggap ko na pinaasa mo lang ako, hindi ko parin maiwasan na huwag masaktan.

Pero salamat sayo kasi naging matatag ako.

Naging matalino ako sa pagpili.

Sana maging masaya ka.

Wag kang mag-alala. OK lang ako. OK lang talaga.

PAASA (Unsaid Feelings)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon