Chapter 1

7 0 0
                                    

A/N: Sa ayaw at gusto niyo itutuloy ko to! HAHAHA. Walang makakapigil sakin! Mwehehehe. BTW, Jin's Picture --------------------->

Jin's POV:

*KKKRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNGGGGG* *KKKRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNGGGGG*

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Pagkatingin ko ay alas sais na nang umaga. Tumayo ako agad dahil ayaw kong maiwan nila kuya. Ayaw kong mag commute no. Kinuha ko yung twalya ko at dumiretso na sa banyo.


After 30 minutes


Tapos na kong magbihis at sinusuklay ko na lang yung buhok ko ngayon habang nakatingin sa salamin. Makikita mo dito ang kulay itim kong mata, matangos na ilong, at maputi kong kutis. Kinuha ko ang aking bag na nakapatong sa mga libro ko at bumaba na.


"Goodmorning Kuya's!"

"Goodmorning din"

"Goodmorning jinjin!"


Pagbaba ko ay nakita ko sina kuya na kumakain ng breakfast. Mayroon akong 2 kuya. Tatlo lang kaming magkakapatid at may kakambal ako, si Kuya Percy. Una siyang lumabas kaya technically ako ang bunso saming tatlo. Si kuya Raven ay may trabaho at umaasenso na samantalang si Kuya Percy naman ay kayear level ko syempre. 4th year high school na kami ngayong taon at kaklase ko ang kakambal ko. 


Kumuha din ako ng tinapay at kinain ito. Nasa harap ko si percy at binibigyan niya ako ng mapang-asar na ngiti. Nakakainis talaga to! Ang aga-aga nambwibwisit na. Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy na sa pagkain.


Kaming 5 lang dito sa bahay. Wala kaming yaya kasi ayaw nila mommy. Malalaki na daw kami at dapat nang gumawa ng gawaing bahay. Noong una ayaw namin kasi nasanay kami na may inuutos utusan pero ng kinalaunan ay nasanay na kami.


"Tara na!" saad ni Kuya Raven


Tumayo na nga kaming tatlo at lumabas na. Sumakay kami sa kotse ni kuya at paminsan minsan ay nag cocommute din. Pero ayaw na ayaw ko talagang nagcocommute.

After 10 minutes

Delos Reyes Academy

Bumaba na kaming dalawa sa kotse at sabay na naglakad papasok ng school. 

"Wooooohhh! May transferee!"

"Based on my research ay lalaki ito"

"Pogi din daw! Waaaaahhh!"

"Sana kaklase natin para maakit ko agad!"


Aiiissh. Paki ko kung may transferee? Paki ko kung lalaki at pogi? Bahala sila diyan. -.-


"Hoy kuya percy! may assignment ka sa math?"

"Oo naman ako pa! E ikaw?"

"A-Ah oo naman! Tingin m-mo sa-k-kin tamad?"

"Owwwss. Nako jin wag mo kong lokohin. Nauutal ka nga o. Wala kang assignment. Gawin mo nalang yan pagdating natin sa room! Bilisan mo nalang baka maabutan ka ni Sir!"

"O-okay"


Hindi ko nagawa yung assignment ko kasi ka-chat ko si kent. Sa sobrang saya ko ayun nakalimutan kong gawin yung assignment. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spelling ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon