Epilogue: Maling liko yata?

266 6 8
                                    

EPILOGUE: MALING LIKO YATA?

Pag ba inlove dapat single ka? Hindi ba pwedeng committed kana tapos bigla mo nalang naramdaman yung tinatawag nilang “change of heart”

“Yun na nga eh, puro sa una lang ako masaya, unlike before… Nung maramdaman ko nang masaya na ko sa kanya kumplikado naman kasi may mahal na syang iba.”

Actually isa ito sa mga huling text nya sakin before we settle everything between us, but I always assure that, I always put justice in every decisions I made. Sa totoo lang mahirap talagang magdecide sa ganitong sitwasyon lalo na at attracted naman ako sa kanya pero sadyang hindi kami pwede para sa isa’t isa for so many reasons, kaya nga sobrang umaalma ang puso ko ng ginamit ko na ang utak ko.

Hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na sinubok kami ni bf ng pagkakataon, sa katunayan pangatlo na ito. Pero ang pinagkaiba nga lang sa first and second ay di ako ganito ka attracted at hindi mutual ang understanding between us. Hindi third party na matatawag kasi one sided love lang yung mga nauna, pero ang isang ito kakaiba talaga. Love at first sight! Medyo imposible kasi kaunti lang ang naniniwala nito, pero believe me or not parang tinamaan talaga ako. As in daig ko pa ang nagayuma.

Halos mabaliw ako sa kakaisip kung ano dapat kung gawin although alam ko naman kung ano ang dapat at tama, sadyang binubulag lang talaga ako ng nararamadaman ko.

Mahirap kasing mamili at syempre takot din akong magkamali, hindi ko naman ipagpapalit ang ginto sa tanso diba?

**********

SABI nila pag inlove ka maraming magbabago sa pagkatao mo, yung tipong gusto mo maganda ka lagi tingnan kahit matutulog ka nalang, tapos lagi ka nagpapapansin sa fb at laging nagpapalit ng profile picture, at syempre kasama na dun ang pag-stalk sa super crush mo.

Minsan nga nagagawa mo pang idownload ang picture nya at gawing wallpaper sa cp at laptop mo, then pasimple mo pang dinadasalan at hinahalik-halikan bago ka matulog. Mga ganoon bang klaseng kakornihan na hindi naman talaga likas sa pagkatao mo’y nagagawa mo, dahil nga nasa ilalim ka ng hipnotismo ng pagibig. Mga kabaliwan na sadyang di mapipigilan at kusa mo nalang mararamdaman.

Maraming di maipaliwanag na bagay ang nararamdaman mo, yung tipong para kang luka-luka na bigla ka nalang matutulala tapos mapapangiti ka ng di sinasadya pagkabasa mo ng pangalan nya sa inbox ng cellphone mong di mo mabitawan kasi baka makita ni bf.

Ito pa ang malupit, araw-araw unli ka, padaan ka ng padaan ng gm sa kanya kahit ang totoo ay pm yun as in “private message” exclusively for him. Mga kalokohan na kunwari wrong sent or may itatanong kuno pero wala naman talaga, for the sake na replyan ka lang nya at magkatext lang kayo. Mga ganoong kababawan na hindi mo abot akalaing gagawin mo in the name of love.

Sa una exciting ngang matatawag pero sa pagdaan ng mga araw lalong humihirap ang sitwasyon, mahirap nang magpanggap at itago mga nararamdaman ng bawat isa.

“Ayoko ngang mawala ka, pero kung yun lang ang paraan para maging okay ang lahat, pwede na rin.”

Those are big words pero kahit labag man sa kalooban ko, ay need kong tanggapin at putulin kung anumang koneksyon meron kami. Kasi nga unfair iyon kay bf.

**********

ANYWAY ang dami ko ng nasabi sa intro pero ako di mo pa kilala, I want you to call me “Bunny” code name ko yan, basta wag mo na itanong kung bakit bunny, nabasa ko lang kasi ang terms of endearment nayan sa inbox ng kapatid ko, nacute’an ako kaya ginaya ko.

Im not beautiful nor a pretty woman, Woman? Syempre hindi na ako matatawag na teenager kasi papalapit na ko sa adult stage, papawala na sa “teen” na bilang ang edad ko kaya dapat maging matured na rin ako diba?

Change of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon