CHAPTER I- Kahit ilang beses akong magkasala

50 0 1
                                    

TWO YEARS AFTER...

Kahit ilang beses akong magkasala kung ikaw naman katumbas, mas mamatamisin kong makipalaro sa tukso…

Nagiisip si Mr. Twenty one paraan upang magkita sila ni Bunny, ang kaso hindi niya alam kung papaano. Hindi naman kasi alam ng bestfriend nya na may gusto siya sa girlfriend nito kaya malamang kumplikado ang sitwasyon diba?

Handa na syang gumawa ng first move, pero ang tanong ulit paano? Tsaka mutual ba ang feelings sa isa't isa? Paano kung ireject lang ulit sya ni Bunny? Edi friend zone ulit si Mr. Twentyone?

Bakit ba kasi hindi pwede, kung pwede naman?!... Hay gulo, hindi pwede kasi may masasaktan pwede naman kasi may paraan. Mahirap kasing kalaban ang konsensya pati sa pagtulog kasama mo yan, pero naman lord paano ba pipigilan ni Mr. Twentyone ang pagkahumaling sa gf ng bestfriend nya kung everytime na magkasama sila ng kanyang gf eh gf ng bestfriend nya ang nasa isip.

Noong minsan nga pangalan ni Bunny ang nabanggit nya ng tawagan nya si gf, buti nalang di ito nagusisa pa. Pagbonding naman nila naiisip nya na paano kaya kung si Bunny ang makabonding nya? Ang kaholding hands nya kapag naglalakad, ang kaakbay nya at higit sa lahat ang inaalagaan nya ngayon. Magiging masaya ba talaga syang tunay?

There are times na nararamdaman na ni gf nya ang kanyang panlalamig, pero hindi naman ito nagtatanong, siguro kasi wala naman itong nakikitang lumalapit sakanya. At wala naman kasi syang nilalanding babae maliban sa gf nya, talaga lang iba ang nasa isip nya kapag kasama ito. Wala rin naman kasi syang time tumingin pa sa iba dahil mismong gusto nga nya di nya, kung gagawin man nya un, bakit hindi pa doon sa taong gustong-gusto nya? Malamang magkaroon pa sya ng chance na magkatuluyan sila.

Wala din naman kasi syang magawa upang makontak ito kasi nagpalit na ito ng number at nahihiya naman syang ichat ito sa fb, baka mamaya ang kaibigan nito ang nagbukas noon malaman pa nito ang kalokohan nya. Ang hirap hirap kasi ng sitwasyon nila, at ang higit na malupit ay kung hanggang kailan sya magsasuffer sa ganitong feelings, hindi alam kung kailan matutugunan o kung may kahit konting chance nga ba? Maliban na lang siguro kung maghiwalay ang dalawa, kung mangyari man yun makakalapit ba sya?

Ilang taon na rin ang nakakaraan mula ng tuluyang mawala ang komunikasyon nila, at hindi na nya alam ang gagawin upang maibalik ito. Nauunahan sya ng takot at nangangamba na baka mareject, well kung mangyari man yun atleasthe did his best diba?

Sa kalagitnaan ng kanyang pagmumuni muni habang nagmamaneho, natanaw nya sa kanyang side mirror ang babaeng papalabas ng mall na pamilyar sa kanya. Kung hindi sya nagkakamali si Bunny ito at mag-isa lamang, isang beses palang kasi silang nagkita nito at it was a two years ago. Kaya hindi nya sigurado kung ito nga ito although maya't maya ay minamasdan nito ang picture nya sa cp nya kaya kabisadong kabisado na nito ang itsura nya, pero syempre iba parin ito sa personal. Mas cute itong tinggnan, at mas attracted ito sa paningin nya. Bigla ay bumilis ang kabog ng dibdib nya, corney na maramdaman para sa isang lalake pero yun ang nararamdaman nya at hindi ito mapigilan.

Inatras nya ang sasakyan sa gawi kung saan tatawid na sana si Bunny, nang makatapat na sya rito ay ibinaba ang salamin ng kotse at dumungaw sya para tawagin ang dalaga.

"Celine?!" simpatikong bungad ngiti nya sa dalaga.

---

Nagulat si Bunny o Celine ang tunay nyang pangalan ng may tumawag sa pangalan nya at mas lalo pa syang nagulat ng si Mr. Twentyone pala ito, hindi agad sya nakakilos dahil sa pagkabigla. For a couple of years nagkita ulit sila nito for the second time around hindi nya alam kung ano ang gagawin, nahihiya sya rito dahil naalala ang nakaraan.

"Mikael?..." nginig na tanong niya. Mikael kasi ang tunay na pangalan ni Mr. Twentyone, ginawan lang nya ito ng name code.

"Are you alone?" gwapong ngiti nito na hindi mahahalata na kinakabahan rin ito sa bigla nilang pagkikita, well hindi ito bigla dahil nagpakita talaga sya, it was his option kung bakit nangyayari nga itong tagpo na ito, kung hindi sya umatras at sinandyang tawagin ang dalaga di sana sya ganito ka kabado, pero baka ito na rin ang sagot ng langit sa mga katanungan niya, binigyan siya nito ng pagkakataon upang mapagtanto at masagot ang tunay niyang nararamdaman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Change of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon