"Okay, just a reminder before I dismiss the class." Sabi ni Mr. Reyes, professor nila sa Advance Accounting II. "Dapat by now, nakapagpasa na kayo ng mga resume niyo sa iba't ibang kumpanya. It doesn't have to be an audit firm, but remember, mas maganda ang experience sa audit practice. Is that clear?"
Tumango ang mga estudyante at nagsimulang magbulung-bulangan. May ilang nag-alala at may iba namang nakangiti na. Marahil ay mayroon nang naisip na kumpanya at natanggap na.
Gaya niya. Nangako kasi si Dino sa kanya noon na sa audit firm na kung saan ay senior partner ang daddy nito sila mag-iintern. Nabanggit na kasi ito ng professor nila nung nakaraang taon at sinabi niya kay Dino na wala pa siyang maisip na kumpanya.
"If only we had a conpany." Tukoy niya sa pamilya niya.
Their family is well-off pero hindi dahil sa may-ari sila ng malaking kumpanya katulad ng karamihan sa mga classmates niya. She grew up in the province at doon din nakatira ang mga magulang niya. Ibinili lamang siya ng bahay sa Manila noong nagkolehiyo siya.
Her father is a governor sa isang probinsya sa Norte and they owned big vasts of commercial and agricultural lands. They also have a rice mill, poultry farm, at babuyan. Their family name is well-known sa mga taga-Norte at nirerespeto ito ng mga tao.
"Kung gusto mo ay doon na lang sa audit firm ni Daddy?" Naalala niyang tanong ni Dino sa kanya. "Ok dun tsaka limited lang ang kinukuha nilang OJT. We could learn more from them."
"Naku, nakakahiya naman."
"Hindi. Bakit ka naman mahihiya? We're friends. Kanino pa ba tayo hihingi ng tulong di ba? Besides, I want to be with you. Para hindi boring."
Nag-alangan siya but she had no other options. "Oh sige na nga. Thank you Dino ha?"
"At wag mo nang alalahanin yun. Just give me your resume at siguradong pasok na tayo." Pagmamayabang nito. "Malakas ang backer mo e. Pogi pa." Dugtong nito at natawa na lamang sila pareho.
Napangiti siya nang maalala iyon. Ganon sila madalas ni Dino dati. Palaging magkasama, minsan kasama nila ang mga kaibigan minsan silang dalawa lang.
Napatingin siya sa upuan ni Dino, at nawala ang ngiti niya. At bakit hindi? Magkasama na naman kasi sila ni Arianne. Nagtatawanan at parang may sariling mundo.
Simula kasi nung niligawan ni Dino si Arianne ay malimit na lamang ang mga panahong magkasama sila.
Well sino nga ba siya kumpara kay Arianne? She is the one she loves. Period. Habang siya, isang hamak na kaibigan lamang.
She barely stopped herself from sourgraping. Ano bang problema mo ha Kat. Sinasaktan mo lang ang sarili mo, sabi ng isang parte ng isip niya.
"May nalalaman pa akong nakamove-on na ako. Wala din pala. Sayang effort." Bulong niya at pinagalitan pa ang sarili.
She just made a mental note to finalize her resume at maibigay na ito kay Dino sa lalong madaling panahon.
--
Kinabukasan..
She started her day right. Masaya at masigla siya.
She had finished doing her resume last night at magsinungaling man siya ay excited na siyang ibigay ito kay Dino. The internship excites her so much kahit sabihing matagal pa sila magsisimula. Sa summer pa sila pwedeng magsimula ng intership at November pa lamang ngayon.

BINABASA MO ANG
When Will It Be Me?
Teen Fiction"You're so near.. yet so far.." This is a story of a girl who was always there but was never noticed. The girl who gave her all but was never loved. And the same girl who said, "Someday, you will miss her like she missed you. Someday, you will...