Masamang masama ang loob ko sa mabilisang
Desisyon ng aking Mama para sa aking Sarili.
Hindi ko alam kung kanino ako tatakbo
Sino ang mapagkakatiwalaan ko.
Ayoko naman ikasal ako sa taong hindi ko mahal.
Ayoko iparanas sa mga magiging anak ko
ang pait ng nakaraan ko.
Mataas ang aking pangarap pag dating sa magiging anak ko.
Sabi nila pag nangarap ay lubusin na
tutal ay nangangarap ka lang naman.
Tanging si mama na lamang ang kasama ko sa araw araw
ngunit halos parang hindi nya ako kilala,
at wala siyang oras para saakin.
uuwi lang siya para matulog at gigising para umalis.
malungkot para saakin na hindi man lang ako nakakamusta
ng mama ko.
hindi man lang sya nagiging proud
dahil top 2 ako sa subject na mathematics
ibang iba siya kay papa.
Kung sana ay narito lang si papa ay tiyak puro kasiyahan
ang bahay
na ito at hindi katahimikan.
Daddy's girl ako lagi kay papa
ang hiling ko na laging inaayawan ni mama.
lagi nya akong sinusuportahan kabaligtaran
ni mama na puro negatibo pag dating saakin.
Masakit pero kailangan.
Muli akong sumulyap ng huling beses sa bahay namin
sulyap na puro masayang ala ala.
ang dala sa aking pag alis. Pilit man akong pinipigilan ng tita ko
ngunit wala siyang magawa.
Pinahid ko ang mga luhang nagbabadyang pumatak.
Pagod na akong umiyak
halos gabi gabi nalang kapag naiisip ko na may natira
nga na sana ay dapat sumuporta saakin.
pero daig kopa isang ulila.
Minsan naisip ko na isipin man nilang
masama akong anak ay hinihiling ko na si
mama nalang nawala
at si papa ang andito.
Hindi ko na nakayanan pang pigilan ang luhang
kanina pa gustong
pumatak ng isarado ko na ang gate.
Nasasaktan ako pero ayokong
gamitin ako ng mama ko para makaahon lang
sa pinagkakautangan niya.
Nalulong sya sa bisyo at halos 90 percent ng ari arian
namin ay naghihingalo na.
Naglalakad ako wala akong paki alam
kung pinagtitinginan na ako
ng mga tao nagmumukha man
akong pinalayas ay nagmistulang
parang manhid ang aking pakiramdam.
Hanggang sa nakasakay na ako ng jeep
ay wala paring tigil ang pag patak ng luha ko
na lalong nagpatindi
dahil sa tugtog na "paalam na"
kaya hindi ko napigilang mapahagulgol.
BINABASA MO ANG
The Loving Misstress
RomanceIts all about kung gaano kasakit magmahal ng kahati, masaktan ng patago umiyak ng palihim masaktan ng paulit ulit pero sa bandang huli ay mas pinipili nilang maging masaya kahit alam nilang hindi tama, wala naman masamang umibig ang masama lang ay m...