A Broken

92 1 0
                                    

Manong paki patay naman po ng radyo nyo o pakilipat naman po sa ibang itasyon ung hindi po masyadong nagpapalala ng damdamin".

Pakiusap ko sa manong na tulala din feeling ko broken si manong dahil halos wala na syang paki alam kung mamatay ang pasahero nya makarating lang sa pupuntahan.

Hindi din nya ako pinakinggan mas lalo akong napahagulgol ng biglang tumugtog and Dance With my Father.

Hindi ko alam kung nananadya ba ang tandhana hindi ko tuloy namalayan na nagsibabaan na ang lahat ng pasahero saka ko lang narinig na.

"Miss alam mo kanina kapa iyak ng iyak hindi na nga kita siningil dahil mukhang ang laki laki ng pinagdadaanan mo parepareho lang tayong may problema. Kaya huwag mo sanang masamain kailangan mo na bumaba dahil maghahnap buhay pa ako".

Wala akong nagawa kundi ang bumaba saktong pagbaba ko naman at may nga batang animo may pinaplanong hindi maganda nakatingin lang ako ng biglang hinila nila ang bag na dala dala ko.

Naisip ko nalang wala na Wala na lorraine.. walang wala na kung nasa matino akong kalagayan ay baka hinabol ko ang mga bata o kaya ay nagsisisigaw.

Pero dahil wala akong pakialam sa nangyayari imbis na magsisigaw ay naglakad nalang ako sa kawalan. Kasabay ng muling pagpatak ng luha ko at sya namang pag buhos ng ulan.

Pag minamalas ka nga naman nasabi ko nalang at dahil sa wala na rin akong perang magagatos para mag matuluyan ay hinayaan ko nalang ang sarili kong paa kung saan ako dadalhin nito.

Hindi ko namalayan ang pag dating ng pulang Van na agad namang bumusina ng napahinto bigla at bumaba mula sa driver seat ang isang napaka gwapong nilalang.

Halos nalaglag ang panga ko hindi ako makakilos at hindi rin ako makapagsalita parang nag slow motion ang lahat saakin. Parang tumila ang ulan at biglang nagkaaraw gayung gabi naman.
Saka lang ako bumalik sa reyalidad ng bigla nya akong buhatin.

"Kuya pinaghahampas ko ang likod nya diko akam kung anung ginagawa nya at gagawin saakin dahil pilit nya akong pinapapasok sa Van nya
kuya kung kidnap ito parang awa nyo wala kyong makukuha saakin kaka holdap lang ng bag ko ng bumaba ako ng jeep kaya ni singko wala akong maibibigay sa inyo tuloy tuloy na paki usap ko".

"Pwede ba miss mukha ba akong kidnapper kanina pa kasi kita tinatanong kung ayos kalang pero mukhang wala kang planong magsalita kaya please pumasok kana lang basang basa narin ako".

Doon ko lang napag tanto na basang basa na pala at bumakat ang mala adonis nyang katawan napalunok ako.
Hindi ko alam pero feeling ko bigla akong nahiya ng sabihin nya.

"Tapos kana ba kakatitig saakin? Kung maari sana eh pumasok kana ng madala kita sa pinakamalapit na ospital at matanong kung me pilay kaba o ano"

pumasok na ako wala din naman akong matutuluyan.
Wala akong kakilala dito sa maynila wala akong kamag anak at mukhang walang plano si mama na hanapin ako.
Ng dahil sa naisip ko bigla nalang pumatak ang luha ko tamihik at impit akong umiyak hanggang sa makatulog ng hindi namamalayan

The Loving MisstressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon