"Sinaktan ka na naman niya?"
Tahimik ang paligid pero lalo itong tumahimik nang bitawan niya ang limang salitang iyon. Lumingon ako sa kaniya.
"Ano pa bang bago?"
"Tumigil ka na kasi sa pag-asang babalik pa siya. Hindi na Carla. Hindi na."
Hindi na. Alam ko naman. Tapos na. Pero kahit sino naman siguro mahihirapang makalimot lalo na kung apat na taon ang pinagsamahan niyo. Hindi ganun kadaling kalimutan kung siya ang First Love mo. Ang unang lalaking nagparamdam na iba ka, espesyal ka.
Hindi ko naman kasalanan kung may kaniya-kaniya kaming pangarap na gustong matupad. Pumasok kami sa magkaibang kolehiyo, at doon nagsimula ang lahat. Hindi pa man natatapos ang unang semestre ng aming unang taon. Nakahanap na siya ng iba.
"Bakit mas masakit pag sayo nanggaling Travis?"
"Kasi ako pa lang naman ang nagsabi sa iyo niyan." Ngumiti siya, at lumabas ang kaniyang nakaaaliw na dimple. Dahilan para mapangiti na rin ako.
Tumahimik muli kami, kapwa nagkakahiyaan sa susunod pang mga sasabihin. Tama siya pero ano bang magagawa ko? Ito lang naman ang paraang alam ko, magmukmok hanggang kaya ko na.
"Stay strong, beautiful." Pagbasag niya, saka kumindat sa akin kahit na halos di ko naman napansin iyon dahil singkit siya.
Natawa ako, ngunit hindi ko na sinabi ang tunay na dahilan.
"Salamat."
"Sus, parang yon lang?" Ginulo niya ang buhok ko, isang bagay na ayaw na ayaw ko dahil matagal ang panahon na ginugugol ko sa pag-aayos nito. Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan, pero hindi na niya ito muling binitawan pa.
Katahimikan. Nanaman. Parehas kaming nagpapakiramdaman.
"Tara na nga dun, namimiss ka na ng barkada. Namimiss na nila ang kaingayan mo at pagiging babaeng bakla mo."
Sa halip na mainis ako, ngumiti na lang ako. Hindi ko alam pero sa simple niyang mga paraan gumagaan ang pakiramdam ko.
"Salamat, Travis. Salamat."
"Tigilan mo na ang pagpapasalamat mo dahil nakukulili na ako." Pagbibiro niya, matapos ay inakbayan ako, "Magmula ngayon, ako naman ang magmamahal sa'yo."
BINABASA MO ANG
Sa Kadahilanang Walang Forever (One Shot)
Romance"Pinaniwala mo akong may forever tapos ngayon iiwan mo ako? Isa kang malaking joke na kahit kailan ay hindi ko mage-gets." Note: Medyo totoo ang mga hugot dahil based on a true story